[[ A P H R O D I T E ]]
12:30
"Nag reply ba si Sapphire?"
Mase askedUmiling naman ako habang nakatutok sa phone ko, naghihintay na mag reply si Sapph pero wala. Kanina pa namin sila hinahanap. Simula nung lumabas kami ng dorm room namin, hindi na namin sila nakita pa.
"Hoy!"
Biglang hinila ni Mase yung dumaang estudyante. Andito kasi kami sa field nakaupo
"Bakit po?" Tanong nung Sophomore girl na student. Pano ko nalaman? May nakalagay kasing Sophomore sa T-shirt niya. Hihihi
"Nakita mo ba si Sapphire at Zeus?" Tanong naman ni Asher sa kanya
Napaisip naman siya habang kami naghihintay sa isasagot niya. MIA kasi yung dalawang yun eh. San ba kasi nagsusuot yun? Bigla bigla nawawala.
"Si Queen po ba? Nakita ko siya kanina sa parking lot eh. May kasamang lalaki, hindi ko po kilala sino yung kasama niyang lalaki." She replied
Nagkatinginan kaming lahat na parehong nagtatanong. Parking lot? Lalaki?
Binitawan na ni Mase yung Sophomore girl at saka nag Thank you. Ngumiti lang siya samin saka na umalis. Nakita ko pna siyang nagpapacute kay Alien. Aba!
"Baka si Zeus yung kasama niya sa parking lot?" Patanong na sagot ni Cross
"Parking lot?" Tanong naman ni Wade
Tumango kami sa kanya. "Anong ginagawa nila sa parking lot?"
"Nagmemake out siguro?"
Napatingin kaming lahat sa sagot ni Asher. Binatukan ko naman siya at sumunod si Cain, At Dale. Habang sinipa lang siya ni Mase kay napa aray siya.
"Gago ka! Isusumbong kita ni hyung, makikita mo." Banta ni Cain
Natawa lang sina Wade and Cross sa kanila.
"Ano? Joke lang naman yun. Kayo talaga masyado kayong seryoso eh! Malay niyo talaga diba? Gina-- Ah!" sinipa kasi siya ni Mase
Natawa nalang kami sa kanilang dalawa. Mga loko loko talaga. Ang sarap ipag untog eh no?
"Ang dumi ng utak mong kabayo ka. Umayos ka nga." Sita ni Mase
Tinaas lang ni Asher yung kamay niya, surrendering. Natatawa pa siya. Walanghiya talaga yun.
Natahimik na sila. May kanya kanyang ginagawa and as for me, humiga ako sa damo. Malinis naman yung ground dito kaya no worries.
"pakshet ka, Pandak! Malapit ko na maging 1 Million yun eh!"
Napatingin naman ako kay Daley nung sumigaw siya. Nakakunot ang noo niya habang pinagpapalo si Dean na tumatawa naman. Akala ko kung ano. Hays! May mga saltik!
"Girl, sila ba talaga?"
"Siguro? May nakakita kaya sa kanila kanina. Nagdedate ata sila."
May narinig akong nagku-kwento sa likod namin. Tatlo silang seniors at mukhang may pinag uusapan. Total naman wala akong magawa, makikichismiss muna ako. Hihihi
"Bagay naman sila diba?"
Sabi nung girl na naka pang volleyball attire. May pinakita siyang pic sa kanila using her phone. Gusto ko din makita."Oo nga naman. Sayang, akala ko single pa si Zeus."
Naaalerto ako ng marinig ang pangalan ni Zeus. Napatingin ako agad sa kanila. Sino kaya yung tinutukoy nilang kasama ni Zeus?

YOU ARE READING
The Bitch Queen
AcakSaksihan natin kung paano mag mahal ang isang kinakatakutang REYNA. ~~ This is a fan-fic story by Bunnyflower0213. Grammatical errors can be seen in this story. Read at your own risk.