Entry 14

416 31 5
                                    

Masiglang pumasok si Karylle sa dressing room. Nagtaka naman agad sya dahil walang ingay na bumabagabag doon. Wala ang mga bakla.

"Hay, thank God. Wala dito ang mga bakla. And also the one who really irritates me." Sabi ni Karylle habang inaayos yung buhok nya sa salamin. Hindi na muna nya isinama si Sidney dahil may aayusan pa itong ibang artista.

Nagulat si Karylle ng may lumabas sa CR ng room. "Ohh, hi. You're? One of their boyfriends?" Naiilang na tanong ni Karylle sa lalaki.

Nakablazer na blue ito, white V-neck shirt, faded pants at aviator shades. Nagtaka naman si Karylle dahil mukang pamilyar ang lalaki. Tumingin ulit sya sa lalaki at umiling ito bilang sagot sa tanong nya.

"Flings? Kafling ka ni Vice?" Tanong ulit nya. She knows Vice, of course. Alam nya kung ano ang latest sa showbiz. At isa si Vice sa isa sa mga controversial artist kaya naman hindi sya nahuhuli.

Umiling muli ang lalaki at prenteng umupo sa sofa. Napataas naman ang kilay ni Karylle dahil mukhang estranghero ang kasama nya sa dressing room. "Then who are you?"

-*-*-*-*-*-*-

Nakasmirk lang si Vice habang si Karylle ay kinikilala pa sya. Nung una, dapat ay aasarin na nya kaagad ang dalaga. Pero hindi sya nito nakilala.

I knew it! I have an effect on you. Sabi ni Vice sa isip nya. Saktong pinauwi na nya ang mga beks, kay masosolo nya si Karylle. Walang Buern.

Hindi pa rin sya nagsasalita dahil nageenjoy pa sya sa curiosity ni Karylle. Habang nagmemake up ang dalaga, pinapanood lang nya. Lihim na syang natatawa dahil panaka nakang sumusulyap sa kanya si Karylle. Nagagwapuhan na sya.

Kahit dati pa naman, noong hindi pa sya naglaladlad, he's a totally heartthrob. Every girls sa campus nila, drools over him. Kaya hindi na sya nagtataka kung bakit ganito ang reaksyon ni Karylle na halos hindi na sya makilala.

Nanlaki ang mga mata nya ng magspay ng cologne si Karylle. Humawak sya sa ilong pero sadyang maamoy ang pabango kaya naamoy nya pa rin.

"Karylle!! Ang sakit sa ilong ng pabango mo, anu ba!" Nabigla si Vice sa pagsigaw kaya napatakip sya sa bibig.

"Vice?"

Kumunot ang noo ni Karylle habang si Vice naman ay patawa tawang nakatingin kay Karylle. Nilapit ni Vice ang mukha nya sa dalaga, bahagya naman itong napaatras.

"Bakit K?" He said huskily.

"L-lumayo ka n-nga! Ang baho mo." Sabi ni Karylle kay Vice at tumalikod dito. Lihim naman na napangiti muli si Vice. His ever famous kilig smile.

"I want you to meet Vice Pogi. Gusto nyang ikaw ang maging Bb. Kurba. Pwede ba yun?" Sabi ni Vice at hinatak si Karylle sa bewang.

"Pwede naman. Pwedeng si Anne." Sabi ng dalaga at inirapan sya. This is gonna be a rocky one yet an exciting ride. Sabi ni Vice sa isip.

-*-*-*-*-*-*-*-

A/N: Hi sibs! Pampalubag loob. Haha. Medyo matatagalan kasi akong hindi makakapagUD. Kasi ooperahan po yung mata ko. Pray for me sibs. And, thank you din pala sa mga nagvote sa previous chap. That is very much appreciated. Thank you din sa nagpost dito sa wall ko. Napasaya ako promise. Yun lang.

Vote. Comment. Fan. Spread.

@ImAllyssahJhoi

#HateThatILoveYou

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon