Chapter 6

642 19 0
                                    

Nung makapasok kami sa gate ng academy ramdam ko agad yung titig nila at mga bulungan, dalawang bag kase yung buhat ni Nathan kasama yung bag ko habang hatak hatak nya yung wrist ko, hawak ko naman yung file cases naming dalawa


"Grabe, late na kayo" napatingin naman ako sa lalaki tumabi sa akin

"kayo?" tanong ko

"Tayo pala, tayo tara bilisan na natin" sabi ni Andrew sabay takbo


Nung makapasok kami nung room kagaya kanina gulat at hindi makapaniwala ang itsura ng lahat pati yung mga kaibigan ko, lumapit yung instructor sa aming tatlo at kinausap kami sandali bago kami pinaupo

"Ian, pwede bang magpalit tayo pwesto?" nagulat pa yung kaibigan nya bago tumango

Nung nakalipat na sila ni Lyza agad kami umupo sa upuan nila at nakinig kahit naramdam ko ang bigat sa pakiramdam ng presensya ng buong klase


"Class lilipat tayo sa field since mas malawak yung ground doon, hihintayin ko kayo bilisan ang kilos" sabi nung instructor namin sa PE class bago lumabas ng room, tahimik ang lahat at wala naglalakas loob na tumayo maliban kay Nathan at Andrew

"Mukang masaya ito tatakbo tayo sa buong field" masigla sabi nya habang nag-iinat inat

Kinuha ni Nathan ang bimpo at tumbler nya bago kinuha ang bag ko at kinuha yung tumbler ko

"Tara na" binigay nya yung bimpo nya at hinatak ako patayo

"GUYS GALAW GALAW" sigaw ni Andrew nung mapansin nya nakatigtig at nakikinig lang sa amin ang lahat

Tumingin ako sa mga kaibigan ko at tumango naman sila kahit na alam kong marami silang tanong


Bago magsimula lumapit kami ni Nathan sa instructor hindi ko alam pero binulungan nya ito at ngumiti yung instructor bago tumango tango

"Yuri, wag ka nang tumakbo maglakad ka nalang, anak" sabi nya sa akin
Kaya agad ako napatingin kay Nathan

"Mainit masyado baka hindi kayanin ng mahina mong katawan" agad kong hinampas yung braso nya

"Lakas mong mambwiset wala bang araw na hindi mo ko aasarin" nagulat ako nung tumawa yung instructor sa harap namin

"Mga anak ang cute ninyo tignan pero ako ay single kaya pwede ba wag kayo sa harap ko maglambingan" nakangiti sabi nya

Lalo lumakas ang bulungan ng mga classmate namin kaya agad ako napatingin kay Cheska na nakatingin rin sa amin mukang wala rin siya naiintindihan sa nangyari, hinarang ni Nathan yung sarili nya kung saan ako nakatingin sabay iling nya, kaya pinagpatuloy nalang namin yung activity na pinapagawa, nung nakabalik na kami sa room, doon na nagsimula


"Pre, wag mo sanang masamain yung tanong ko pero anong meron sa inyo ni Yuri?" tanong ni Gilbert na nakapagpahinto sa ginagawa ng lahat at agad na tumingin sa amin

"What do you mean?" tanong ni Nathan at iniabot yung tumbler nya

"Ano kase kung kumilos kase kayo dalawa para kayong mag-jowa, aware ba kayo doon?" tanong ni Lyza

"Siguro dahil girlfriend ko talaga siya?" patanong na sagot nya

"WHAT?"

"ANO?"

"Nagugutom na ako, tara" aya niya

"Ayoko kasama ka kumain" kontra ko

"Kung sa tingin mo papayagan kita, nagkakamali ka" sagot naman nya

The Fake RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon