Chapter 1

40 2 4
                                    

"Hindi ako katulad ng ibang lalaki dyan Cait. Oo alam ko na kakatapos nyo lang magbreak ni Alex pero willing akong hintayin ka."

Buong araw na kaming magkatext ni Red. Feeling ko seryoso talaga sya saken dahil sa mga sinasabi nya

"Hindi pa kasi ako handang magkaboyfriend Red e," ang sabi ko sa kanya

"Hindi naman ako nagmamadali e. Maghihintay ako kahit gaano katagal."

"Sabi mo yan ah? Aattend ka ba ng Christmas party?"

"Hindi e. Tinatamad ako. Makikita mo din naman ako sa January 4 e. Wag kang excited. Hahahaha."

Well almost 4 months na lang ang natitira at mage end na ang school year. Feeling ko tuloy nahuli na si Red sa pagpasok sa buhay ko kase sa bakasyon, maga out of town kami. Ilang buwan ko din syang hindi makikita. Mabilis pa naman akong makamiss ng tao lalo na kapag napamahal na saken kaya nag aalangan ako kung papayagan ko ba talagang manligaw si Red sa akin. Syempre nalaman agad ng mga kaibigan ko na nililigawan ako ni Red. Di ko na napigilan yung sarili ko na magkwento sa kanila e. Wala kase kaming lihiman. Tinext at kinulit na agad nila si Red. Sinisiguro nila kung seryoso ba talaga saken. Oo mabait si Red, matalino, madami syang naging past relationships pero nakita ko yung pagbabago sa kanya nung naging kaklase ko sya. Sya yung lalaking gugustuhin ng isang babae kase ang gwapo nya at ang galing nya pang kumanta at mag gitara. Sa room namin, karamihan sa mga kaklase kong babae ay may gusto sa kanya. Ang saya diba? Dami kong kaagaw. HAHAHAHAHA

Chinat ni Red si Alex, yung ex ko. Sinabi ni Red na di nya ako sasaktan. Well magkaibigan naman sila pero hindi sila close. Tatlong beses din kaming nagkabalikan ni Alex bago tuluyang naghiwalay. Pumayag naman si Alex na ligawan ako ni Red dahil matino naman daw si Red.

[Cait's POV]

Sobrang awkward. Nagkita na kami ni Red kase back to school na naman. Nagkita na ulit sila ni Alex at wala namang nangyaring hindi maganda

"Cait, sabay tayo uwi mamaya? Hatid kita sa inyo? Okay lang ba sa mama mo?"

"Tatanungin ko muna si mama Red pwede?" Di naman kase alam ni mama na nagkaboyfriend na ako e kaya kailangan kong mag ingat."

Dec 18, 2014. Yan yung exact date na niligawan ako ni Red. Well hindi naman kami para magkaroon ng Monthsary pero napaka special ng araw na yan sameng dalawa. Baby Mahal nga pala yung callsign namin

"Baby Mahal, sorry a? Hindi ako makakapunta bukas sa birthday mo. Wala kase akong pera e. Yung mga kaklase na lang natin yung yayain mo okay? Babawi na lang ako. Promise."

"Red, hindi ko naman kailangan ng kahit ano e. Gusto kitang makita bukas sa birthday ko."

"Sige Bm, bahala na. Matutulog nako! Goodnight. Godbless. Iloveyou."

"K." Yan lang yung nireply ko sa kanya dahil nadismaya ako ng sobra. Wala naman akong pake kung may pera sya o wala e. Mahal ko sya at gusto ko syang makasama sa araw ng birthday ko. Alam ko na bago nya pa lang akong nililigawan pero nahulog na ako sa kanya. Sino ba namang hindi mahuhulog sa katulad ni Red?

***

7 Is EnoughWhere stories live. Discover now