Danica P.O.V
Time check, 6:30 a.m
Okay, may 1 hour pa akong free time before my class starts kaya naman pupunta na ako kila tita Ellisa para sunduin ang shunga kong pinsan.
Pinsan ko si Airish sa ina kaya Mortz apelyido ko, middle name ang Ledesma. And yeah share ko lang, basta mema lang. P.O.V ko ito kaya I'm free to say and share what I want, wag na kayong umangal. Pag may umangal, ipapatokhang ko.
Nakarating na ako sa harap ng bahay nila, malamang alangan sa likod, shunga lang diba? Okay makipagtalo ba naman sa sarili kung hindi naman super shunga ano? Nahawa na ata ako sa shunga kong pinsan at dahil diyan nag doorbell na lang ako.
*Dingdong*dingdong*
Nakadalawang dingdong ako bago buksan ni tita ang pinto showing how sleepy she was nang pagbuksan ako.
Kahit na magulo pa ang buhok at pupungay-pungay pa ang mga mata ni tita ay ngumiti siya ng makita ako.
"Ohhh my beautiful p'mangkin *yawn* aga mo ahh. Halika, pasok ka." Akit ni tita saka nilakihan ang pagkabukas sa pinto.
Pumasok naman ako at prenteng umupo sa lounge nila, wala ehhh feel at home ako dito kila tita. Ito ang tambayan ko pag walang magawa sa bahay na ilang metro lang naman ang layo samin.
Lumabas naman si tita sa kusina na may dalang platito na may isang slice ng blackforest cake na binake niya mismo, at mango shake na galing sa pinigang hinog na mangga. Kaya masarap dito tumambay ay, laging may pagkain hahahaha.
"Kain ka muna p'mangkin bago pumasok ng school" ngiti niyang alok sakin saka nilapag ang dala sa center table. Agad ko namang nilantakan yung cake, wala ehh na tomjones ako nang makita ko ang pagkain. Sweets for breakfast.. Sharap....
"Bakit ka nga pala napadaan dito p'mangkin? May kailangan ka ba?" Tanong ni tita pagka-ubos ko ng cake.
Nabitin ako, ang sarap kasi ehh. No wonder marami siyang customer sa Dessert Cafe niya, apply kaya ako sa bakasyon para lagi akong makakain ng specialties niya hehehehe
"Pasensya po sa maagang istorbo tita, pero gising na po ba si insan? Sabay po kasi kaming papasok ngayon ehh"
Sabi ko then sip my mango shake.
"Ay hindi pa ba sinasabi ni bebe Ai sayo? Grabe naman si Bebe Ai, ang bata-bata pa ulianin na agad. *Iling-iling* Hayyy painumin ko kaya yun ng memo plus gold para hindi agad makalimot nohh p'mangkin? Mabilhan nga si bebe Ai pagnakadaan ako ng drugstore."
Napakamot naman ako ng ulo sa iniisip ni tita. Shunga lang kaya si insan hindi malilimutin pero bigla rin naman akong nagtaka kung bakit ni tita nasabi yan?
"Anong pong ibig niyong sabihin tita?"
"Wala na si bebe Ai dito, p'mangkin. Matagal nang hindi umuuwi kaya medyo namimiss ko na ang bebe ko"
Mas lalo naman akong naguluhan? Bakit hindi na dito umuuwi si Airish? Siguro naligaw yun dahil sa kashungahan kaya hindi makauwi? Hayy naku naman, mahina ang sense of direction nun talagang maliligaw yun. Pero bakit parang hindi man lang hinahanap ni tita, I mean hindi siya nag-aalala? It seems na okay lang siya kahit wala dito si insan, pero namimiss niya? Ehh???
Tatanong pa sana ako ng nag-interfere ang anak niyang masungit, it's kuya Karl John just got out on his room in his pj's kaya bakat....
BINABASA MO ANG
My Mafia Husband
RandomThis is the story where a Mafia boss is married to a mafia princess but too childish