Chapter 4: Rippers Gang; Dementor Gang; Lengenday Gangster

4.7K 127 6
                                    

 Chapter 4

NICOL ARIS GUEVARRA POV

Hanggang ngayon nakatingin parin ako sa daan na dinaanan nung babaeng yun.

‘Bakit ko nga ba iniisip yun? Tss’

*ring*

Naputol ang pag-iisip ko ng tumunog yung phone ko.

“Hello?” sagot ko ng makitang tumatawag si Fior sa isang phone ko.

“Punta ka dito sa underground battle may bagong nanghahamon nanaman sa atin”

“Ganon ba? Hindi mo ba sila kakayanin?”

“Viens naman! Alam mo naman masyado kong mahal ang mukha ko no!”

“Si Treis ba?”

“Wala siya dito ngayon eh, sya muna yung pinapunta ko sa date ko dapat ngayon e kaso naharangan nga ako nitong mga to. Kailangan ko ng back up para mas mabilis at ng makapunta na ako sa date ko”

“Tawagan mo si Dyo. Susunod ako” tapos binaba ko na.

Sa kabila ng pagiging sikat namin sa school dahil sa isa kaming banda ay sikat din kami sa mga gangsters dito sa Laguna. Kilala kami bilang Rippers Gang. Kami ang pinakamalakas na gangsters dito sa Pilipinas. Ang underground battle ay kung saan kami naglalaban para malaman kung tataas na ang rank mo. Sa ngayon ang grupo namin ang rank 1 meaning wala pang nakakatalo kahit sino man sa amin. Kilala ako sa codename na Viens, si Jef naman ay si Dyo Ana syang kanang kamay ko at magaling sa paghahack ng computer, si Rain ay si Treis at ang tumawag kanina ay si Thunder na kilala sa tawag na Fior. Madalas kapag may humahamon sa amin ay si Treis ang lumalaban dahil kawawa lang ang grupo na iyon kung isa sa amin ni Dyo ang lalaban. Si Fior naman ay hindi maaasahan sa ganyan dahil busy sa mga date niya -_-

‘Mas mahalaga daw kasi ang mukha niya =_=’ Ngayon lang siya napalaban dahil siya ang naharang ng kung sino mang grupo na may lakas ang loob kalabanin kami. Magkamukha naman sila ni Treis o Rain kaya siya muna ang pinapunta doon.

Pagdating ko sa UGB ay nakita ko na sila. Wala ginawa si Centri kung hindi ang iwasan sila. ‘hay naku!’

“Viens” sambit ng isa sa kanila. Sa palagay ito ang leader nila. Apat lang sila.

“Kami ang Silver Blades Gang.” sabi niya sabay labas nila ng mga katana nila

“Hoy ang daya niyo naman” kunwaring natatakot na sabi ni Fior.

“Si Dyo?”

“Tinatamad daw. Walangyang yun!”

“Tss”

Bigla nalang nila kaming sinugod. Dalawa sa akin at dalawa kay Fior. Nung una ay sinubukan akong saksakin sa tagiliran nung isa pero nakaiwas ako at sinapak siya. Sumunod naman ang leader nila na nagawa ako tutukan sa may leeg ko pero hinawakan ko ang blade ng katana niya gamit ang dalawa kong palad at sinipa siya dahilan para mabitawan niya ang katana niya. Kinuha ko iyon at isasaksak na sana sa kanya ng sumugod ulit yung isa kanina sa akin pero nagawa kong harangin ang atake niya gamit ang katana na hawak ko. Itinulak naming ang isa’t isa dahilan para magkahiwalay kami. Nagpalitan lang kami ng atake. Ni isa sa mga atake namin sa isa’t isa ay walang tumatama. Hanggang sa napansin kong tumayo na ang leader nila na nasa likod niyo. May kinuha siya sa may binti niya at mabilis niya iyong itinapon sa akin pero mabilis akong kumilos at dinaklot ang kalaban ko at siya ang ginawa kong panangga sa kung ano man ang hinagis niya. Tatlong shuriken iyon at tumama lahat sa kasama niya dahilan para bumagsak siya. Pasugod palang ako sa kanya ng may sumaksak na sa may tagiliran niya.

A Song of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon