Bitch 19 - Welcome to Bora Bora Resort

291 6 0
                                    

*knock knock*

Dahan dahan kong minulat ang mata ko ng makarinig ako ng katok. Actually, kanina pa yun eh pero ko di lang pinanpansin pero ngayon, nagising diwa ko sa lakas ng pag katok.

Nag unat muna ako. Tinignan ko ang phone ko at nagulat ng 4:15 na pala. Dali dali akong tumayo at kinuha ang robe ko saka nagmadaling lumabas sa kwarto ko. Pumunta ako sa kwarto ni A at binuksan yun saka siya ginising.

Niyugyog ko siya ng mabilis pero tulog mantika talaga ang bruha kaya naman sinampal ko siya ng malakas at ayun, nagising na hawak hawak ang pisnge niyang namumula.

"Aww. Ang sakit nun."

"Tulog mantika ka kasi. Mag ready ka na. Bubuksan ko lang sila sa baba."

Tumango lang siya at dumiretso na sa banyo habang ako naman ay bumaba para buksan ang pinto. Bumungad sakin ang iritadong mukha nila. Tinignan ko lang sila ng blankong expresyon saka pinapasok.

"Bakit andito kayo? Sa main building ang meeting place diba?"

Tanong ko habang naghahanda ng maiinom namin.

"Oo nga kaso quarter to 4 palang, andon na kami. Eh ang tagal niyo kaya naisip namin na puntahan nalang kayo kasi baka tulog pa kayong dalawa. At hindi nga kami nagkamali." Paliwanag ni Wade

"Tss. Ganyan ba kayo ka excited?"

Tanong ko. Ako din naman excited kaso napuyat lang ako kagabi kakaisip sa punyetang mga activities na gagawin. Tatlong oras lang ata ako natulog eh.

"Oo naman kaya dalian niyo na dyan. Malapit ng sumikat ang araw. Mainit pa naman sa labas."

Umirap lang ako sabay bigay sa kanila ng coffee. Umakyat na din ako sa taas. Pinuntahan ko muna si A sa kwarto niya.

Pagkapasok ko, naka robe pa siya habang may tuwalya sa ulo niya.

"Andyan sila sa baba. Dalian mo dyan."

Tumango siya kaya pumasok na ako sa kwarto ko at naligo na din. Di naman ako nag tagal sa banyo. Sinuot ko na yung summer dress ko na kulay blue na may na puti at black color. Blinower ko ang buhok ko at kinulot ang dulo saka tinali pa right side. Naglagay lang ako ng konting pulbo, eye brow and lip shiner.

Kinuha ko yung summer hat ko, malaking backpack, ang denim long sleeves ko, shades, my shoulder bag and ang dslr ko at phone saka lumabas sa room at nilock ito. Bumaba na ako sa hagdan habang maraming dala. Lumapit si Mase sakin saka ako tinulungan.

"Ang ganda mo naman, Miss Beautiful." Nakatulalang sabi ni Asher.

I mean, lahat sila nakatingin sakin. Hays, ang ganda ko talaga no?
Well, Aphrodite chose this. Siya bumili ng mga gamit ko kagabi. Hindi na kasi ako sumama sa kanya mag mall dahil busy ako sa pagpa-plano kaya pinasama ko nalang si Thelina sa kanya.

"Matagal ng maganda si Sapphire."
Biglang sabi ni Mase ng nakangiti.

Umiwas nalang ako ng tingin dahil kinakabahan na naman ako. Kailangan ko na talagang maamin to kay A para matulungan ako eh.

The Bitch Queen Where stories live. Discover now