Entry 6

719 30 1
                                    

It is a good day for Karylle. First Monday nya as a Showtime hosts. Maganda ang gising nya. She did her daily routines then ate her breakfast. Napakaganda talaga ng araw na iyon para sa kanya. Magjojogging sana sya pero tanghali na kaya hindi na sya tumuloy.

Pakanta kanta syang sumakay ng elevator. Hanggang sa building ng ABS-CBN ay kumakanta sya. She's wearing a very sweet yellow dress. Suddenly, her phone ring. Hinanap nya sa bag nya yung phone nya. The next thing happened, may kape na ang dress nya. Gulat na gulat sya na tumingin sa nakatapon ng kape sa damit nya.

"Ikaw na naman?! My gosh, look what you did?! Nananadya ka ba?!" Sigaw nya sa nakabunggo sa kanya. Pero wala syang epekto dito at inirapan lang sya.

"Now what?! Kahit sorry wala?!" Naglabas sya ng tissue para punasan ang sarili. Inis na inis sya dahil nakasmirk lang si Vice at nakacross arms.

"Ikaw kaya tong nakaharang sa daanan. Ano toh kasalanan ko na naman?!" Napapikit nalang si Karylle dahil sa frustration. Huminga muna sya ng malalim bago tuluyang iniwasan si Vice.

"Ampangit kasi ng damit mo! Mukha kang manang!" Sigaw ni Vice. Nilingon ni Karylle si Vice.

"Che! Baklang stubborn!" Sabi ni Karylle at tuluyan ng pumasok sa elevator.

-*-*-*-*-*-*-*-

"Che! Baklang stubborn!" At tinalikuran na sya ni Karylle.

Ang totoo, sinadya ni Vice na tapunan ng kape ang damit ni K. Para mapansin sya ng dalaga. Gandang ganda kasi sya sa suot ni Karylle. Bagay na bagay ang yellow sa dalaga. Kaya habang inis na inis si Karylle sa kanya, tuwang tuwa naman sya.

"Hoy Meme! Kanina mo pa ba kami hinihintay dito?" Naramdaman nyang nilapitan sya ni Buern kasama ang mga beks.

"Hindi naman. Tara na para maayusan nyo na ako." Nakangiting sabi ni Vice. Nagtataka naman na sumunod nalang ang mga bakla.

Pagkapasok nila ng dressing room, pakanta kantang nagsuklay si Vice at humarap sa salamin. Takang taka naman ang mga bakla at agad na ininterogate si Vice.

"Meme, bagong boylet?" -Russ.

"Nakadrugs ka noh?" -Budi.

"Inlababo?" -Archie.

Napalingon si Vice sa sinabi ni Archie. "Kayo talaga. Masaya lang talaga ako ngayon. Teka, asan ba si Buern?" Pagkasabi nun, pumasok na sa dressing room si Buern.

"Kawawa naman si Karylle. Tsk. Natapunan yung dress nya. Ang ganda pa naman." Sabi ni Buern at sumimangot. Agad na nilapitan ni Buern si Vice at inayusan na. Nakosensya naman si Vice sa ginawa.

"Hala? Sino naman ang magtatapon ng kape kay Ms. K? Kumusta si Ms. K?" Tanong ni Russ. Nanahimik lang si Vice.

"Ayun. Umiiyak nung nadatnan ko. Pero okay na. Napatahan ko na sya at kalmado na." Sagot ni Buern. Napatingin naman si Vice kay Buern at medyo nainis.

"Wag na nga kayong madaming hanash jan. Ayusan nyo na ako."

-*-*-*-*-*-

Pumasok si Anne sa dressing room ni Karylle at nagulat dahil umiiyak ito. Agad syang lumapit sa kaibigan.

"Oh girl, anyare?" Tanong ni Anne at hinaplos ang likod ni K. Humihikbi si Karylle.

"Natapunan na naman ako ng kape. Pangalawang beses na. Parehong fave dress ko. Etong dress na toh, bigay ni Papa. Minsan na nga lang kaming magkita." Sabi ni K at humikbi.

"Sshh. Bili ka nalang ng bago. Let's go shopping sa Sunday?" Napatingin si K kay Anne. Nagbrighten up naman agad ang mukha nito.

"Talaga? Sige! I wanna buy new shoes din e. Thanks Anne!" Karylle said then hugged her friend.

"Sino ba kasing nakatapon jan sa dress mo?" Tanong ni Anne. Napafrown naman si Karylle.

"Si Vice." Nagulat si Anne. Hindi kasi nito akalain na magagawa ni Vice yun. Knowing Vice, maingat na maingat ito at ayaw na nasasayang ang kahit ano.

"Sure ka jan girl?" Tumango naman si Karylle. Napailing nalang si Anne. Tumayo na si Karylle at nag-ayos ng sarili. Lumabas na din si Anne.

-*-*-*-*-*-*-*-

The show is done. Habang naglalakad, tulala pa din si Anne at di makapaniwala sa nagawa ni Vice kay Karylle. Inisip nya na baka naman hindi iyon sinasadya ni Vice. Nadaanan nya ang dressing room ni Vice at naisipan nyang pumasok. Nadatnan naman nya si Vice doon mag-isa, busy with his phone.

"Pwedeng kumatok Anne Curheeese." Sabi ni Vice without looking. Anne sat beside him.

"Why did you do that?" Agad agad na tanong ni Anne sa kaibigan. Napatingin naman si Vice dito with his eyebrows narrowed.

"What?" Maang maangan na tanong ni Vice. Anne leaned in to face Vice.

"You spilled your coffee into K's dress. Alam mo bang iyak ng iyak yung tao? Why did you?" Tanong ni Anne. Natawa naman si Vice.

"Alam mo Anne, eksaherada lang yang kaibigan nyo. Kape lang yung natapon ganun na kung makaiyak?" Sabi ni Vice at umiling iling.

"Sira ka talaga Viceral! Sobrang mahalaga yung dress na yun sa kanya! Bigay yun ng papa nya! I know you're not that sentimental person pero si K, even little things meant a lot to her. Di mo kasi naiintindihan." Sabi ni Anne. Habang si Vice naman napafrown.

"Anong gusto mong gawin ko?" Sabi ni Vice nakapoker face.

"Go and apologize to her. Di mo dapat ginawa yun. Wait, may I know your reason why did you do that?" Anne said then raised an eyebrow. Vice raised an eyebrow too.

"Mas mabuti ng wag mo na malaman. Che. Dyan ka na nga." At lumabas na si Vice sa dressing room.

-*-*-*-*-*-*-*-

A/N: Hello. May nagbabasa pala nito. Haha. Kahit iilan ilan lang. THANK YOU! Whoever you are, thank you guys. Itutuloy ko toh kahit konti lang readers at voters. Hihi. Basta maishare ko tong idea ko, achievement na yun para sakin ;))) thank you ulit.

@ImAllyssahJhoi

#HateThatILoveYou

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon