Bitch 👑 9

242 5 0
                                    


         [[ A P H R O D I T E ]]

Hi, my name is Taeyana Aphrodite Thompson (Childish tone). Hahaha grabi lungs! Parang bata kung magpakilala. Anyways, Taeyana Aphrodite Thompson again is the name. The Goddess of Rozuela Academy. Hahaha chos. Bespren ko yung Goddess ng Rozuela no. Baka sapakin pa ako nun eh. Takot ko lang sa kanya no.

Anyways, I'm the princess of Rozuela Academy while my bespren, of course you know her. The Queen of Rozuela. I'm a bit childish just like what Queen always said. I'm talkative, noisy, and a happy go-lucky person. Pero 'wag ka. Despite of my jolly side, ako yung tipong pag binangga mo, pagsisisihan mo. Just like Queen, I'm a bitch. The childish-bitch princess in Rozuela Academy.

"Hoy!"

"Ay bitch!"

Napakurap ako ng bigla nalang sumigaw si Sapphire sa tenga ko. Baliw lang? Ayan tuloy!

"Yeah, thanks,"

Nag taka ako sa sinabi niya pero narealize ko na din. Calling her bitch is a compliment for her. At ako namang si gaya-gaya, ganon din.

"Anyways, what's with you? Tulaley ka," she asked.

"Nothing. I was just thinking,"

Tanging sagot ko saka pinikit ang mata ko at ninamnam ang simoy ng hangin dito sa veranda. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakagaan ng feeling ang sariwang hangin. Kaya gusto ko dito sa veranda eh. Sariwa ang hangin dito.

Andito kami ngayon sa veranda ni Sapphire. Anong ginagawa namin? Well, sa totoo lang, wala. Naisipan lang naming tumambay dito since tapos na kaming Kumain ng dinner. It's already around 7 pm. Madilim na pero hindi ang night woods. Gaya ng dati, may mga street lights na naka lagay at mga lights na naka sabit sa sanga ng mga puno.

"Tulala ka na naman. Stop over thinking, A. Masisira beauty mo niyan,"

Napamulat ako at napa tingin kay Sapphire. Nakapikit siya at gaya ko, ninanamnam din ang sariwang hangin. Napatitig ako kay Sapph. Tinatanggay ng hangin ang buhok niya dahil nakalugay lang ang ito. Ilang taon na kaming mag kasama ng babaeng 'to pero hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa ganda niya. She's really perfect. Sobrang kinis ng mukha niya, yung ilong niyang matangos, yung pisnge niyang pinkish, yung mata niyang hazel nut brown at yung labi niyang manipis na pula. Jus ko! Tanga nalang siguro ang hindi magkakagusto sa kanya.

Nakapikit pa rin siya hanggang ngayon. At na gulat ako ng may kunting ngiti sa labi neto. Napa ngiti din ako. Minsan ko lang talaga nakikitang naka ngiti ang isang 'to. Hindi naman sa hindi siya masaya pero hindi lang niya pinapakita ang emosyon niya. Ewan ko ba sa babaeng yan.

Simula ng makilala ko si Sapph, my life changed. Nagka thrill ang buhay ko. Way back nung hindi ko pa kilala si Sapph, my life was plain. I was the only child kaya naging boring ang buhay ko. I wasn't a nerd before but I was kinda weakling back then. Sometimes, I get bullied because of being a weakling. I never fight back dahil ayokong bigyan ng sakit ng ulo si Mom at Dad. But when Dad, knew that someone bullied their princess, he got mad, of course. Dad reported it to the principal and the child got suspended for 3 weeks. Starting that day, they stopped bullying me but still, I didn't get friends. I don't know why maybe because I'm boring and plain. Not until I entered Rozuela Academy. I'm not a bad ass that time but Dad enrolled me to a school. School for a bad ass students. For bitches, spoiled brats, and jerks.

I thought I wont get bullied once I entered Rozuela because of my Father. Our Clan was one of the wealthiest family in the world. We're in the Rank 6. But I was wrong after all. Mas lumalala ang pang bubully sakin. For them, I was a weakling. That I don't belong in Rozuela Academy. Until, I met Sapphire. We became friends dahil tinulungan ko siya nun. She was Locked up in her office by her dad. Reason? It is because she punched her classmate and her dad get mad at her that's why he locked her up in her own office. We became close and I was glad no one never bullied me since I was with the Queen.

The Bitch Queen Where stories live. Discover now