Chapter 3

22 2 0
                                    

[Red's POV]

Naging maayos naman ang panliligaw ko kay Cait. Mahigit 1 month ko na syang nililigawan. Mahirap syang ispelengin kase sobrang moody na. Binigyan ko sya ng letter at chocolates nung 18 kase 1st month yun ng panliligaw ko sa kanya. Masaya naman kami at mas nakikilala na namin ang isa't isa.

"Cait, sabay tayo pasok a? Susunduin kita sa inyo. Hintayin mo na lang ako."

"Sige Red. Bilisan mo ah? Para makapag usap pa tayo."

Sabay kaming pumasok. Pagkapasok namin sa room, lumapit saken si Mitch, kaklase namin ni Cait. Bestfriend sya ni Cait. Pinag usapan namin yung gagawin naming group activity at syempre, si Cait. Gusto ko kaseng malaman yung mga ayaw at gusto nya at gusto ko syang isurprise sa valentines day.

"Cait, pasensya na a? Nauna nakong umuwi sayo. Pagod kase ako tas sumakit pa yung ulo ko. Susunduin na lang ulit kita bukas."

"Tigilan na natin to Red. Ayoko na. Tigilan mo na ako."

"Ha? Ano bang ginawa ko?"

"Wala. Basta itigil mo na lang pwede?"

[Red's POV]

3am. Gising pa rin ako. Kanina pa ako iyak ng iyak. Hindi na nagrereply si Cait sa mga messages ko. Halos mawasak na naman yung kamay ko sa kakasuntok sa bato. Hindi ko talaga kayang tigilan na lang sya basta basta. Mahal na mahal ko sya. Kanina pa ako iyak ng iyak. Well matutulog na lang ako at aayusin ko na lang to mamaya pag nagkita kami. "Lord kayo na po ang bahala saken"

"Cait, kausapin mo naman ako."

"Wala na tayong dapat pang pag usapan Red. Tapos na. Kaya tama na okay?"

"Dahil ba to sa kinausap ako ni Mitch kahapon? Dahil lang dun? Dahil lang sa simpleng selos? So ganun lang kadali sayo lahat? Alam mo ba yung pinag usapan namin? Ikaw! Kase gusto kitang isurprise. Masaya ka na?!"

"Dinga? Sorry Red. Alam mo naman na ayokong mawala ka. Sobrang dami ko kaseng kaagaw sayo. Kahit san ka pumunta, ang daming tumatawag sayo tas may mga nagpapapicture pa. Bat kase nainlove na din ako sayo e?"

"Nuxx naman! Sabi ko naman kase sayo na hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Wala akong pake sa kung sinomang babae dyan. Imemesaage ko sayo fb account ko mamaya okay? Iblock mo lahat ng gusto mong iblock. Bigay mo din saken fb account mo a?"

"Oo ba. Deal. Haha iloveyou!'

"Iloveyou too Bm!"

Ginagamit nya na yung fb account ko at nagagamit ko na din yung fb nya. Akala ko mas lalaki yung tiwala nya saken. Akala ko mas magiging okay kami pero hindi pala. Mas dumalas na yung pag aaway namin. Mas lumala pa. Mas naging grabe pa yung paghihinala nya kahit na lahat ng ginagawa ko ay para naman sa kanya. Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano pa kayang kulang kase naguguluhan na talaga ako e. Hindi ko na alam yung gagawin ko para maging maayos na ang lahat. Nilunok ko na lahat ng pride ko para sa kanya pero wala pa rin. Hindi ko talaga alam kung bakit ganun kayong mga babae. Ang dami nyong gusto. Ang hirap nyo pang suyuin. Grabe

***

7 Is EnoughWhere stories live. Discover now