Chapter - 8

1.7K 59 5
                                    

AIRISH P.O.V

Paano sina Kuya at Ash nagkakilala at saan???

Bakit man lang hindi ko alam yun?






Hala!!!!!











Hindi kaya!!!!!






"Hoy Nak!!!"

"Ay-bakla-sya!!!" gulat kong bigkas ng sundutin ni mama tagiliran ko. Napatakip tuloy ako ng bibig ng masabi ko yung kadugtong nung iniisip ko.

Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko which is ang magready ng merienda for Ash. Si mama ang nag insist na handaan ang bisita.

Kami ang nasa kusina samantalang yung dalawa ay nag uusap sa sala.



Gulat na gulat namang hinarap ako ni mama saka inilagay ang hawak-hawak nyang pitsel sa lamesa.

"Sinong bakla anak! Sabihin mo, bilis!" Nanlalakihang mga matang tanong nya saakin.

Anobayan, anong palusot gagawin ko? Bakit naman kasi ang ingay mo bibig ehh.

"Ahihihihi yung ahmm yung" kamot batok kong turan.

"Yung, Ano!? Anak kelan ka pa hindi nakakapagsalita ng ayos ha!" taka nyang tanong.

Ehh si mama, parang kinakabahan lang hindi agad maayos magsalita? Pero sabagay tama sya. Hehehe

"Ano ma yung-yung" napatingin ako sa kisame. "Ayun, yung butiki na yun ma ang bakla!" sabay turo ko don sa nag-iisang butiki sa kisame, napatingin naman si mama.

Naku naman Airish, anong klaseng palusot yan?

"Ahhh yun ba! Hahahaha akala ko kung sino na! Hahaha sige halina at baka nagugutom na yung ating bisita!" nakangiting kinuha ulit ni mama yung pitsel sa lamesa saka lumakad papalabas ng kusina.

Napa sigh of relief naman ako kasi success, nakalusot ako. Salamat sa iyo butiki nakalusot ako hahahahaha.



Binitbit ko na yung tray na naglalaman ng merienda saka lumabas na rin sa kusina.

Naabutan ko na si mama sa sala na nakaupo katabi si Kuya.

Nang makarating ako sa kanila, inilapag ko muna yung tray then  umupo sa tabi ni Ash.

Tumingin ako kay Kuya na seryuso na nakatingin saakin.

Napayuko ako kasi, ngayon ko lang naalala na may sasabihin nga pala kami. I hope na sana hindi sya magalit

"Ahmm Ma, Kuya a- - -"

"Ash already told me. So no need to explain Airish" seryuso nyang putol sa sasabihin ko.

My Mafia HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon