Prologue
May mga desisyon na tayo na nakabuti sa atin
May mga desisyon na nakabuti nga sa atin
Pero hindi natin alam
Kung sino ang nasasaktan natin
At sa oras na may nasaktan tayo
Hindi mo maiiwasan ang paghihiganti ng taong nasaktan natin
Hindi mo maiaalis sa kanya
Ang kagustuhan makaganti sa maling nagawa mo
Lagi natin sinasabi
“Past is past”
Pero hindi tayo mabubuhay sa future
At aminin man natin o hindi
May mga oras na gusto natin ibalik ang nakaraan
Upang maitama ang lahat ng nagawa nating kamalian.
Ang buhay ng tao parang musical instrument
Minsan tama ang pagtugtog natin dito
Pero kadalasan din ay nagkakamali tayo
Kaya naman nais nating ulitin ulit ang pagtugtog
Upang maitama na ang mali natin
Kaya naman eto na
Sisimulan ko ng tugtugin
Ang awitin ng aking nakaraan
Na susubukang ayusin
Para sa aking kasalukuyan
![](https://img.wattpad.com/cover/11245342-288-k828998.jpg)
BINABASA MO ANG
A Song of Revenge (Completed)
ActionNaririnig mo ba? Nararamdaman mo ba? Sa bawat strum ng aking gitara. Sa bawat lyrics ng aking kanta, isang masakit na nakaraan ang aking naaalala. Galit at sakit lamang ang aking nadarama. Hanggang kailangan nga ba ako magagalit? Kailan nga ba magh...