Chapter 5

23 1 0
                                    

"Cait, baka hindi matuloy yung date natin. Sobrang dami ko kaseng gagawin e. Sana maintindihan mo. May ibang araw pa naman e. Sorry."

"Ge!"

"Cait, sorry na. Babawi na lang ako sayo. Promise."

"Itigil na natin to Red. Nag promise ka saken diba? Umasa ako. Hinintay kong dumating yung araw na to tas ganto lang pala mapapala ko?"

"Naubos na kase yung pera ko kakabili ng mga materials para sa project e. Wala na tayong pang date Cait. Babawi ako. Sa monday? Please? Pagbigyan mo nako?"

"Wala naman akong pake kung wala kang pera e. Di ko naman kailangan ng chocolates at flowers. Ikaw lang Red. Gusto lang kitang makasama. Mahirap bang ibigay saken yun?"

"Busy nga ako diba? Tungkol to sa pag aaral ko. Sana naman maintindihan mo. Hindi naman ako naglalaro lang e. Seryosong usapan to. Bat ba hindi moko maintindihan?"

"Humanap ka na lang ng babaeng makakaintindi sayo Red. Tapos na to. Ayoko na. Bye!"

[Red's POV]

Binlock ako ni Cait sa facebook kaya yung mga messages ko, sinesend ko na lang sa kaibigan nya at isesend naman sa kanya ng mga kaibigan nya. 2 days ko din syang hindi nakachat. Paunti unti nakong nasasanay sa pagpapitigil nya saken sa panliligaw. Nagiging hobbit ko na ang pag iyak, pagtulog ng 3 am at pagsuntok sa bato kahit halos magkanda wasak na yung kamay ko. Hindi ko kase talaga kayang mawala sya. Sobrang napamahal na sya saken. Legal yung panliligaw ko sa parents nya. Madalas akong nasa bahay nila at kaclose ko na yung dalawang kapatid nyang maliit at syempre, si tita. Alam din ni tita na iniiyakan ko yung anak nya. Kinekwento kase ni Cait na umiiyak ako kapag magkaaway kami at kapag ayaw nya akong kausapin. Botong boto saken ang buong pamilya ni Cait para sa kanya kaya ganun na lang yung pagtiya tiyaga kong hintayin sya.

[Cait's POV]

Kinausap ako ni mama about kay Red.

"Cait, anak, mahal mo ba si Red?"

"Opo ma. Mahal na mahal ko po sya. Bihira na lang po yung lalaking katulad nya. Yung lalaking mabait, maalaga, handang lunukin yung pride nya para saken, handang magbago para saken, yung naiintindihan ako at hindi ako sinusukuan. Idagdag mo pa yung gwapo, matalino, magaling mag chess at basketball tas magaling pang mag gitara at kumanta. Kaya nga po sobrang dami kong pinagseselosan kase maraming babae ang gustong agawin sya saken, Ma."

"Hindi naman sya sayo anak e. Alalahanin mo na manliligaw mo lang sya at hindi mo hawak ang buhay nya. Pahalagahan mo si Red anak kase pag napagod yan, ikaw din yung mawawalan. Iparamdam mo sa kanya na mahal mo sya. Ipakita mo sa kanya na deserving ka din sa paghihintay nya. Kanina, napatunayan kong mahal ka talaga nya anak. Ayaw mong lumabas sa kwarto mo kanina diba? Ayaw mo syang kausapin. Umiiyak sya. Hindi sya nahiyang ipakita saken yung luha nya. Pinakita nya saken na mahal ka talaga nya. Yun ang totoong katapangan anak. Kaya bumawi ka sa kanya. Makipag ayos ka na. Sayang naman yung magda dalawang buwan na panliligaw nya kung patitigilin mo na lang sya bigla bigla diba?"

"Opo ma. Kakausapin ko na lang po sya bukas sa school. Salamat po ma. Salamat po kase pinayagan nyo po si Red na manligaw sa akin ma."

"Walang anuman anak. Basta't wag mo lang pabayaan ang pag aaral mo at alam mo naman na ang kasiyahan mo lang ang gusto kong ibigay sayo e."

***

7 Is EnoughWhere stories live. Discover now