Chapter 10: Evil Twins

3.5K 88 4
                                    

Chapter 10

CRYSTALLYN JANE VALLE POV

Valentine’s day. Kaya naman bawat parte ng school na daanan ko ay nakikita akong mga lalaki na may hawak na mga roses, balloons, chocolates at kung ano pang kaekekan ang nakikita ko na bibigay nila sa babaeng gusto nila. At dahil valentine’s day ngayon kaya halos walang pumapasok na teacher.

‘Sanang ginawa nalang nilang walang pasok to kung wala din naman palang papasok na teacher’ maging ang mga pumasok na classmate ko ay konti lang dahil na rin sa mga booth.

Lumabas nalang ako ng room. Naramdaman ko na sinundan pa ako ng tingin nina Selene at Jeremy na kasalukuyang nagkukulitan.

“Hey where are you going?!” sigaw ni Sel.

“Rooftop” tipid na sagot ko.

Pagdating ko sa rooftop ay nakita ko si Nicol na nakasandal malapit sa pintuan pero nilampasan ko lang.

“What are you doing here?” tanong niya.

“Sa pagkakatanda ko wala namang nagsabi na hindi ako pwedeng pumunta dito” sabi ko. Lumapit ako sa may railings at pinagmasdan yung mga couple sa baba na magkahawak kamay. Yung iba naman ay inihahanda yung mga surprises nila.

“Tss. Kahit kailan ang sungit mo.” Sabi niya at tumabi sa akin.

“Nagsalita ang hindi” bulong ko naman. Sandaling katahimikan ang nangyari bago siya magsalita ulit.

“Naiinggit ka sa kanila no?” tanong niya at binigyan ko siya ng ‘what-the-fuck-are-you-saying’ look.

“Kanina ka pa nakatingin sa kanila e.Oh!” sabay abot sa akin ng tatlong white roses.

“Ano to?”

“Baka patalim ng may maisaksak ako sayo. Nakikita ng roses nagtatanong pa -_-”

“Kung ikaw kaya ang saksakin ko?”

“Tss!”

“I mean para saan to? Bakit mo ako binibigyan nito?”

“Wala lang..masama?”

“Hindi naman pero…” nag-isip ako saglit ng may biglang pumasok sa isip ko kaya tinignan ko siya at ngumisi.

“Bakit?” tanong niya na napaatras pa nung lumapit ako sa kanya.

“Bakit ba?!” inis na tanong niya.

“May gusto ka ba sa akin?” diretsong tanong ko sa kanya.  Yung kaninang naiinis na mukha niya biglang bumalik sa pagiging poker face niya.

“Ang lakas ng hangin” sabi niya tsaka humarap ulit sa view sa baba

“Kung ganon bakit mo ako binibigyan nito?”

“Baka kasi walang magbigay sayo kaya binigyan kita niyan. Kawawa ka naman” sabi niya na ikinahinto ko..napatitig pa ako sa kanya.

Flashback Valentine’s day 5 years ago

“Wow” sabi ko pagkabigay niya sa akin ng tatlong red roses

“Para saan to?” tanong k okay Nik.

“Wala lang…masama?” nakangiting sabi niya.

A Song of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon