Entry 9

526 30 2
                                    

"Good morning!" Maagang pumasok si Vice sa dressing room ni Karylle. Oo, sa dressing room ni Karylle. Gusto nyang mambwisit at sumaya sa pang-aasar sa dalaga. Inabutan nya doon ang make up artist na si Marc at stylist na si Sid. Tinanguan sya ng mga ito. Masigla syang naupo sa sofa.

"Good morning guys!" Napalingon si Vice sa pumasok at nagsmirk. Si Karylle. Matalim ang tingin nito sa kanya. "What. Are. You. Doing. Here.?!"

"Oh? Akala ko ba 'good morning'? Good morning din." Bati ni Vice kay Karylle at nagpatuloy ulit sa pagbabasa ng tweets sa phone nya.

"Well, you ruined my morning. Tch. Such a bad day." Hindi na nagulat si Vice sa sinagot sa kanya ni K. Alam na alam na nyang iyon ang maririnig nya. At ikinatuwa nya yun.

Naglakad si K papuntang vanity chair. "Sid, iwan nyo muna kami. Tawagin nalang kita. Thanks." Nakita ni Vice ang pagngiti ni Karylle genuinely. Somehow, nainggit sya.

"Now what? Anong kelangan mo sakin?" Tanong sa kanya ni Karylle habang nakatingin ito sa mirror. Pinagmasdan ni Vice ang kabuuan ni K at ngayon nya lang napagtantong napakaganda nito. Fitted pants at sleeveless plain top ang suot nito. Kung tutuusin, simpleng simple lamang noon kumpara sa isang artista. Pero napakaganda ni Karylle dito.

Napalunok sya. "Gusto kong makipagpalit ng dressing room. Ang daya, mas cozy yung sayo." Taas noong sinabi Vice na ikinalaglag ng panga ni K.

"What?! No way. First come, first serve. Ako ang nauna dito, magtiis ka dun sa sayo!" Inirapan lang sya ni K.

"Ayaw mo?" Tiningnan ni Vice eye to eye si Karylle. Tumaas ang kilay nito at umiling.

"Ayaw mo talaga?" Tanong ulit ni Vice at umiling naman ulit si Karylle. Nagcrossed arms si Vice at huminga ng malalim. "Huling tanong Kurbang Palaka, ayaw mo talaga?"

Alam ni Vice na tumaas na ang dugo ni K kaya naman lihim syang napangiti. Nainis na naman si K sa pagtawag nyang 'Kurbang Palaka'. "No. Way. No is no Vice. No." Mariing sabi ni K. Mas napangiti si Vice.

"Fine. You leave me no choice Kurba. At dahil ayaw mong makipagswitch ng room, dito din ako magroroom. Malaki laki din toh ha. Sakto tayo." Nalaglag na naman yung panga ni K. Lihim na nagsecelebrate si Vice. Panalo na naman sya kay K.

-*-*-*-*-*-

Buong araw na nakasimangot si K dahil sa pangungulit at pang-aasar ni Vice. Sa buong show, fake at puro arte lang ang ipinakita nya. Ngumingiti lang sya kapag hindi na si Vice ang ka-eksena o kausap.

"Karylle, Vice, let's talk." Tinawag sila ni Direk habang naglelate lunch ang hosts. Nakasimangot na sumunod si Karylle habang si Vice naman ay kulang nalang batiin lahat ng madaanan. Daig pa ang uminom ng Enervon.

Pagkadating nila sa opisina ni Direk, si Vice ang naunang maupo. Naupo naman si K sa tapat ng inupuan ni Vice. "What is it Direk?"

"May request si Vice. At alam ko naman na makakabuti yun sa inyo kaya pinagbigyan ko sya. Gusto ko mas maging close pa kayong dalawa." Umusok ang tenga at ilong ni K sa narinig. Habang si Vice naman ay nakangiti. Nakangiting tagumpay.

"Gaano kaclose Direk?" Nilapit ni Vice ang mukha nya kay Karylle. Napalayo naman si K dahil sa sobrang lapit. Natatawang lumayo nalang din si Vice.

"Is it okay Karylle?" Kanina pa kasi walang imik si K dahil sa ginawa ni Vice. Hindi nya alam kung matutuwa, maiinis o kikiligin sa ginawa ni Vice. Pero sigurado syang hindi sya kinilig.

Tiningnan nya si Vice at tumingin din sya kay Direk. "It's fine with me Direk." Nakangiting sagot ni Karylle. She will make him regret all of this.

"Okay. I guess, dapat magsimula ka ng maglipat ngayon Vice. Be good at each other, 'kay?" Sabay silang tumango at lumabas na ng opisina ni Direk.

-*-*-*-*-*-*-

"Hoy, baklang stubborn! No, baklang toge!" Hinatak ni K si Vice. At nakangiti namang humarap si Vice dito.

"Yes palaka? Este Kurba?"

"You called me palaka?! How dare you?!" Sigaw ni Karylle sa kanya. Pero imbes na mainis, mas lalong sumaya si Vice. May callsigns kami.

"Ikaw nga, tinawag mo akong baklang toge e. Edi it's a tie." He smirked. Nageenjoy syang asarin si Karylle. Para bang gustong gusto nyang napapansin sya ng dalaga.

"Well, muka ka naman talagang toge e. Hahahahahaha." Sabi ni Karylle at naglakad pabalik na sa dressing room. Sinundan nya ito at nakitawa din.

"Hahahahaha. Toge at palaka. At least ako, mukang sperm cell. Ikaw, mukang palaka. Hahahahahaha." Sabi ni Vice. Napatigil sa pagtawa si Karylle at hinarap ulit si Vice.

"At least ako.. Well.." Tila nagisip pa si Karylle. Vice smiled. Nagtagumpay na naman sya.

"At least ikaw, palaka! Hahahahahaha!" Sigaw nya at inunahan ng pumasok si K sa dressing room. Dumiretso sya sa sofa ni K at nahiga. Ilang minuto na syang nakahiga dun pero hindi pa din pumapasok si K. Naalala nya, kasunod nya si Buern at Archie. Tumayo sya para tingnan si K.

"It's so nice. Thank you Buern. This made my day." Narinig nyang sabi ni Karylle na may hawak na bracelet.

"Bagay sayo. Ang ganda noh? Akina, ako magsusuot sayo." Habang nakatingin si Vice sa dalawa, binagsak nya yung lotion na nasa table ni Karylle. Good thing, hindi iyon nabasag. Napalingon sa kanya si K at Buern.

"Oops. Sorry. May higad at linta ata akong nakita. Pero hindi pala, palaka pala." Nagpeace sign si Vice at pinagpatuloy nalang ang pagtutwitter.

-*-*-*-*-*-

A/N: Yes naman! May kasunod agad na UD. Haha. Thank you po!

@ImAllyssahJhoi

#HateThatILoveYou

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon