Entry 2

891 19 0
                                    

A/N: Hello! Gahd,ang tagal ko palang di nakapagUD. Pero eto na :')) Pavote nemen ;)

-*-*-*-*-*-

Kahit na nagkita sa Showtime sina Vice at Karylle, nagawa pa rin nila ng maayos ang trabaho nila. Yun nga lang, kada makikita nila ang isa't isa at sabay lang silang sisimangot. Pinagsampol si Karylle at sumayaw sayaw ito sa gilid ng hurado seats. Hindi naman maiwasan ni Vice ang mapatingin dito. 

Magaling din pala sumayaw, infernes. Bulong nya. Pagtapos sumayaw ni Karylle, nagchant naman ang madlang pipol ng 'kakanta na yan'. Wala namang choice si Karylle kundi ang pagbigyan ang mga tao. 

"At dahil gusto nyo, eto na..

Oh can't nobody do it like you

Said every little thing you do

Hey baby say it stays on my mind

And I, I'm officially missing you." Naupo na sya at hinatulan ang grupo. 

Si Vice ang susunod na maghuhurado. Pinagsampol sya at kumanta nalang. Mukha namang magiging maayos ang paghuhurado nya, wag lang nya makita si Karylle.

-*-*-*-*-

Nakasimangot na sumalampak si Vice sa couch sa loob ng dressing room nya. Napatingin sya kay Buern na nagsusuklay sa harap ng vanity mirror. Tumingin ito sa kanya na para bang hayskul na nakita ang crush nya. Umismid sya at sinimangutan si Buern.

"Anong drama mo jan Buern?" Tanong ni Vice at inalis ang tingin kay Buern. 

"Ang ganda nya Meme. Ang galing nya kumanta. Ang galing nya sumayaw. Nasa kanya na lahat. Neseye ne eng lehet~" Kumanta kanta pa ito.

"Naku, tigil tigilan mo nga yan Buern. Sinasabi ko sayo wag kang lalapit dun sa babaitang yun." Sabi ni Vice at kinalikot ang phone nya.

"Bakit naman? Alam mo ba Meme, nung nag-hello ako kanina sakanya, nag-hi din sya! My Gosh, she's beyond beautiful." Sabi ni Buern na kulang nalang ay kumislap ang mga mata.

"Tigilan mo nga Buern. Nakakadiri ka. At dun pa talaga sa Karylle na yun. Rumampa ka mamaya at humanap ng ibang makakalantari!" Sabi ni Vice at inirapan si Buern. Bumelat si Buern dito.

"Sorry ka Meme, talagang may tama na ako sa kanya." Sabi nito at nagflying kiss kay Vice bago tuluyang lumabas ng dressing room. Napafacepalm nalang si Vice sa sobrang inis at frustration.

Lumabas na sya at pumunta sa Showtime lounge. Malayo pa sya, naririnig na nya ang tawanan ng co-hosts nya. Narinig nya si Anne.

"My gosh Karylle! You're more beautiful and sexier than to those days when you were in the other network! Anong secret mo girl?" Tanong ni Anne. 

"Haha. Wala naman. I'm just happy nowadays." Sagot naman ni Karylle. Pumasok si Vice sa lounge at tumabi kay Billy. Medyo malayo siya kay Karylle.

"Uy, kayo naman. Wag nyo nga inaano si Karylle. Mamaya magwalk out yan. Wala na akong sisilayan." Sabi ni Vhong at natawa naman lahat.

"Oy, Vhong, kaloveteam na kita. Wag mo na pormahan yan si K." Natawa si Vhong sa sinabi ni Anne. 

"Eto naman. Wag ka na magselos. May Erwann ka naman. Pwede bang si Karylle nalang akin? Yun ohh." Sabi ni Vhong. Napaismid si Vice. Hindi nya alam kung ano bang meron kay Karylle at gustong gusto ito ng mga kaibigan nya. Lalo na ni Buern at Vhong.

"Guys, 2 minutes!" Sigaw ni Direk at lumabas na sila ng lounge.

-*-*-*-*-*-*-

Natapos na ang Showtime at nag-aayos na ng gamit si Karylle sa dressing room nya. Pagtapos nya mag-ayos, lumabas na din agad sya. Nakita naman nya agad si Vhong sa labas ng dressing room nya.

"Oh, Vhong! Hinihintay mo si Anne?" Tanong ni Karylle na kinagulat ni Vhong.

"Si Anne agad? Ihahatid sana kita?" Inalalayan naman agad ni Vhong si Karylle. Pero bago pa man makasagot si Karylle, nakarinig sila ng sigaw. Nakita nila si Vice na tumatakbo papunta kay Vhong.

"Vhooooooong!! Sasamahan mo kami diba? Diba?" Sabi ni Vice at kumapit sa braso ni Vhong. Nagulat man si Karylle, napailing nalang din sya. 

"Te-teka! Ihahatid ko si Karylle e. Tsaka wala naman tayong gimik diba?" Sabi ni Vhong at tumigil sa paglalakad.

"Hindiiii. Merooooon. Meron tayong gimik." Sabi ni Direk." Sumulyap si Vice kay Karylle na walang pakialam sa paghila nya kay Vhong.

Wala namang nagawa si Vhong kundi ang sumama nalang kay Vice. Pero imbes na sa Showtime lounge sila pumunta, nagpunta sila sa dressing room ni Vice. Nagtatakang pumasok doon si Vhong.

"Akala ko ba, may gimik tayo? Anong gagawin natin dito?" Naupos si Vhong sa couch habang nakatingin kay Vice na hindi mapakali. "Teka, wag mo sabihing.." 

Napahawak naman sa dibdib si Vice sa sinabi ni Vhong, "Hoy! Maghunos dili ka nga! Di kita pagpapantasyahan noh! Mas yummy pa ang player kesa sayo e." Sabi ni Vice at naupo.

"Bat mo ba kasi ako dinala dito brad?" Tinapik ni Vhong ang balikat ni Vice. 

"Lumayo ka dun sa babaeng yun, Vhong. Nako, sinasabi ko sayo." Sumandal si Vice at napahawak sa noo.

"Ha? Bakit naman? Matagal ko ng gusto yun si K. Naunahan lang ako ni Dingdong. Ehh, sinaktan naman ni Dingdong." Nagulat naman si Vice sa narinig. 

"Naging sila ni Dingdong Dantes?!" Vice asked Vhong, with eyes wide open.

"Oo. Wala ba kayong tv brad? Ngayon mo lang nalaman? Kaya nga sya lumipat e." Sabi ni Vhong at kinalikot ang phone. 

"Anong nangyari? Grabe huh. Ang hot kaya ni Dingdong. Tapos sya lang ang naging jowa." Sumandal din si Vice sa sofa.

"Anong 'sya lang'? Si Karylle yun brad. Anak ni Ms. Zsa Zsa. Kayang sumayaw, kayang kumanta, kaya lahat. Tapos 'lang'?" Napaisip si Vice. Hindi nya alam na anak iyon ng idol nyang si Zsa Zsa Padilla.

"Eh ano naman? Basta layuan mo sya. Di ko sya gusto." Umismid si Vice. Tiningnan sya ni Vhong.

"Bakit ba ang laki ng galit mo kay Karylle? Di mo pa kasi sya kilala kaya ganyan ka sakanya. Brad, kilalanin mo muna sya. Sobrang bait nun. Sobrang sweet, genuine. Nag-iisa lang sya." Tinapik tapik ni Vhong ang balikat ni Vice. Tumayo na ito at humarap sa salamin. 

"'Geh brad. Alis na ko. Dinaot mo yung damoves ko kanina e." Tatawa tawang umalis na si Vhong. Naiwang nakasimangot si Vice. 

-*-*-*-*-*-*-

Umuwing mag-isa si Karylle sa condo nya. Pagdating na pagdating nya, inayos nya lahat ng dapat ayusin. She wanted her things to be in order. She wanted that everything's organized. 

She took a short bath and lay down to take a nap. Pero hindi sya makatulog. Something's bothering her. She's annoyed. She's mad. She's irritated. Pero hindi nya alam kung bakit. She kept on thinking then suddenly, Vice invade her mind. 

"He's so stubborn. Nakakainis sya. Ayoko na nga syang tingnan kanina pero he kept on looking at me. Lagi naman nya akong iniirapan." Karylle thought. With that, she fell asleep. 

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon