Nakatingin sa labas ng eroplano si Ayesha habang napapabuntong hininga dahil ilang oras nalang ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan niya. It's been five years ng umalis siya ng bansa and somehow she misses it. Kahit sabihing tinuring na din niyang tahanan ang london, iba pa rin talaga ang sarili mong bayan.
Maya-maya ay sinabi na ng cabin crew na sila ay lalapag na. She breathed heavily. This is it. Hindi niya maiwasan na kabahan not for fear but for excitement. Yes. Kahit naman na nag-aalangan siyang umuwi noon hindi naman din niya maitatago ang excitement knowing na makikita ulit niya ang daddy niya at ang Pilipinas. Five years din niyang hindi nakikita ang ama, hindi kase ito dumadalaw sa kanya sa london dahil busy sa negosyo nila and she understand him. Siya din naman kase walang time para umuwi ng Pilipinas dahil abala din siya sa career niya. Atleast may communication pa rin sila ng daddy tho madalang lang din but still hindi yun nakabawas sa relasyon nila bilang mag-ama. Kahit na ngayon ay ito ang dahilan ng pag-uwi niya at pagreresign sa trabaho.
Tulak-tulak niya ang kanyang mga bagahi habang papalabas ng Airport. Kalalapag lang nila kanina at ngayon nga ay ito siya at papalabas na. Hinahanap niya ang susundo sa kanya, her dad insisted it kahit sinabi niya na kaya naman niyang umuwi mag-isa but knowing her dad gusto nitong nasusunod ito kaya hinayaan nalang din niya. Ayaw niyang makipag-argue pa.
Habang ginagala ang paningin sa paligid may nahagip siyang lalaki na nasa mid-40's na may hawak ng puting papel at nakasulat dito ang pangalan niya. Ito na ata ang sundo niya, sa isip-isip niya. Naglakad siya papunta dito at nang nasa harapan na siya bigla itong nagsalita.
"Miss Ayesha Faye Alcantara?". Paninigurado nito.
Tumango siya. "Yes. That's me." Sagot niya.
"I'm Allan De Guzman Miss. Pinadala ni Sir Alcantara para sumundo sayo. Nice to meet you and Welcome back." sagot nito habang kinukuha sa kanya yung mga gamit niya.
"Thank you. Nice to meet you too, Mr. De Guzman." Sabay abot ng kamay para makipag-shake hands dito.
Tumango ito at inabot ang kanyang kamay. Pagkatapos ay nagsimulang maglakad na ito.
"This way Miss." Paggagaya sa kanya.
"Okay." Sagot niya habang sumunod dito.
Habang sinusundan niya itong maglakad papalapit sila sa isang itim na sasakyan at may nakaabang dito na may katandaan na lalaki, maybe it's the driver.
"Welcome back señorita!." Saad nito habang sinasakay ang mga gamit niya sa compartment.
"Salamat. Ayesha nalang po." Sagot niya dito. Hindi kase talaga siya sanay na tinatawag siya ng ganyan.
"Aay, nakow. Hindi pwde señorita."
"I insist. Hindi po kase ako sanay na tinatawag ng "señorita" o kahit Miss nalang po." Sagot niya dito.
"Sige po Miss." Pagsang-ayon nito
"Much better. Basta wag lang po "señorita".
Ngumiti ito habang tumatango. "Sige po. Ako nga po pala si Mang Rick Miss. Tara na po." Habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.
Tumango lamang siya at pumasok na.
Mahaba pa ang byahe kaya inaaliw nalang niya ang sarili sa pagtingin ng tanawin sa labas ng sasakyan. Infairnes, may pagbabagong nangyari sa loob ng limang taon na nawala siya, tho hindi malaki pero atleast meron. Habang naaliw siya sa mga nakikita biglang tumunog ang phone niya. Si Cess ang tumatawag. Napailing siya habang sinagot ito. Hindi pa nga siya nakakapagsalita, sumisigaw na ito sa kabilang linya.
"Kyaaah! BESTFRIEND! HOW ARE YOU NA? KAMUSTA ANG PILIPINAS? OMG. WHERE NA YOU BA? NASA HOUSE KA NA BA?" Sunod-sunod na tanong nito.
Napalayo siya sa phone niya dahil sa sigaw nito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Chef Wife (Slow Update)
General FictionAyesha Faye Alcantara's dream is to become a professional chef since she was a kid. So she ran away from her home and went to Europe to chase and fulfill her dreams. Now, she's living on it. She is now a professional chef that she's been dreaming ab...