So ito na. Birthday ko na! Maaga pa lang ay nasa bahay na namin yung mga kaklase ko. Syempre medyo hindi ako masaya kase hindi pupunta si Red e.
[Red's POV]
Hindi alam ni Cait na papunta nako sa kanila. Chinchat ako nung kaklase naming si Kyle na magdala daw ako ng ice cream. Sabi ko wala akong pera at nasabi ko na yun kay Cait kagabi pa. Pero syempre joke lang yun! Bumili ako ng chocolates para sa kanya. Gumawa ako ng paraan para makabawi kahit papaano.
"Cait, si Red o? Sabi naman namin sayo na pupunta sya e!"Agad agad akong niyakap ni Red at binati nya ako ng happy birthday. Syempre napangiti ako tas inabot na nya yung chocolates. Ito yung pinaka unang effort nya saken.
"Red, aalis kami mamaya ni Cait a? Mag gagala kaming dalawa. Nangako kase ako sa kanya na ililibre ko sya.""Ah sige Chris" Yan lang yung nasabi ko kay Chris dahil hindi naman nagsabi saken si Cait na may lakad pala sila. Si Chris yung tumutulong saken sa panliligaw kay Cait pero syempre nagselos pa rin ako.
[Cait's POV]
Nasa school na kami. Hindi ako pinapansin ni Red. Nauna din syang umalis sa bahay namin para pumasok. Okay naman kami pero di ko sya maintindihan. Siguro naiirita na sya kay Chris kase paulit ulit nitong sinasabi na gagala kami mamaya.
"Chris, suntukan na lang tayo o? Kanina pa ako napipikon sayo e."
"Ano bang problema Red? Kanina lang okay naman ang lahat a?"
"Eh g*go ka pala e. Paulit ulit ka. Nakakainsulto ka na. Porket wala akong pera ngayon, ikaw yung kasama ni Cait gumala mamaya? Talo talo na pala pre a?"
"Cait, si Red at Chris magsusuntukan daw!"
Pinuntahan agad namin sila ng mga kaibigan ko sa labas ng school. Kinausap ko si Red.
"Red tama na. Kung magseselos ka lang ng magseselos, mas mabuti pang tigilan mo na lang ako."
"So ganun lang yun kadali para sayo? Ako pa yung may kasalanan ngayon?"
"Umuwi ka na Red. Dun sa bahay namin matutulog sila Chris, Kyle, Jenny at Sarah. Nagpaalam nako kay mama na magi sleep over sila samen. Ayoko na Red. Tigilan mo na lang ako!"
Iniwan akong mag isa ni Cait sa labas ng school. Umuwi na sya kasama nung mga kaklase namin. Iyak ako ng iyak nung araw na yun. Chat ako ng chat sa kanya until 3 am. Seen lang lahat ng messages ko.
[Red's POV]
Kinabukasan, may group activity kami na gagawin sa bahay nila. Pumunta ako ng maaga para makausap ko sya. Nandun na si Kyle. Well di ko sya dapat pagselosan kase bading sya. Ayaw akong kausapin ni Cait. Dinadaan daanan nya lang ako
"Kyle, inom tayo? Bili ka ng isang gin at isang juice. Ito pera oh. Ayaw pa rin akong kausapin ni Cait kaya bahala sya. Sana pag nag inom ako, kausapin na nya ako."
"Red, ano bang pinag gagawa mo?!" Bat ka uminom? Eh hindi ka naman marunong uminom diba?"
"Cait, kausapin mo nako please? Sorry na. Hindi nako magseselos ulit. Pangako"
"Kakausapin ka daw ni mama mamaya Red. Sinumbong ka ng mga kapatid ko na uminom ka. Nalaman din nila tita at nagalit sila kay mama kase bat daw pumayag si mama na mag inom kayo dito ni Kyle?"
"Sorry Cait. Walang kasalanan mama mo. Ako na lang magpapaliwanag sa mga tita mo at sa mama mo. Bati na tayo please? Hindi ko na uulitin."
"Sige. Siguraduhin mo lang."
"Oo Cait, promise."
***
YOU ARE READING
7 Is Enough
RandomA heartbreaking one shot story that shows how a man is willing to fight till the end and he just suddenly woke up and realized that he is an idiot