Man Hater (Chapter 6)

27 2 1
                                    

Daniel!!!!! --------------------------------------------------------->>>>>>

___________________________________________________________________________

Chapter 6

Kinabukasan maagang pumasok si Alex. Pagpasok ng classroom nakita niya sina Paul at Daniel.

“Ano ginagawa niyo dito? Wala pa  si Bes?”

“Aabsent daw e, pinapabigay syo ‘to”

“Absent? Bakit?”

“Hindi niya sinabi e. Sige na, alis na kami.”

Pagbukas niya ng paper bag nakita nya yung project nila sa Science at isang letter

Hi Bes! Eto na yung project natin. Sorry ahh hindi ako makakapasok today e. Nilalagnat ako tapos ang sakit pa g tiyan ko. Sorry. Pakiexplain na lang kay ma’am. Cge bye <3

-      Trisha

Pagdating ng teacher nila, pinasa agad ni Alex yung project nila. At naintindihan naman ng teacher nila yung kalagayan ni Trisha.

After ng klse, pumunta si Alex sa canteen para maglunch. Maya-maya lumapit si Daniel.

“Hi Friend! ” bati ni Daniel

“Ui Friend! Tara kain!”

“Sige lang kakakain ko lang e”

Tahimik lang sila habang kumakain si Alex. Si Daniel tinitignan yung mga taong kumakain. Naninibago sa kanya si Alex kaya

“Ui Friend, siguro nandyan yung ex mong kinukwento kahapon noh?” -Alex

“Wala ah!”

“huuu!!”

“Wala nga! Kulit!” sigaw ni Daniel.

“E bakit ang tahimik mo? Nakakapanibago ka dre!”

“E kasi nga…”

“Ano?”

“E kasi bumagsak ako sa test sa isang subject eh”

“Oh! So malungkot ka ngayon?”

“Malamang! Alangan naming matuwa ako diba?”

“Sorry naman.”

Maya-maya may biglang tumawag kay Alex na kaklase/

“Friend, wait lang ah. Saglit lang toh, babalik din ako. Kain ka muna” paalam ni Alex.

Lumapit si Alex sa classmate nya at may itinanong lang ito tungkol sa math project nila.

Pagkaalis ng kaklase nya, natingin siya kay Daniel at napansin nya na malungkot talaga ito at nakatulala lang.

Nilapitan nya ito…

“Ui friend!” napatingin lang sa kanya si Daniel.

“hmm cge mamayang uwian…” –Alex

“Ano? – Daniel”

“Mamayang uwian, makakalimutan mo yang problema mo” sabay ngiti ni Alex/

Pagkatapos nun dumeretso na si Ale sa klase nya samantalang si Daniel tahimik pa ring naglalakad papunta sa classroom nya.

Uwian na, nakita ni alex si Daniel sa labas ng building nila na tahimik na naglalakad.

Talagang nagtataka sya kyng bakit si Daniel tahimik, hindi kais sya sanay. Kaya tumakbo sya papunta kay Daniel. Hinatak nya ang kanang kamay nito at hinila syang patakbo dun sa pinakamataas na building ng school nila.

Habang tumatakbo…

“Anong gagawin natin sa building na to?” tanong ni Daniel.

“Basta, pupunta tayo sa lugar na makakalimutan mo yang problema mo.”

Pumunta sila sa rooftop.

“Ano bang gagawin natin dito?” tanung ulit ni Daniel.

“basta, jan ka lang, malapit na… mapapit nang lumubog ang araw.” Sabay ngiti ni Alex.

Naghintay sila. Ilang minute lang lumubog na unti-unti  yung araw.

“Wow, ang ganda!” –Daniel

Ngumiti lang si Alex.

Hindi sila nagsasalita hanggang sa tuluyang lumubog na ang araw.

Bago tuluyang lumugog ang araw…

“Ang ganda noh? Tuwing malungkot ako ditto lang ako pumupunta e”

Habang nagkwekwento si Ale nakatingin lang si Daniel sa kanya.

Matagal- tagal din bago mapansin ni Alex na nakatingin lang sa kanya si Daniel.

“Bakit?” –Alex

Ngumiti lang si Daniel.

“Anong problema nito?” tanong ni Alex sa isip.

Paglubog ng araw dumeretso sila sa arcade.

“Time na para magsaya!” sigaw ni Alex.

Naglaro lang sila ng naglaro hanggang sa napagod na sila at nagsawa na.

“Tara kain na tayo” hinatak ni Daniel ang kamay ni Alex.

Nakatingin lang si Daniel kay Alex habang kumakain sila.

“Ano bang problema? Kanina ka pa ah!” maangas na tanong ni Alex.

“Nakakatawa ka e. Tsaka isipin mo yun, nakalimutan ko yung problema ko dahil sa mga bagay na pinaggagagawa natin” nakangiting sagot ni Daniel.

“Friend, wag mo kasing masyadong seryosohin yang subject na binagsak mo. Wag maging serious okay?”

“Actually, hindi naman talaga yun yung problem ko e” malungkot na sabi ni Daniel.

“E ano ba problema mo?”

“Nakapagdinner kasi akokasama yung ex ko yung kinukwento ko sayo nun. E feeling ko may feelings pa ako sa kanya e. ano ba gagawin ko friend?”

“Nako friend! Ako pa tinanung mo e wala pa nga akong experience sa mga ganyang bagay e.”

“E kasi alam mo yun, yung gusting gusto ko syang bakilan. Kaya lang hindi na pwede e.”

“Bakit naman?”

“E kasi may boyfriend na sya eh”

“Ayan. Ganyan talaga kayong mga lalaki eh. Iiwan nyo yung girlfriend nyo, pinaglaruan nyo lang. tapos kapag nakapagmove on na yung girl e tsaka nyo ulit hahabulin” –Alex

“Hindi ah! Hindi lahat ng lalaki ganun. At tsaka…”

Tinignan ni Alex yung relo nya.

“Hala! Almost 9 na pala. Sorry friend ahh pero may mga bagay pa ako na aasikasuhin”

“Ui sandal lang friend hindi pa ako tapos magsalita”

“Bukas na lang friend okay? Bye ”

Man Hater (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon