The dinner went very well. Dalawang oras ang nilagi nila doon at ngayon nga ay nasa byahe na sila ni Ingram pauwi. Ayaw pa nga sana ng Mommy niya dahil sa maaga pa daw, but I told her, I will visit her some other time at sa tuwa ay binigay nito ang phone number.
Binabagtas na nga nila ni Ingram ang daan pauwi sa bahay niya ng walang imikan. Simula ng nakaalis sila sa bahay ng parents ng binata hindi na sila nag-usap. Pabor naman sa kanya dahil bigla siyang nakaramdam ng pagod. Natutuwa naman siya sa naging resulta ng pagpapakilala sa kanya ng binata sa angkan nito.
She was about to take a nap ng biglang mag salita si Ingram.
"You tired?" He asked.
Gusto niya sanang tarayan ito pero wala siya sa mood kaya sinagot nalang niya ito ng tipid.
"A little."
Hindi na niya ulit ito narinig magsalita kaya naman unti-unti na siyang nilamon ng antok.
Nagising siya sa pagkaka-idlip ng maramdaman niyang biglang huminto ang sasakyan kaya naman iminulat niya ang mata at tumingin sa labas. Nakarating na pala siya sa bahay. Lumingon siya kay Ingram na nakatutok lamang ang paningin sa harapan. Kaya naman kinalas na niya ang seatbelt. Bago lumabas ay nagsalita muna siya.
"I don't like what you did earlier. Hindi mo ako tauhan na pwede nalang utos-utosan o ipilit ang isang bagay. I will be your wife kaya respetohin mo kung ano ang ayaw at gusto ko at wag mong ipilit ang sayo. Anyway, thank you for driving me home."
Pero bago pa siya makababa nagsalita ito.
"I am sure that Tito told you about me coming. And I don't like wasting my time, Ayesha. Remember that." He dangerously said.
Gusto niyang bigwasan ang lalaki dahil sa sinabi nito akala niya ata natatakot siya sa tono nito. Kung di lang talaga siya pagod papatulan niya ang lalaki.
"Whatever. I don't have the energy to argue with you tonight. Goodbye!" Ani niya sabay labas sa kotse nito at naglakad papasok ng bahay.
Hindi niya nilingon ang binata dahil sa inis. Hindi na din niya inalok itong pumasok sa bahay nila bahala siya sa buhay niya!
Habang papasok sa loob nadatnan niya ang Daddy niya sa may sala. Hula niya inaantay siya. Kaya naman binati niya nito.
"Good evening, Daddy. Why are you here.?"
Biglang umangat ang tingin ng daddy niya mula sa binabasa nito papunta sa kanya sabay ngiti.
"Good evening, sweetheart. How's the family dinner with Galvano Clan?" Tanong ni Daddy.
Hindi na siya nagulat kung alam ng daddy niya kung saan siya galing.
"It's fine, dad. They are very accomodating and friendly." Ngiting sagot niya.
"That's good. Alam kong magugustuhan mo ang pamilyang Galvano. Hindi kami nagkamali ni Papa sa pag pili. Sige, umakyat kana at magpahinga na sweetheart. Goodnight." Ngiting ngiti na saad ng daddy niya.
Nginitian at hinalikan niya ang ama bago umakyat sa kanyang kwarto.
Katatapos lang niya mag-ayos at ngayon nga nakahiga na siya sa kanyang kama habang iniisip ang nangyari sa buong araw. Kahit naman inis na inis siya sa binata dahil sa pagkaladkad at biglaang pagpapakilala sa kanya nakaramdam naman siya ng saya dahil sa pamilya nito. Mainit ang pag tanggap nila sa kanya at walang awkward moments. And it warmth her heart.
Kinabukasan, maaga siyang gumising dahil gusto niyang sabayan ang daddy niya mag breakfast bago ito pumasok sa kompanya. Habang pababa siya ng hagdan naririnig niyang may kausap ito. Alam niyang hindi sa telepono dahil may naririnig pa siyang isang boses. Napakunot noo siya. Sino kaya ang bisita ni daddy sa ganitong oras? Tanong niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Chef Wife (Slow Update)
Algemene fictieAyesha Faye Alcantara's dream is to become a professional chef since she was a kid. So she ran away from her home and went to Europe to chase and fulfill her dreams. Now, she's living on it. She is now a professional chef that she's been dreaming ab...