Hello! nasa right side po si Daniel ... ------------->>
____________________________________________________________________
CHAPTER 2
2:30 pm pumunta si Trisha dun sa place na sinabi ni Paul na place. Pagpunta nya dun nakita nyang nakaupo si Paul at nilapitan nya ito. Paglapit nya ngumiti si Paul at sinabing “Babe ngayun wala akong surprise sayu, ang gusto ko lang mangyari ngayun ay magkwentuhan lang tayu kasi alam kong 1 year kong ginagawa yung mga surprise surprise na yun ngayun ibahin naman natin :)” Ngumiti si Trisha at hinug si Paul “Thank you Babe. Thank you, sa tuwing magkasama tayu lagi mong pinaparamdam sakin na hindi ako nag-iisa. Kayu lang nga best friend ko ang nagbibigay sakin ng gantong feeling, napaka swerte ko talaga ”
Uwian magkasabay na naglalakad si Paul at Trisha “Babe, maglakad na lang tayu please. Matagal-tagal na tayung hindi naglalakad ih please para naman magkwentuhan pa tayu J” Ngumiti si Paul “Kung ano ang gusto mo Babe <3 Kaya lang panu yung si Alex? Sasabay ba siya satin?” Nagtaka si Trisha at hinanap sa paligid si Alex, maya-maya dumadating si Alex. “Bes! Hindi na muna ako sasabay ngayun ahh may tatapusin pa akong project eh”. “Huh? Gusto mo tulungan kita? Baka gabihin ka nyan” nag-aalalang sagot ni Trisha. “Wag na Bes, matatapos ko toh maya-maya lang. Mauna na kayu, naghihintay si Paul” Naunang umuwi sina Trisha at Paul samantalang si Alex pumunta sa library.
Papuntang library si Alex nang may nakasalubong siyang isang lalake. Napansin niyang sobra makatingin ang lalake na yun sa kanya. Binalikan niya ito ng tingin. “hoy! anong tinitingintingin mo diyan?! May kakaiba ba sa ‘kin??” sinigawan ni Alex ang lalaki. Lumapit ang lalake at nagpapakilala sa kanya, “Sorry Miss ha. May kakaiba kasi talaga sa’yo eh. Kakaiba ang ganda mo. I’m Daniel.” Inirapan ni Alex si Daniel. Isa kasi siyang man-hater simula ng iwanan sila ng tatay niya. Inisip na nya na lahat ng lalake ay katulad ng tatay niya na nangiiwan.
“Babe, may itatanong ako sa’yo? Wala lang ‘to. Biglang pumasok lang sa isip ko. May iba ka pa bang naging boyfriend besides sa akin?”Tanong bigla ni Paul. Hindi agad nakasagot si Trisha. Iisa pa lang kasi ang nagiging girlfriend ni Paul. At ang maswerteng babaeng ito ay walang iba kundi si Trisha. “babe naman. wala noh. Ikaw ang una kong naging boyfriend and I promise you. Ikaw lang ang mamahalin ko. FOREVER.” Niyakap ni Paul nang mahigpit si Trisha. “thank you baby. I love you so much.”
Kinabukasan, recess…
“Hello there!” biglang umepal si Daniel sa table nina Trisha, Paul, at Alex. Matagal-tagal na rin kasing hindi nakakasabay sina Daniel kumain kay Paul simula ng magka-girlfriend ito. Paminsan minsan ay pumupunta nalang sina Daniel at Patrick sa bahay nila Paul para doon sila magbonding na magbebestfriend.
“Uy! Mga Bro, bakit ngayon ka lang?! I mean bakit ngayon lang kayu sumabay ulit? Tagal na natin hindi nagkakasabay kumain ha.” bati ni Paul sa kanila kasabay ang pang-asar nilang handshake na hindi talaga maintindihan ng marami.
“Hey. Look who’s with you. Hi there Cutie!” kinindatan ni Daniel si Alex.Inis na inis talaga si Alex kay Daniel dahil napaka-aggressive daw nito. Hindi man lang nakakaramdam ng hiya sa bawat sasabiihin niya.
“Certified chickboy talaga ‘to.Mauna na nga ako. Bye Bes! Bye Paul!” Dahil sa inis, tumayo na at umalis si Alex patungong classroom nila.
Hahabulin na sana ni Daniel si Alex pero pinigilan siya ni Paul.
“Tingnan mo nga ‘yang babae na yan. sinasabihan na ngang cute siya, sinusungitan pa ko. Mga babae talaga hindi ko maintindihan. Binibigay na ngang lahat-lahat sa kanila, tapos ang igaganti lang, iiwanan ka at ipagpapalit sa iba.” Parang pinaparinggan ni Daniel si Trisha. Nagblush si Trisha sa hiya.Hindi niya ito pinahalata kahit kanino kaya kumain nalang siya. “Wow Bro ha.Parang ang lalim ng pinaghuhugutan. Dun ka na nga. Magmomoment lang kami ng baby ko dito.”
Gabi na ng makarating si Trisha sa bahay. Dumaan pa kasi siya kela Paul para ayusin ang mga pictures na kailangan nila para sa newspaper ng school nila. Chineck niya agad ang cellphone niya. Nagulat siya sa nabasa niya:
“One Message Received from +63917*******: Hi Trisha! Kamusta? Long time no talk.Mukhang masayang masaya ka kasama ang bago mong boyfriend ha. Sana alam niya ang tungkol sa ‘tin. Sana hindi ka naglilihim sa kanya. Iyon kasi ang pinaka-ayaw niya. Ang niloloko siya. Bye. Ingat ka. See you around at school. “One Message Received from +63917*******: Hi Trisha! Kamusta? Long time no talk.Mukhang masayang masaya ka kasama ang bago mong boyfriend ha. Sana alam niya ang tungkol sa ‘tin. Sana hindi ka naglilihim sa kanya. Iyon kasi ang pinaka-ayaw niya. Ang niloloko siya. Bye. Ingat ka. See you around at school. ♥“
Hindi niya alam kung anong gagawin. Alam niya kung kanino nanggaling ‘yon. Natakot siya na kapag nalaman ni Paul ang totoo na nagkaroon pa siya ng ibang boyfriend bukod kay Paul ay baka hiwalayan siya nito. Hindi niya kakayanin ‘yon.