Chapter 6

27 1 0
                                    

[Red's POV]

So ito na nga. Babawi nako kay Cait. Niyaya ko yung dalawa kong childhood friend na kaklase ko din. Niyaya ko silang hindi pumasok ng dalawang subject kase kailangan ko ang tulong nila. Niyaya ko din si Chris. Well okay na naman kami. Madali namang makaintindi si Chris at naintindihan nya kung bakit ko sya hinamon ng suntukan noon.

"Gab? King? San tayo gagawa? Nakabili nako ng cartolina. Nasa bag ko na din yung mga colored pen at mga materials na gagamitin natin sa pag gawa ng banner. Ano pa bang kulang?"

"Magpa develop ka ng picture ni Cait. Yung kasinlaki ng isang bond paper na short para mailagay natin dun sa cartolina."

"Osige men. Bibili na din ako ng chocolates sa ministop. Buti nga at natapos ko na yung letter kagabi."

Magaling si Gab mag lettering. Si King naman, moral support lang ang maibibigay nya. Humanap si Chris ng bahay na mapag gagawaan namin. Pumunta kami sa bahay ng tita nya at doon kami gumawa.

"Ready ka na ba Red? Ano bang plano mo? Bubuksan mo to at ipapakita mo sa buong campus o sa room lang natin?"

"Sa room lang men. Haha alam nyo naman na baka mapatrouble pa tayo kapag ginawa ko yun. Yung mga teachers pa naman sa school ay sobrang strict."

"Ikaw bahala Red. Basta suportado ka namin. Ano tara na? Pasok na tayo?"

"Sige ba. Rak na ituuu!"

***

Pagkapasok namin ng gate, nakita ko agad si Cait at sila Mitch. Papunta sila sa canteen.

"Red bilisan mo na. Pumunta ka na agad sa room para dun mo na sya sorpresahin. Magready ka na bilis!"

"Sige Gab. Gab, King, Chris, salamat a? Maraming salamat sa inyo. Mauuna nako!"

"Walang anuman Red. Alam mo naman na hindi ka namin matitiis e at parang magkakapatid na tayo dito kaya bilisan mo na!"

Umakyat nako sa 2nd floor kase dun yung room namin e. Pagkapasok ko sa room, nakatingin saken mga classmates ko kase nakita nila yung dala kong banner, letter at chocolates e. Syempre hindi na sila nagtanong kase alam na agad nila na para yun kay Cait.

"Red, paakyat na si Cait. Magready ka na sa harap ng pinto!"

"Sige King! Salamat!"

So ito na nga. Naunang pumasok sila Mitch at yung iba nilang kaibigan at nahuli si Cait.

"Belated Happy Valentines Day Baby Mahal. Iloveyou!" Yan yung nakalagay sa banner pagkabukas ko. Pagkabasa nya nito, binitawan ko agad at niyakap ko sya.

"Cait, sorry na a? Sabi ko naman sayo babawi ako e. Ayos ba?"

"Hindi ko inaasahan to Red. Grabe! Salamat a? Oo bati na tayo. Pasalamat ka kinilig lahat ng kaklase natin dahil kung hindi, naku naku! HAHAHA!"

Inabot ko na kay Cait yung letter at chocolates. Yung banner na ginawa ko, pinagdiskitahan ng mga kaklase ko. Inasar pa nila ako. Ang lupet ko daw. Di daw nila inaasahan na kaya kong gawin yun. After nun, may klase na ulit at pagkadating nung teacher ng next subject, parang walang nangyari. Syempre magkatabi kami ni Cait dahil okay na kami e. Patago kong hinahawakan yung kamay nya at paulit ulit kong sinasabi sa kanya na mahal na mahal ko sya.

"Red, mauuna nako a? Marami pa tayong homeworks na gagawin e. Sabay na lang tayo pumasok bukas okay? Byeeee"

"Sige Cait. Mag ingat ka a? Imemessage na lang kita later okay? Bye!"

Yahooooooo! Syempre sobrang saya ko. Pagkauwi ko sa bahay, hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa ko. Kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam na magagawa ko yun e. Talaga ngang makapangyarihan ang pag ibig at kahit ano ay kaya nitong gawin. Ito na yata yung best day ever! Sa tingin ko ay magiging maayos na ang lahat kase nakita naman ni Cait na kaya kong ipagsigawan sa harap ng maraming tao na mahal ko sya at wala na syang dapat pang ikatakot dahil alam na ng ibang babae na sya yung mahal ko at hindi na nila ako maaagaw sa kanya. Sana lang ay magtuloy tuloy na ito. Ito na yat yung pinaka maaga kong tulog. Time check:  9:37 pm. Matutulog nako dahil wala nang dapat pang isipin. Hindi ako iiyak ngayong araw at mas lalong hindi ko susuntukin yung pader. GoodNight! zzzZZzzZ

***

7 Is EnoughWhere stories live. Discover now