Chapter 9: Death Anniversary

3.5K 106 2
                                    

Chapter 9

RAIN MADRID POV

“So ano? Hindi ka pa rin ba aamin?” tanong ko kay Adelaine.

Pagkatapos ng natuklasan ko kagabi, hindi na ako nagsayang pa ng oras na kausapin siya. Nasa may coffee shop kami ngayon sa may malapit sa school namin. Kanina ko pa napapansin na hindi siya mapakali ng ipakita ko yung picture sa kanya.

“Ok. If you are not going to tell me the truth, siya na mismo ang tatanungin ko” tatayo sana ako pero..

“Okay! I’ll tell you!” sabi niya kaya tumingin ulit ako sa kanya.

“Bakit ba gusto mo malaman?”

“Just out of curiosity” sabi ko. Which is totoo naman. Ang galing lang kasi kung tama nga ako ^_^ Atsaka parang ginagawa ko nalang na way to para makasama ko pa siya. Haaaayyyy. Tama nga ata ang kakambal ko.

“Tss. I can’t believe na pinipilit mo ako sabihin ang isang napakaimportanteng bagay dahil lang sa curiosity na iyan. Well wala ako magagawa. And tama ka. Tama ang hinala mo and please lang, don’t tell anyone about this. Kapag sinabi kong anyone, as in kahit pa ang kakambal mo” seryosong sabi niya kaya tumango ako.

CRYSTALLYN JANE POV

Guess what? Next week Interhigh na! Kaya naman todo practice na talaga kami. At kasama lagi sina Crystol para tulungan kami. Dito nadin sila talaga nag-aaral. Lagi nga pinagkakaguluhan. Ikaw ba naman na maging kaschoolmate mo ang members ng isang international band?

So ayun. Pero hindi na tulad dati na pag dumaan sila may lalapit na papaauthograph tapos ayun! Pagkukumpulan na sila. Siguro nabigyan na nila ng authograph lahat ng tao sa school kaya hanggang tingin na lang sila. Pero meron pa rin naman iilan na lumalapit.

So ayun nga. Practice kami lagi. Inannounce na rin na ako yung napili nila na makaduet si Nicol kaya naman ang daming nagulat talaga. Kapag practice lagi tinulungan nina Crystol sina Nicol sa mga ways ng pagkanta at kakaibang style sa pagtugtog.

At meron ako napansin. Si Manager at Rain. Lagi sila magkasama. Well magkasama lang naman sila pero may iba talaga akong feeling eh. Tapos si Rain pag kumakanta ako titingin siya sa akin tapos titingnan niya si manager at ngingiti.

Ang pinakamalala is si Nicol. Hindi na siya yung typical Nicol na tahimik at snob. At nakakainis lang dahil lagi niya ako iniinis like today. Nasa cafeteria kami at kumakain. Kasama ko ang band at si Angeline. Sina Crystol nasa lumang music room. Yun na tambayan nila e.

“Hoy Crys! May practice mamaya. Wag kang malelate” yan nanaman ang sabi niya. Ganyan lagi ang sinasabi niya kaya di ko nalang pinapansin. At ayoko ng tawag niya sa akin! Crys! Si Crystol ang tinatawag nila na ganun e! Sabagay hindi niya ako matatawag sa nickname ko talaga na Lyn dahil hindi naman niya alam yung pangalan ko talaga

“You don’t have to say that everyday. And don’t call me with that nickname. Parang si Crystol ang tinatawag mo.” malamig na sabi ko na hindi tumitingin.

Tumayo na ako at naglakad. Biglang tumunog ang cellphone ko.

“Bakit?” sagot ko agad ng makita na si Crystol ang tumatawag.

“Inatake kami ngayon.They know. Nalaman na nila na nandito na kami.”

“Ang bagal naman ata nila ngayon. Teka saan nila kayo inatake?” kase diba nasa lumang music room nga sila?

“Dito pa rin sa lumang music room”

“Shit!--”

“Don’t worry. Wala nakakita. Sound proof dito at nilock namin ang pinto”

A Song of Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon