Wala pa rin talaga siyang ka ideya-ideya kung saan sila papunta ng damuhong kasama niya. Nilalamig na din siya dahil sa basa nga ang panloob niya at tanging roba lang ang panangga niya sa mala-alaskang aircon nito. Gusto man niyang sabihin dito na hinaan or patayin ang aircon pero ayaw niyang makausap ito kaya magtitiis nalang siya sa lamig.
Ilang minuto na silang nagbabyahe at kanina pa siya nakatingin sa labas, simula ng sumakay este pinilit siya isakay nito ay hindi na niya nililingon ang lalaki, bahala na magka-stiff neck. Tsk.
Habang busy sa pag-iisip ng plano kung paano siya makakatakas sa lalaki, ay di niya namalayan na huminto na pala ang sinasakyan. Dun niya lang napansin nang bumaba ang lalaki. Napatingin siya sa paligid. Di niya mapigilang mapataas ng kilay ng mapagtanto niya kung saan sila huminto. Sa isang mamahaling botique.
Nasa botique pa rin ang kanyang atensyon kaya't di niya napansin na napagbuksan na pala siya ni Ingram ng pinto kaya napatingala siya dito. Nakakunot na ang noo nito.
"Get out Ayesha! We don't have enough time. Hurry up!" Medyo pa sigaw nito sa matigas na tono.
Napataas ang kilay niya dito. At alam niyang kitang-kita nito. Sinadya niya talaga dahil naiirita na siya sa pagiging bossy nito.
"I said don't boss me around." Matigas din niyang sagot habang pababa ng kotse at dere-deretso papuntang botique. Hindi niya ito nilingon. Ayaw na ayaw niyang minamanduhan siya sa ginagawa niya. Pumayag na nga siya na magpasakal este pakasal dito tapos ngayon akala mo kung makautos eh pagmamay-ari na niya siya ng tuluyan. Kung di lang siya nito binuhat nunkang sasama siya.
Dere-deretso siya hanggang sa makapasok sa botique. Nakaagaw naman siya ng atensyon dahil sa suot niya. Yeah, she's wearing robe at pansin ang kanyang basang buhok. Binati siya ng babae.
"Goodafternoon Ma'am. How may I help you?" Tanong nito. Tinitigan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Pssh..
Sasagutin niya sana ito ng maunahan siya ni Ingram. Nakasunod na pala ito sa kanya.
"She's with me Mira."
"Goodafternoon Sir Ingram. Kayo po pala. Siya po ba yung sinasabi niyo?" Paninigurado nito.
Napakunot ang noo niya. Sinasabing ano?
Tumango lang naman ang lalaki palatandaan ng pagsang-ayon.
"Oh, okay sir. Kami na po ang bahala." Sagot naman nito habang bumaling sa kanya.
"This way Ma'am." Turo nito sa isang kwarta. Hindi na siya nagdalawang isip na tahakin ang itinuro nitong silid. Nilalamig na talaga siya at gustong-gusto na niyang magpalit ng damit. Iniwan niya ang dalawang nag-uusap pero habang tuluyang makapasok sa kwarto narinig niya ang pagsabi nito na kailangan daw nilang bilisan. Tsk.
Inasikaso naman agad siya ng mga ito. Tinuyo ang kanyang buhok at inayusan na din siya. Hindi na siya nakapag-react, hinayaan na lamang niya. Ang gusto na lang niya ngayon ay matuyo siya at matapos na sila.
After 123456789 years natapos din ang pag-aayos sa kanya. Thank God! Gustong-gusto na niyang patigilin ang mga to sa mga ginagawa ngunit alam niyang mas tatagal lang sila lalo na at inutos daw ni Ingram na ayusan siya. She roll her eyes to that. Okay, mukha naman talaga siya basang sisiw kanina pero kunting ayos lang naman and she's good to go pero they insist na lagyan siya ng make-up which is she totally hate it, so they decided na light make up nalang ang ilagay at mas inemphasize lang yung mata at labi niya dahil yun daw ang strongest point niya, ayon sa kanila.
She wore backless grey lace dress pair it with grey stiletto. Nang tiningnan niya ang kabuoan sa salamin, na satisfied naman siya. She love the details on her dress and it's perfectly fit on her body. At mas hantad na hantad ang likod niya dahil sa pagkakaayos ng kanyang buhok. She check her self on the mirror once again before going out.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Chef Wife (Slow Update)
General FictionAyesha Faye Alcantara's dream is to become a professional chef since she was a kid. So she ran away from her home and went to Europe to chase and fulfill her dreams. Now, she's living on it. She is now a professional chef that she's been dreaming ab...