DaeSumi Special Part II

24 0 0
                                    

 

DaeSumi Special Part II

 

 ~D A E Z E N~

Gosh! WHY?! WHY?! Sa lahat naman ng makakabangga sa akin bakit SIYA pa?! Ugh, Lord why?! Sa lahat naman ng malas,  AKO PA talaga!

*FLASHBACK*

Kasama ko ngayon sila Janella, Gabby and Anikka sa mall. Wala lang, shopping lang. Namiss ko din naman kasi ‘tong dalawang ‘to eh, palagi na lang kasi kasama mga boyfriend nila.Si Janella naman, busy sa band. Nakakatampo nga si Kath kasi hindi siya nakasama kasi may ‘Date’ dsaw sila ni Dj. Buti pa nga sila may love life, eh ako, weh weh weh. Epic naman sound effects ko ‘no? Haha, wala kasing makuhang sound effects eh. xD

“Ate DaeDae, Gabs, Ate Jans rest muna tayo saglit. Gusto ko ng malamig eh.” Sabi sa amin ni Anikka na may puppy eyes pa. Kahit kailan talaga. Tsk.

“Sure. Saan ba? Starbucks?J.Co? Krispy Kreme? Cinnabon? Name it dun tayo.” I replied with a smile. Para ko na din kasing little sisters ‘tong mga ‘to eh. Lalo naman si Anikka, sobrang sweet niyan lalo na pagkagutom at nakakita ng pink na bagay.

“Sa Starbucks na lang. Miss ko na Java Chip dun eh.” Sabi ko, nag-agree naman si Anikka at sabay na kami pumunta sa Starbucks habang nagkukwentuhan.

*SPLASH*

*BLAG*

Yep, you guessed it right. Natapunan na nga yung favourite kong white dress ng Java Chip ng Starbucks, natumba pa ako. Nakakainis naman ito! Ano ba yan?! Favorite ko ‘tong dress ko na ‘to eh! WHITE pa ha!

Ini-offer nung nakatumba sa akin yung hand niya pero itinaboy ko agad yun kasi naiinis ako. Yung mga kasama ko namang babae, nakikinuod lang dahil nagulat din sa nangyari.

Feeling ko sobrang pula na ng face ko sa inis! Sobrang nakakainis!

Ni-ready ko na yung boses ko para sigawan kung sino man yung nakatapon na yun na HINDI manlang nag sorry. Nung inangat ko yung ulo ko, parang nag slow mo ang lahat at hindi fast forward. Hindi naman ako si Patchot ano? Nakakainis kasi ‘tong singkit na ‘to!

Magsasalitana dapat ako kaya lang inunahan na niya ako. Inangat ko na yung kamay ko eh, sisigawan ko na dapat eh. Panira sya ng moment! Tss.

“Miss, any time soon alam kong sisigawan mo ko dahil white yang dress mo, but I am so sorry! Halika samahan na kita, papalitan ko na lang yan at ibibili kita ng bago—“ Bago pa nya mapagpatuloy yung sinasabi niya, nagslita na din finally yung mga na sa likod ko. Actually hindi siya salita eh, sigaw siya eh.

“KATSUMI?!” Sigaw nila all at once na parang mga gulat pa. Wait, kilala nila ‘tong singkit na ‘to?! What?! Ba’t hindi ko naman alam yun?!

“WHAT?! KILALA NYO ‘TONG SINGKIT NA ‘TO?!” Sigaw ko na lang bigla sa gulat at tinuro pa yung singkit na they just called ‘Katsumi’

“Oh, kayo pala yan! NikNik! Bie! Nella!” Sabi naman nung Katsumi sa kanila na may ngiti sa kanyang mga labi. Pa-cute lang? May nicknames pa!

“SUMMMIII!” Sigaw ulit nila at niyakap itong singkit. Hay, hindi na ako napansin dito. HELLO?! MY FAVORITE WHITE DRESS IS STAINED!

“Maya maya na lang ulit tayo mag-usap, mukhang may kailangan pa akong asikasuhin eh.” Napakamot na lang ng ulo yung singkit habang nakatingin sa akin na medyo na hihiya. Buti naman nahiya siya! Natapunan niya ako eh! :P

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

*ON HOLD* The Diary (A KathNiel FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon