Chapter 5
CRYSTALLYN JANE VALLE POV
Naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko pero nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang paligid. May kung anong matalim na bagay ang lumipad patungo sa akin pero nagawa ko itong iwasan. Idinilat ko ang mga mata ko at tama ang aking hinala. Ang shuriken master na si Angeline Fernandez na kilala sa tawag nilang Sharp.
Nagpakawala siya ng marami pang shuriken pero madali ko din naman itong naiiwasan. Napakunot ang noo ko
“Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“Hmmm…giniginsing ka?”
“Tss. Sa ang sarap mo namang manggising” sarkastikong sabi ko.
“Tsaka matagal din tayong di nagkita. Gusto ko lang icheck kung ikaw pa rin ang Melody na bukod tanging nakakaiwas sa mga shuriken ko” sabay pakawala ng mas marami pang shuriken pero ang ikinabigla ko ay bukod sa mga shuriken ay may kasama na rin itong mga dagger. Nadaplisan ang kanang binti ko at ang pisngi ko pero patuloy pa rin siya. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin at may nakatutok ng dagger.
“Tss. Kailan mo pa isinama ang mga daggers kapag lumalaban ka?”
“Matagal akong nawala Melody. Pero hindi ibig sabihin noon ay huminto ako sa pag-eensayo. Noong minsan kasi na subukan kong takasan si Hell may nakita akong dagger na nakatago doon sa pinagkulungan niya. Pinag-aralan ko iyon hanggang sa malaman ko na kung paano ito gamitin. At ng makaalis na ako sa puder niya sinubukan ko itong gamitin kasabay ng mga shurikens ko” binaba na niya ang dagger na nakatutok sa akin.
“Kain na tayo! May pasok pa tayo e”
“Ehhh! Tayo?!” takang tanong ko.
“Oo. Kaka-enrol ko lang”
“Ano?! Paanong—hoy! Highschool lang yung nandon! College ka na di ba?”
“Oo nga kung ang edad ko talaga ang ibibigay ko. But I gave them a fake information about me. Ako na ngayon si Liana Fernandez. 18 years old ^_^V” at tumakbo na palabas
‘Anak ng! Sabi ko na nga ba!’ Hindi kasi halata sa itsura niya na 22 years old na siya. Tss.
“Wag mo ko titigan Beslyn. I’m serious” sabi niya. Kanina ko pa kasi siya tinitignan habang kumakain e.
“Bakit Liana ang pangalan na ginamit mo at hindi nalang Angel?”
“Hmmm pangalan ng band niyo yun e. Tsaka para naman malayo sa Angeline no”
“Pagkatapos sa school, saan ka pupunta?” tanong ko. Si Angeline ang tipo na hindi makakatagal ng hindi lumalaban sa isang araw kapag may iniisip siya. Alam ko naman na hindi pa rin nawawaka sa isip niya ang pagdating nina Crystol e.
“Kilala mo nga ako.” Sabay ngisi niya. “Balita ko may underground battle din sila dito. Gusto ko hamunin ang pinakamalakas na gang nila dito.” Dadag pa niya.
“Hindi pwede. Walang pwedeng makaalam na bumalik ka na” sabi ko. Nung mawala kasi siya ay marami ang humanap sa kanya at marami din ang gustong pumatay sa kanya upang makuha ang rank niya. Katulad ko ay malakas din si Angeline. Kasing lakas nga niya si Crystol e at silang dalawa ang madalas na lumaban ng magkasama noon.
Ako ang rank 1 gangster sa Korea. Walang naglalakas na loob na humamon sa akin dahil alam nilang wala silang laban. Kung meron man ay mga malalakas talaga sila. Si Crystol ang rank 2 at rank 3 si Angeline. Si Jeremy ang Rank 4 at si Selene naman ang rank 5. Kahit sino ay hindi pa nakita lumaban si Angeline ng mano-mano. Palagi lang shuriken niya ang pinanlalaban niya kaya lagi nilang iniisip na nakuha lang niya ang rank niya dahil kasama niya lagi si Crystol. Kaya naman ng mawala siya ay hinanap nila siya dahil akala nila ay matatalo nila ito kung wala si Crystol sa tabi niya at yun ang pagkakamali nila.
BINABASA MO ANG
A Song of Revenge (Completed)
ActionNaririnig mo ba? Nararamdaman mo ba? Sa bawat strum ng aking gitara. Sa bawat lyrics ng aking kanta, isang masakit na nakaraan ang aking naaalala. Galit at sakit lamang ang aking nadarama. Hanggang kailangan nga ba ako magagalit? Kailan nga ba magh...