Entry 13

404 25 1
                                    

Kanina pa tinitingnan ni Vice sa di kalayuan sina Vhong at Karylle. Hindi nya alam pero nanggagalaiti sya sa galit. Hindi nya din alam kung kay Vhong ba sya galit o kay Karylle.

Naiinis sya kasi masayang magkasama yung dalawa. Naiinis sya kasi napapangiti nila ang isa't isa. Hindi nya alam kung bakit pero.  Naiinis talaga sya.

"Asdfghkjl.. Crush mo'ko?" Dinig nyang tanong ni Vhong kay Karylle. Hinintay nya yung magiging sagot ni K.

"Oo. Asgdfhkl.." Mas lalo syang nainis sa narinig. Hindi man nya naintindihan yung huling salita, sapat nang ikainis nya yung naging sagot ni K.

Halos mawasak na yung bote sa inis nya. Pero pagtingin nya sa hawak nyang bote, wasak na nga. Literal na wasak. Ganun pala ako kalakas. Lihim na napangiti si Vice sa naisip.

Umalis na din sya agad doon dahil sa inis nya.

-*-*-*-*-*-*-

"S-seryoso ka? So, tayo na? Sinasagot mo na ako?" Tanong ni Vhong, excitedly.

Natawa naman ng bahagya si Karylle. "Baliw. Hindi sa ganun." Sagot naman ni K at uminom sa softdrinks nya.

"E ano?" Tanong ni Vhong habang nakatingin sa palubog nang araw.

"Crush kita. Pero, not in that way. Not in the romantically way." Sabi ni Karylle na nakatingin din sa sunset. Nilingon sya ni Vhong.

"Di ko gets." Natatawang sagot ni Vhong. Tumingin si Karylle kay Vhong at ngumiti.

"Crush is paghanga diba? I admire you Vhong. I admire you as a person. I want to be your bestfriend." Alam ni Karylle na masasaktan nya si Vhong sa mga sinasabi nya, pero she know, this is the right thing to do.

"Ayokong dumating yung araw na masasaktan kita, Vhong. You're a good person. And I'm not the one for you." Muling sabi ni Karylle at yumakap kay Vhong.

Nagpunas naman ng luha ang kanina pang umiiyak na si Vhong, "Sige na nga. Basta, ako lang bestfriend mo ha. Baka mamaya humanap ka ng Jane. Dapat ako lang ang Loisa mo." Natatawang biro nito sa kanya.

She always admire that personality of Vhong. He knows how to handle a situation like this. "Oo naman. Ikaw lang ang Legal Bestfriend ko."

Magkasama nilang pinanood ang paglubog ng araw. Masaya naman si Karylle dahil, all is well ngayon sa buhay nya.

-*-*-*-*-*-*-*-

Kinabukasan, maagang maaga na pumasok si Vice kasama ang mga beks na inaantok pa. Si Viceral naman ay aakalain mong lumaklak ng sandamakmak na kape sa sobrang taas ng energy.

"Meme.. May biogesic ka ba jan?" Tanong ni Archie habang nakahawak sa temples nya at humikab.

"Ayan kasi. Sinasabi ko na sainyo, tigilan nyo na muna ang kakabar nyo. Tingnan nyo nangyari--" Panimulang sermon ni Vice na pinutol naman ni Buern.

"Meme, ang alam ko biogesic ang hinihingi nya. Hindi bioSERMON." Sabi ni Buern at inayos na ang gagamitin para sa buhok ng amo.

"Buern, gusto ko ng spiky hair." Seryosong sabi ni Vice at tumingin left and right sa salamin.

"Ilalabas ko noo mo?"

"Hindi. Subukan mong ilagay jan yung batok ko. O kaya yung pwet ko, hindi naman nagkakalayo." Sagot ni Vice at umirap kay Buern. Umirap nalang din dito si Buern.

Tumayo si Archie at naghanap ng aspirin sa first aid kit nila. Nang makahanap ito, inayos na nito ang gagamiti para sa amo.

"Arsenio, gusto ko ng beri beri layt muk ap." Seryosong sabi uli ni Vice.

Dahil sa sakit ng ulo at dala na din ng antok ni Archie, hindi nalang ito sumagot. Habang si Vice naman ay nakasmirk sa harap ng salamin. Imagining Karylle's face when she saw him.

"Vice Pogi mode on." Bulong nya sa sarili.

-*-*-*-*-*-*-

Vote. Comment. Fan. Spread.

Thank you!

#HateThatILoveYou

@ImAllyssahJhoi

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon