ANG CUTE NI ALEX NO? ------------------------------------->>>>>>>>>>
PLEASE VOTE AND COMMENT. THANK YOU <3
_______________________________________________________________________
Kinabukasan, pagpasok nina Alex at Trisha sa room nakita nila sina Daniel at Paul
“Ui Babe! Anu ginagawa niyo dito? Ang aga pa ahh” sabi ni Trisha
“Ha e namiss kita e :)” hinug ni Paul si Trisha, habang hinahug siya ni Paul nakatingin sa kanila si Daniel.
“Buti na lang sinamahan ako ni Daniel dito kung hindi e baka hindi na kita nahintay sa kaOPhan ” ang pabirong sabi ni Paul.
“Osha Babe alis na kami lapit nang magbell e sige see yah later.”
Hapon ng araw na yon…
“Hi Alex!”
“Ikaw nanaman? ano bang problema mo ah?”
“Anu bang ginawa ko sayo ahh? Bakit bang lagi kang nagagalit sakin?”
“Nakakainis ka kasi, napakayabang at feeling mo napakagwapo mo e wala ngang babaeng nagkakagusto sayo e”
May mga babaeng dumaan na nagpapacute kay Daniel.
Ngumiti si Daniel at tumingin kay Alex.
“E ano naman kung pogi ka? Nakakainis ka talaga napaka presko at yabang mo.”
“Okay sige, allow me to introduce myself properly. My name is Daniel. Isa sa mga writers ng mga article sa news paper natin”
“Yan, ganyan dapat.”
“Friends na tayo?”
“Hmm schoolmates”
“Ano ba?!”
“Oo friends na tayo”
“Yeah! Sige, see you later friend ;)”
Uwian, pinuntahan nina Daniel at Paul sina Alex at Trisha sa room nila. Nabigla sina Trisha “Oh? Ano ginagawa nyo dito?”.” Pwede ba kayo ngayun? Tara kain tayo dinner?” aya ni Paul. “Sure, I’m free. How about you Bes?” Nakatingin ang lahat kay Alex. “Hindi ko alam e” nag-aalangan na sagot ni Alex. “Oh come on Bes treat naman toh ni Paul e” “No, its not that. May gagawin pa ako.” “Alex sige na request ko toh” ang pakiusap ni Paul. Pumayag si Alex tapos pumunta na sila sa restaurant na kakainan nila. Nagkwentuhan sila and after that nagkayayaan na pumunta sa mall at mag-arcade.
Habang nag-aarcade may nakabungguan si Daniel na lalaki.
“Pare, laki laki ng daan binunggo mo pa ako.”
“Sorry pare hindi ko sinasadya tsaka hindi kita ”
“Laki kong toh hindi mo ako nakita?”
“Ano bang problema mo ahh?”
Pumunta si Paul sa gitna nila at na pigilan naman ang dalawa.
“Hindi pa ako tapos sayo. Magtutuos pa tayo.”
Ang sinabi ng lalaki bago umalis.
Lumapit si Alex kay Daniel, “Ui friend, ayus ka lang ba?” Ngumiti si Daniel “Ou naman Friend”. Pagkatapos ng insidenteng iyon nagpasya na silang umuwi na.
Sa labas ng mall habang hinihintay ang sasakyan nina Paul at Daniel may lumapit na mga lalaki, nabigla sila nang Makita nila ang nakabungguang lalaki ni Daniel na may kasamang ibang mga lalaki.
“Ano bang problema nyo ahh? Bakit kayo nandito?” ang malakas na patanong ni Daniel.
“Hindi ba sabi ko sayo hindi pa ako tapos sayo?” ang maangas na sagot ng lalaki.
Pinapunta nina Paul at Daniel sina Trisha at Alex sa likod nila. Lumapit si Paul at bumulong kay Paul “Hindi natin kaya yang mga lalaking yan dadalawa lang tayo, mapapahamak pa sina Trisha at Alex”. Tumingin si Daniel kay Paul “Eh ano ang gagawin natin?”. Tiningnan ni Paul sina Alex at Trisha “Pagbilang ko ng tatlo hatakin mo si Alex magkanya-kanya na tayo”
Bumilang si Paul “1 , 2 , 3! TAKBO!!!!!”
Hinatak ni Paul ang kamay ni Trisha at tumakbo ng mabilis papalayo sa mga lalaki, ganun din ang ginawa nina Daniel.
Malayo-layo na ang natatakbo nila Paul…
“Wait lang! Huminto muna tayo!”
“Wait lang Babe! Baka mahabol pa nila tayo”
“Paul huminto ka muna please!!!!”
Tumingin si Paul sa likod niya
“ALEX!!!”
Nabigla si Paul dahil ang na hatak niya palang kamay ay kamay ni Alex.
“Wait lang please! Pahinga muna tayo! Pagod na pagod na ako. Tsaka hindi ako si si Bes”
“Sorry Alex. Akala ko ikaw si Trisha.”
Habang nagsasalita biglang bumuhos ang malakas na ulan at maya-maya nakita nila na tumatakbo papunta sa kanila yung mga lalaking humahabol sa kanila. Kaya hinawakan ni Paul ang kamay ni Alex at tumakbo.
Habang tumatakbo may nakita silang taxi kaya agad nila itong pinara at sumakay na basang basa.
Habang nakasakay…
“Finally, natakasan na natin yung mga lokong yun”
“Oo nga e, musta na kaya sila Daniel?”
“Wait tatawagan ko si Bes”
Kinuha ni Alex ang cellphone nya at agad tinawagan si Trisha pero walang sumagot. Kaya si Paul na lang ang tumawag kay Daniel.
Cellphone converstation…
Paul: Bro, asan kayo?
Daniel: Dito kami ni Trisha sa isang restaurant. Natakasan na naming yung mga lokong yon kaya nagpahinga na muna kami dito, kumain na din kami.
Paul: ahh ganun ba? Sige, mabuti naman at ayos kayo. Sige paka busog na kayo dyan ahh.
End of conversation
“Oh? Asan sila Bes?”
“Ayus na sila”
“Mabuti naman!”
“Oh san tayo?”
“Anong saan tayo?”
“Tara kain tayo. Nagutom ako e sa takbo natin kanina e”
“Ano?!”
“Sige na, masama akong magutom e”
Pumunta sila sa isang restaurant at kumain. Habang kumakain nagkwentuhan sila at lagging natatawa si Paul sa facial expression ni Alex.
“Ano ba problema mo? Bakit mo ba ako pinagtatawanan?”
“Nakakatawa yang muka mo e :))”
“Aba! Sumosobra kana ahh sige ka, sasabihin k okay Bes na madami ka ngayong chix at…”
***pinicturan ni Paul si Alex (stolen)***
“Hoy! Burahin mo yan!”
“Subukan mong sabihin yan kay Trisha at ipopost ko to sa facebook :))”
“Aba! Ang lakas ng loob mong black mailin ako ahh”
Habang nagsasalita si Alex dumating ang driver ni Paul.
“Tara na” tumayo si Paul .
“Hoy! Di pa ako tapos sayo!”
Hinatid ni Paul si Alex sa bahay nila.
“See yah tomorrow ;)”