A/N; I'M BACK!!!
Kamusta!!! Hehehehehe pasensya nga pala kung ngayon lang naka update sa maraming kadahilanan. Ayaw ko nang isa-isahin pa kasi nakakapagod at wala namang may interesado na malaman pa. Hahahahahaha
Sorry talaga sa very very very very long update.
At maraming salamat nga pala sa mga comment nyo. Nang dahil sa mga comment nyo ginanahan ako na magparagawa ng story. Abangan nyo na lang po. Hehehehehehe...
Enjoy Reading...
*****
*Previous*
Papalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto, may pumasok na matangkad na lalaki nagsalita at may parang hawak-hawak na mga papers.
Lumapit yung Stansfield don sa pumasok na lalaki.
"Before you go home. Sign this... After you get your things, Stansfield will fetch you." inabot nya yung papers kay stansfield, tapos umalis ulit. May pag ka bastos rin noh... Hindi man lang ako pinasalita.
At tsaka. hindi ko man lang nakita mukha nya. Medyo madilim kasi itong room plus the fact na matangkad pa sya
"Oh" ngiting inabot nya sakin ang papers.
Binasa ko ang nilalaman.
Hindi ko alam kong matatawa ako sa joke na ito o matatakot.
Kasi.... Bakit ba naman gusto nya akong pumirma sa marriage contract na ito....????
*End of Previous*
AIRISH P.O.V
Ako ba talaga ang pipirma?
Eh hindi naman talaga saakin directly ibinigay ah, kundi kay Stansfield! Eh di-dapat sya ang pumirma hindi ako!
Aba tinuruan ako ni Mama ng magandang asal, na kapag hindi sa iyo direktang ibinigay ay huwag mong angkinin na para sa iyo dahil hindi naman ito para sayo.
At saka idagdag mo pang hindi naman ako ang kinakausap nun.
Ang ewan nung guy na yun.
Ibinalik ko pabalik kay stansfield yung papers.
"Oh bakit hindi mo pa pinipirmahan?" takang tanong ni Stansfield.
Teka nga matanong nga pangalan nya, kasi hindi ko pa kilala ehhh.
"Ano nga ba pangalan mo Kuya Stansfield?" hindi ko pinansin tanong nya. Sagutin na muna nya tanong ko bago ko sagutin yung kanya.
"Ash... Ash Grey Stansfield! So can I get your answer now? Why didn't you sign the contract?" kailangan talagang ulitin. as if naman na hindi ko narinig yung tanong nya kanina. Hindi naman po ako bingi!

BINABASA MO ANG
My Mafia Husband
RandomThis is the story where a Mafia boss is married to a mafia princess but too childish