Chapter 2: Serpent Venom Gang

4.7K 125 12
                                    

 Chapter 2

CRYSTALLYN JANE VALLE POV

Announcement:

We are looking for a new member of Reverie band. There will be an audition next week (Monday). Please do come for the students that are interested. At least he/she can sing or play an instrument.

Signed by:

Mr. George Tipay

Band Coordinator

‘Tss. Kung sanang mahahanap ko sila sa mga pakanta-kantang yan edi sana hindi na aki umalis pa sa Korea at iniwan ang ASB.’

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating sa classroom namin. Nagulat pa ako ng makita ko yung apat doon at pinagkakaguluhan. Hindi ko nalang sila pinansin pa at pumasok nalang sa loob.

“Kyaaahhhhh!!!!! Si Nic nasa loob ng room natin!!!!” tili ng mga babae sa loob.

Nanatili akong walang pakialam sa paligid at tinignan ang Melodic Note ko. Ang Melodic Note na ito ay nahahati sa tatlo. Unang part ay makikita yung mga kantang ako mismo ang sumulat. Karaniwan sa mga ito nakanta nanamin. Pero yung iba hindi pa since wala na nga ako sa band. Yung pangalawang parte ay listahan ng mga natalo ko na. Kung sino sila malalaman niyo din. At sa ikatlong parte makikita ang mga lead na ginamit ko para mahanap ang mga taong hinahanap ko.

Binuksan ko ito sa pinakalikod at napangiti pa ako ng makita ko ang kapiraso ng papel na may nakasulat na kanta na siya mismo ang gumawa.

‘Sayang at hindi mo nagawang tapusin ito ng ikanta mo sa harapan ko’

Hinaplos ko pa ang parte na mag bahid ng dugo niya.

“Ikaw ba si Crystal Valle?” biglang tanong ng isang lalaki sa harap ko. Itinago ko muna ang Melodic Note ko at tinignan kung sino siya.

O_O yan ang itsura naming dalawa.

Siya yung lalaki sa rooftop!

“Uulitin ko. Ikaw ba-”

“Ako nga. Anong kailangan mo?”

“Sumama ka sa akin”

Hindi pa man ako nakaka-oo ay hinawakan na niya ang kamay ko at kinaladkad na agad ako palabas ng room.

‘Anong problema nito?’

Hindi ko namalayan na nadala na pala niya ako sa pinakalikod ng school at nakita ko pa doon ang tatlo pa niyang kasama. Pabato niya akong binitawan at nasambot naman ako ng isa sa kanila.

“Hi I’m Thunder Madrid-”

Playboy =_=

Bigla naman akong hinila ng isa pa.

“Wag ka nga Bro! Umiiral nanaman pagkababaero mo. Hi! Ako nga pala si Rain Madrid ^_^”

Makulit =_= Teka magkamukha sila! Kambal?

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at tinignan sila.

“Poker face?!” sabi pa ni Rain.

“What do you want?” tanong ko

“I’m Nicol Aris Guevarra”

“What do you want?” pag-uulit ko pa.

“Jefferson Fuentabella here” itinaas pa niya ang isang kamay niya habang nakangisi.

A Song of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon