Chapter 6: Cold as Stone

4.1K 105 7
                                    

Chapter 6

CRYSTALLYN JANE POV

Underground Battle

“Infairness, hindi nalalayo ang itsura ng battle ground nila sa Korea”

“No comment” sabi ko nalang

“So I guess ikaw ang tumawag sa akin” lumapit sa amin ang isang lalaki.

“Yeah. So where are they? Ang pinagmamalaki niyong pinakamalakas dito?”

“Just wait. Parating na rin naman sila”

“Yeah. Siguraduhin mo lang na may binatbat yan”

“Hahaha. Ganyan din ang sinasabi ng mga nakakalaban ng mga naghahamon sa kanila pero umuuwi lang sila na talunan to think ang rank 3 lang nila ang lumalaban sa bawat naghahamon sa kanila” napangisi na lang si Angeline o Sharp sa sinabi nito.

“Interesting” comment ko.

Maya-maya pa may dumating ng apat na kotse at bumaba ang apat na lalaki.

 

“I think I know them” bulong ni Sharp sa akin at laking gulat na lang naming dalawa ng mapag-sino kung sino sila.

“OMG! Do you know anything about this?” tanong niya sa akin.

“Hell no! Ngayon lang ako nagpunta dito kaya wala akong alam” sagot ko sa kanya.

“So I guess kayo ang humamon sa amin.” Sabi sa amin ni Rain ng makalapit. Sobrang seryoso ng mukha niya ngayon. Unlike kapag sa school. Lahat sila, ibang iba talaga ang aura nila.

“Yes. Got a problem?” tinaasan pa siya ng kilay ni Sharp.

“Nah. Hindi lang kami makapaniwala na dalawang BABAE ang naglakas loob na hamunin kami” sabi naman sa amin ni Jef.

“Don’t underestimate us. Baka kainin mo ang sinabi, mabilaukan ka pa. Besides ako lang ang lalaban sa inyo baka kasi kapag itong kasama ko ang lumaban ay hindi nyo na makita pa ang araw.” Pagyayabang ni Sharp kaya siniko ka siya.

“Psh. Puro kayo yabang! Hoy Scheduler simulan na natin to!” sigaw ni Rain. Samantalang sina Nicol, Jef at Thunder ay naupo sa isang tabi.

“Ok. Miss gusto kong ipakilala sa iyo ang pinakamalakas na Gang dito sa Pilipinas. Ang Rippers Gang. Ang unang lalaban sa iyo ay ang rank 3 nila na si Treis! Treis? Siya ang makakalaban mo” sabi niya sabay turo kay Sharp. Naupo nalang din ako sa isang tabi na katapat ni Nicol. Hindi ko akalain na isa din siyang gangster.

Unang sumugod si Treis pero napaatras din ito ng may biglang itapon na dagger si Sharp. Napangisi naman ito at tumingin sa mga kasama niya. Ibinato ni Rain yung hawak niyang katana kay Treis na nasalo naman nito. Sumugod ulit si Treis, this time nakalapit na siya kay Sharp. Dalawang dagger ang hawak ni Sharp na ipinagsasangga niya sa bawat hataw ng katana ni Treis. Nang akmang susugatan niya sa binti si Sharp ay agad na napigilan ito ni Sharp gamit ang dagger na nasa kanang kamay niya at gamit ang isang kamay ay isasaksak sana ang dagger na hawak noon sa tagiliran ni Treis pero nahawakan ito ni Treis dahilan para masugatan siya. Sinipa ni Sharp si Treis at umatras. Napangisi ito ng makita ang dugong dumadaloy sa kamay nito.

A Song of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon