Entry 16

612 38 5
                                    

General's POV:

Change. A BIG change.

Lahat ng tao sa Showtime, hosts, dancers, staffs and of course, si Direk ay napansin ang malaking pagbabago sa itsura ni Vice. Hindi man sya nagmistulang babae, mas nagmukha naman syang lalaki kesa sa dati.

Gulat silang lahat. Hindi nila iyon inaasahan. Habang si Vice naman ay cool na cool lang. Ginusto nya iyon. And he's loving his new fashion sense. Bukod kasi sa mas lalo syang gumwapo, mas naging komportable na sya.

Alam ni Karylle ang malaking pagbabagong iyon. Pero isang pagbabago lamang ang nakapagbigay sa kanya ng worries.

Hindi na sya inaasar ni Vice.

Simula nung bigyan sya ni Vice ng flowers at kape, hindi na sya inaasar ng bakla. Hindi nya naman ito makausap dahil lagi nitong kasama si Anne. Kaya naman si Vhong nalang ang lagi nyang kasama. Which is, ikinakilig naman nung isa.

"Vhong."

Stressed si Karylle ngayong araw dahil tinanghali sya ng gising. "Oh?"

"Gusto ko ng McCafè. I want some warm liquid."

Hindi sya pinansin ni Vhong at nagpatuloy lamang sa paglalaro sa phone. Karylle place her palms in her forehead. Frustrated, devastated, and everything. Nagulat nalang sya ng may kumatok.

"McCafè!"

Karylle stiffened upon hearing his voice. Paano..?

She's confused but she gladly accepted it. Nakangiti din namang inabot iyon ni Vice. Kung paano nalaman ng baklita, she has no idea.

-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Vhooooooong~" Kinakantahan nya si Vhong habang commercial break. Wala pang kinakain si Karylle kaya naman she's craving for something to eat.

"Vhong, gusto ko ng beef with broccoli. Pero kahit yung beef sa Jollibee. Yung may bawang? I want. Gutom na ko e." Bulong ko kay Vhong na hawak na naman ang phone.

Saglit syang tinitigan ni Vhong at bumalik na naman sa phone. She just let out a heavy sigh. Gutom na talaga sya. Maya maya pa'y, narinig nya ang hagikgik ni Vhong.

"Oh, ayan na pala yung gusto mo."

Napatingin sya sa pinto ng lounge. Dumapo naman ang kamay nya sa mukha. Makakakain na din sya.

"Garlic pepper beef ma'am!" Nakangiting sabi ng delivery boy. Puzzled nyang tinanggap iyon.

"Paano..?"

"Kumain ka nalang jan. Galing yan sa kaibigan ko." Sabi ni Vhong.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Brad, tinulungan na kita ah. Bawi bawi lang." Sabi ni Vhong.

"Oo, oo. Salamat. Bawi ako sayo."

"Red crab lang brad. Ako na bahala sayo kay Karylle." Sabi ulit ni Vhong at tinap ang balikat ng kausap.

"Oh, sige. Yayain mo sila. Pag busy si Karylle, hindi tuloy ah."

"Oo na. Grabe, ang lakas ng tama mo." Napailing si Vhong at umalis na sa dressing room ng kaibigan.

-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Guys, tara! Red crab tayo!" Masayang nagyaya si Vhong. Nagdadaldalan sina Karylle, Anne at Coleen. Si Vice ay hawak ang phone at gayundin si Billy. Ang iba ay may kung ano ano pang ginagawa. Natahimik ang lahat sa sinabi ni Vhong.

"KKB?" Tanong ni Anne. Natatawang sumagot si Vhong.

"Hindi. Libre ni Vice. Diba brad?" Tumabi si Vhong kay Vice at umakbay.

"Oo, oo! Get together lang. Tara na, baka magbago pa ang isip ko." Tumayo na si Vice at akmang lalabas na. Pero bumalik sya.

"Pag hindi kasama si Karylle, walang red crab."

Iyon lang at lumabas na sya. Napanganga nalang si Karylle habang naghihiyawan ang mga kasama nya.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

A/N: Very short. Super short. Hahaha. I hope matapos ko na agad ito. Super busy e. Support nyo ha? Pati yung story ng friend ko na si MsLovelesss. Xoxo.

@ImAllyssahJhoi

#HateThatILoveYou

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon