[Red's POV]
"Hi Bm! Kamusta ka na? Miss na miss na kita. Masaya ba dyan sa L.A.? Nage enjoy ka ba? Ang mga bilin ko a? Iloveyou! Magi ingat ka palagi."
Ilang araw na din kaming hindi nagkakachat ni Cait. Pag online ako, hindi sya online. Pag online naman sya, ako naman yung hindi. Nababasa nya naman yung mga messages ko at nababasa ko din yung reply nya pero hindi talaga kami nagkakachat. Ganun lang araw araw. Magmemessage sya, magrereply ako. Magmemessage ako, magrereply sya. Pero kahit ganun, hindi nagbago yung pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako naghanap ng iba nung umalis sya. Hindi ko sya niloloko. Ginagawa ko lahat ng bilin nya at tinutupad ko lahat ng pangako ko sa kanya. Mahal na mahal ko talaga si Cait at hindi na ako makapaghintay sa kanyang pagbabalik.
May 26. Birthday ng kapatid ko. Nagmessage saken si Cait.
"Hi Red. Miss na miss na kita. Sorry ha? Parehas na tayong walang time sa isa't isa. Hindi na tayo nagkakachat. Siguro hindi talaga tayo meant to be. Alagaan mo yung sarili mo a? Tama na to. Sana maging masaya ka sa desisyon ko kase para din naman yun sa ating dalawa. Salamat sa lahat lahat Red. Magi ingat ka palagi a? Bye!"
"Sige. Kung yan yung gusto mo, then go for it." Yan yung reply ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na itigil na lang basta basta pero siguro, nasanay nako nung nawala sya. Nasanay nakong mag isa. Nung araw na sinabi nya saken yan, wala nakong maramdaman. Hindi ko na sya mahal. Hindi ako nasaktan. Hindi ako umiyak. Hindi ko sinaktan yung sarili ko. Ang alam ko lang ay masaya nako.
***
Kinabukasan, chinat ko si Red. Hindi sya online pero nag iwan ako ng message para sa kanya.
"Red, sorry a? Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung bat ko nasabi yun sayo kagabi. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka. Bati na tayo ha? Iloveyou!"
Nagmessage saken si Cait. Nung nabasa ko yun nagreply kaagad ako dahil ayokong umasa pa sya.
"Tinapos mo na lahat kagabi Cait. Tama na. Natanggap ko na e. Tanggapin mo na lang din pwede? Salamat! Sana maging masaya na lang tayo para sa isa't isa."
"Red, wag mo naman akong pahirapan please? Kanina pa ako iyak ng iyak dito. Kung ikaw, ilang beses kitang binigyan ng chance kaya bigyan mo din ako."
"Chance? Cait 7 times mo na akong pinatigil. Bago ko makuha yung chance na binigay mo, ilang luha yung pumatak sa mga mata ko. Ilang sugat yung bumakas sa mga kamay ko! Nagpakatanga ako sayo. Ayoko na Cait. Tama na. Please?"
"Red. Hindi ko kaya. Please? Gagawin ko lahat. Kahit matagal maghihintay ako na maging okay ulit tayo. Kahit masakit. Sige na oh?"
Hindi na online si Red. Hindi nya na nabasa yung last na message ko para sa kanya. Mahal na mahal ko talaga sya. Walang tigil sa pagtulo yung mga luha ko. Wala akong ganang kumain. Hindi ako titigil sa pagmemessage sa kanya dahil alam kong magiging okay kami at maaayos namin to.
"Hi Red. Grabe! Miss na miss na talaga kita. Hindi ko lubos maisip na papayag ka nung sinabi kong itigil na lang natin. Kaya nga nagsisisi nako e. Nagsimba ako kanina Red. Nagwish ako na sana maging maayos na tayo. Sorry na BM ha? Iloveyou! Mahal na mahal kita."
"Hi Bm! Mag online ka naman oh please? Basahin mo naman tong mga messages ko. Ilang araw nakong walang tulog kakahintay sa reply mo. Mahal na mahal pa rin kita."
Nabasa ko na lahat ng messages saken ni Cait. Wala na talaga e. Hindi ko na sya mahal. Naabutan ko syang online at nagkachat ulit kami.
"Cait, tama na. Masasaktan ka lang. Tigil na please?"
"Red, hindi mo na ba ako mahal?"
"Hindi na Cait. Kaya tama na. Maraming mas better saken dyan Cait. Maraming mas deserving. Hindi ako deserving para sa pagmamahal mo. Nagsasayang ka lang ng oras sa isang katulad kong walang kwenta. Kaya please tama na?"
"Sige. Kung yan yung desisyon mo, igagalang kita. Pero umaasa pa rin ako na magiging maayos tayo. Salamat sa lahat lahat."
Hindi na ako nagreply sa chat ni Cait. Basta ang sarap sa feeling. Nung una nanibago din ako kase nasanay ako na laging umiiyak dahil sa kanya pero ngayon, hindi na. Masaya nako e. Oo nakakapanghinayang kase almost 6 months din akong nanligaw sa kanya. Maraming effort, oras, panahon, pera at pagod ang nasayang pero okay lang. Alam ko naman sa sarili ko na ginawa ko yung best ko e at hindi ko ginustong lahat yung nangyari.
***
June 1. Mahal ko pa rin si Red kaya nagmessage ako sa kanya.
"Hi Red! Grabe. Miss na miss na agad kita. Hindi ko lubos maisip na mapupunta lang sa wala lahat. Akala ko kase pag pinatigil kita ay hindi ka pa rin papayag e. Akala ko kase hindi ka susuko pero nagkamali ako. Wala kang kasalanan Red. Sobra sobra yung pagmamahal na binigay mo saken. Sobra sobrang effort. Wala nang pride na natira sayo nung minahal mo ako. Kaya nga sobra sobra din yung pagsisisi ko ngayon e. Araw araw kong pinagsisisihan yung araw na sinabi ko sayong itigil na lang natin pero wala na e, bumitaw ka na. Yung mga sulat ko, itabi mo yun ha? Please? Saka yung mga bilin ko sayo, sana gawin mo pa rin kase para naman yun sa ikabubuti mo e. Mahal na mahal pa rin kita Red at hindi yun magbabago. Tama na tong kadramahan na to. Haha namiss lang talaga kita ng sobra."
***
Panibagong school year na naman. Katapat ng room namin yung room nila Cait. Ramdam ko na mahal nya pa rin ako kahit medyo may katagalan na ng huli kaming magkausap. Nagmessage kase saken si Anicka, yung pinsan nya.
"Red, mahal na mahal ka pa rin ni Cait. Hindi pa rin sya sumusuko. Umaasa pa rin sya na magiging maayos kayo. Alam mo ba na dapat sasagutin ka na nya? Nung pabalik na sya galing L.A., nagtext sya saken. Nagpaalam sya kay tita na sasagutin ka na nya kaso wala daw e, bumitaw ka na. Huli na nga ba ang lahat? Sana magreply ka dito sa message ko Red kase naaawa ako kay Cait. Salamat!"
Hindi ako nagreply sa message ni Anicka. Si Cait yung minessage ko at gusto kong tumigil na sya dahil wala na syang mapapala e. Hindi ko na talaga sya mahal. Wala nang pag asa na mabalik pa ang dati naming pagsasamahan. Huli na ang lahat
"Cait, ano yung nalaman ko na mahal mo pa daw ako? Diba sabi ko tama na kase masasaktan ka lang? Tapos na Cait. Sumuko ka na at sumuko na din ako. Hindi mo kakayanin kung ikaw lang ang lalaban mag isa so please? Wag mo nang pagudin at saktan pa yung sarili mo. Salamat Cait. Sana naman makinig ka sa mga sinasabi ko."
***
Paunti unti, nawawala na yung nararamdaman ko kay Red. Syempre almost 1 year na syang walang pake saken e. Araw araw ko syang nakikita sa school at nababalitaan ko na lang na twice na syang nagkagirlfriend after ng panliligaw nya sa akin. Ang swerte nung mga nagiging girlfriend nya. Ako sana yung nandun. Ako pa rin sana yung nakahawak sa kamay nya. Ako pa rin sana yung mahal nya kaso dahil lang sa isang katangahan na ginawa ko, naglaho ang lahat na parang bula. Hindi nako umaasa na maibabalik pa ang dati at magiging masaya na lang ako para kay Red. Magkaibigan pa rin naman kami kahit papaano kaya okay na sa akin yun. Paalam Red. Salamat sa lahat ng ala ala.
2 years na kaming hindi nagkakausap ni Cait and I hope na masaya na sya ngayon. Kahit na may nababalitaan pa rin ako ngayon na kinekwento daw ako ni Cait sa mga bago nyang classmates. Sa iisang school pa rin kami nag aaral pero ibang school na at hindi kami magkaklase kase magkaiba kami ng kinuhang course e. Masaya nako ngayon sa buhay ko. Study first muna! HAHAHA Pero umaasa pa rin ako na makakatagpo ako ng isang babaeng hindi lang better kundi best at alam kong ibibigay sa akin yun ni Lord sa tamang panahon. Focus muna ako ngayon sa ministry ko sa church namin kase bokalista at gitarista ako at nagpaplano ulit kami ng mga kaibigan ko na bumuo ng banda. Music is life. Ball is life. Yan muna sa ngayon! This is Red signing off
THE END
YOU ARE READING
7 Is Enough
RandomA heartbreaking one shot story that shows how a man is willing to fight till the end and he just suddenly woke up and realized that he is an idiot