Chapter 4

24 2 0
                                    

"Cait, ano na naman bang problema? Hindi ko naman nirereplyan yung mga nagchachat saken a? Pinagba block mo na nga lahat e. Ano pa bang kulang? Kausapin mo nga ako. Lagi na lang ganto! Napaka unfair mo. Ikaw ba pinakielamanan ko ba yung mga kachat mo?"

"Itigil na natin to Red. Ayoko na. Ibahin mo na password mo. Iibahin ko na rin yung password ko."

"Yan na lang yung lagi mong sinasabi. Yan lang ba yung kaya mo? Yung pagsuko? Cait naman. Akala ko ba mahal mo ako? Binabago ko naman lahat para sayo a? Ano pa bang kulang?"

"Imessage mo na lang ako mamaya. Pag usapan natin to. Wag muna tayong mag usap ngayon pwede?"

"Sige, kung san ka masaya dun din ako."

[Red's POV]

3 am na at magkachat pa rin kami ni Cait. Well napakaselosa kase nya. As in! Napakamoody pa. Ganun ba talaga kayong mga babae? Lahat ng naga add saken sa fb, dinedelete nya yung friend request. Lahat ng nagcha chat, binablock nya. Ang angas diba? Tas pag may kumausap saken na babae sa school, pinagseselosan nya agad kahit kaibigan nya pa. Ibang klase diba? Kaya mahal na mahal ko sya e. Kase nacha challenge ako sa kanya. Alam ko na kaya sya ganun ay dahil mahal nya din ako at ayaw nyang maagaw ako ng iba sa kanya.

"Cait, bati na tayo a? Please? Hindi ko na uulitin. Pag may nag add saken, idedelete ko na agad tas didistansya na lang ako sa mga babae sa school para di ka na magselos ng magselos. Okay?"

"Sorry din Red. Nadadala lang talaga ako ng emosyon ko. Sige. Babawas bawasan ko na din yung pagka TH ko."

"Basta lagi mong isipin na hinding hindi kita kayang lokohin. Cait isipin mo nga, almost 2 months nakong nanliligaw sayo. Ilang luha na yung pumatak sa mga mata ko. Ilang effort, oras at pagmamahal na yung nakuha mo galing saken? Sa tingin mo ba lolokohin kita?"

"Oo na. Haha ang drama mo na e. Iloveyou Bm. Mahal na mahal kita. Sa Feb. 14 mag date tayo a?"

"Osige. Promise" Good Night. Iloveyou! Kitakits bukas!"

Kinabukasan, tadtad ng projects and activities. Ang daming pinapapasa sa monday. Well 13 ngayon at sabado bukas. Magde date sana kami ni Cait kaso sobrang busy ko. Ang dami ko pang gagawin. Sana maintindihan nya ako. Alam ko na kung ano na namang kahihinatnan nito. Malamang papatigilin nya na naman ako. Well nasanay na rin ako e. Nasanay nako na gabi gabing umiiyak. Nasanay nako na magpakatanga sa kanya kase mahal na mahal ko sya e. Ayokong sumuko na lang basta basta kase may binitawan akong pangako na hindi ko sya susukuan at nangako din ako sa mama nya na hihintayin ko sya. Alam ko na pagsubok lang to at lalaban ako hanggang dulo. Di bale nang maubos yung luha ko, maubos yung pera ko kakaeffort at lunukin ang lahat ng pride ko para sa kanya. Masasanay din ako

***

7 Is EnoughWhere stories live. Discover now