Entry 4

761 20 4
                                    

Tamad na tamad na pumasok si Vice sa trabaho. Bukod kasi sa late na sya natulog, malamang late sya nagising. Kaya ayan, late sya. Busangot na sumalampak sya sa couch ng dressing room nya. Andun na ang mga beks kaya nagulat ang mga ito sa pagdating nya.

"World war III na meme!"

"Pumuti na ang uwak!"

"Malinis na si Neggy!"

"WALA KA PA!!" Sabay sabay na sigaw ng mga beks.

Tiningnan nya ito ng masama.

"Aayusan nyo na ba ako o maghahanap na kayo ng trabaho? Andami pang hanash!" Sabi nya at naupo na sa vanity chair.

Sa loob ng halos isang oras na pagmemake up sa kanya, walang ginawa si Vice kundi ang isipin si Karylle. Kung paano nya ito mapapaalis sa buhay nya, at ng mga kaibigan nya. Napatingin sya kay Buern na seryosong inaayos ang buhok nya. Nakaporma ito na aakalain mong nagbibinata. Napakunot ang noo nya.

"Hoy, anong kaganapan sayo at ganyan ang porma mo? Wala pa namang simbang gabi ah?" Tanong nya dito. Saglit itong tumingin kay Vice at bahagyang ngumiti.

"May liligawan ako Meme. Kelangan pogi ako pag nakita nya ko." Sagot ni Buern sa kanya.

"Liligawan? At kelan ka pa nagnasa sa kapwa mo?" Tumingin sya sa kaliwa't kanan para icheck ang buhok.

"Ano ka ba meme, pag nain love ka na, maiintindihan mo din ako." Sabi ni Buern sa pinakakalmadong boses.

"Buern!! Akina yung necklace ko!" Napalingon sila sa sumigaw sa may pinto. She's wearing a denim pants with her pink hanging top. Nanlaki ang mga mata ni Vice sa nakita.

"Hi Ms. K!" Bati ni Budi kay Karylle.

"Hi Ms. Beautiful! Haha!" Sabi ni Buern. Hindi na dumiretso ng pasok si Karylle ng makita si Vice. Sinimangutan nila ang isa't isa.

"Kukunin ko na sana yung necklace ko Buern. Asan na?" Karylle smiled genuinely. Nilapitan sya ni Buern at inakbayan.

"Diba may deal tayo? Bibigay ko sayo necklace mo, papayag ka naman sa deal ko? Okay ba yun?" Napakunot noo naman si Karylle.

"Buern naman e! Argh! Fine! Deal!" Karylle said. Pinisil naman ni Buern ang pisngi ni K. Kinuha ni Buern sa bulsa yung necklace at iniabot kay K.

"Haha! Ang cute cute mo talaga 3kings. Basta yung deal ha. Papasagutin talaga kita." Buern said. Iritang irita na si Vice sa naririnig.

"Che! Bye! Bye!" Paalam ni K sa mga beks.

Kilig na kilig na isinara ni Buern yung pinto. Hindi naman maipinta ang mukha ni Vice.

Binato ni Vice yung suklay kay Buern, "Tumahimik ka nga! Masyadong maharot." Sabay tingin ulit sa salamin.

"Ang ganda nya talaga. Ideal girlfriend. Ideal wife. Naisahan ko tuloy sya. Bwahahaha." Sabi ni Buern habang inaayos na ang buhok ni Vice.

"Ano ba yung deal nyo? Nako Buern sinasabi ko sayo layuan mo yang merlat na yan. Hindi maganda ang amoy ko dyan." Sabi ni Vice at tinitigan ng masama si Buern. Natawa nalang sa Buern.

"Nako, meme. Kung makakasama mo lang sya, sigurado akong magugustuhan mo din sya. Yung deal namin? Ibibigay ko yung necklace nya, pero liligawan ko na sya." Kilig na kilig na sinabi ni Buern.

Hindi na nakaimik si Vice dahil dumating na si Kuya Mel. Pinapapunta sila sa lounge lahat para sa meeting.

-*-*-*-*-*-

"I am very happy to say this guys, madadagdagan tayo. Another Showtime family member." Direk Bobet stated. Nagulat ang lahat pero masaya sila sa nalaman.

"So, who's the lucky person?" Anne asked without looking at Direk Bobet.

"Actually, she's one of our hurados. And I'm glad that she's part of us." Sagot ni Direk. Napatingin si Vice dahil sa narinig.

"Si Iza? Nako masaya nga!" Sabi ni Teddy.

"Si Karylle yan! Yes!" Sabi naman ni Vhong. Nanahimik lang si Vice sa isang tabi. Pinagdadasal na sana hindi si Karylle yun.

"Yes. Si Karylle nga." Napatayo sya sa narinig.

"Hindi pwede!" Sigaw nya. Napatingin naman lahat sa kanya. Nahiya sya kaya naman nagisip sya ng maidadahilan.

"A-ano kasi Di-direk, diba masyado na ata tayong marami. Ts-tsaka okay na tayo kaya na natin. Diba guys? Diba?" Everyone in the room just look at him. As if he committed a crime.

"Hay nako, mabuti nga yon e. The more the merrier!" Anne said then tapped his shoulders. Nanlulumong napaupo nalang si Vice.

He couldn't find any words para lang mapigilan ang pagiging part ni Karylle sa Showtime. Kung mangyayari man iyon, malaki ang magiging bahagi ni Karylle sa buhay ni Vice. Ngayon palang alam na nyang hindi iyon magiging madali para sakanya.

-*-*-*-*-*-*-

She's packing up her things when someone knocked. Si Kuya Mel.

"Karylle, gusto kang makausap ni Direk. Punta ka nalang dun sa office nya ha?" She smiled then nod. Umalis na din agad si Kuya Mel.

While walking, she can't stop thinking about Vice. She thinks about his flaws. Yung masasamang ugali ni Vice. Hindi naman nya napigilang mainis dahil sa naiisip.

She reached Direk's office with her narrowed eyebrows. Naalala nya kasing hindi pa natatanggal ang stain sa favorite dress nya. Yung natapunan ng coffee nung nakabangga nya si Vice.

Pumasok sya sa office at nakita doon si Direk, "Please come in Karylle." She sat beside Direk's table.

"What about this Direk? Hindi pa naman po matatapos ang contract ko right?" She asked calmly. Direk looked at her.

"I wanted to congratulate you. You really did a great job in judging. So.." Nagpapawis ang kamay na tiningnan ni Karylle si Direk.

"So, congratulations. You're part of this family." Halos malaglag naman sa upuan si Karylle sa narinig. She looked at Direk, wide eyes open.

"What? Pero Direk baka kasi hindi ako agad matanggap ng madlang pipol. At ng ibang hosts." Sabi nya.

"Don't worry. I talk to your co-hosts and okay lang sa kanila. They'll help you. Welcome to the family K." Tumayo ito at bineso sya.

She left the office, confused. Mixed emotions. Hindi nya alam kung ikasasaya ba nya o ikalulungkot. Ikasasaya dahil sa chance na binigay sa kanya o ikalulungkot dahil alam nyang mahihirapan sya. Isa pa, alam nyang meron at meron syang hindi makakasundo sa mga hosts. Si Vice..

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon