Man Hater (Chapter 3)

43 1 0
                                    

Si Paul nasa right side po yung picture nya ----------->>>>>>>>>

_____________________________________________________________________

Academy day ng St.Martin Academy. Maraming tao ang nandoon. Tuwing Academy Day kasi nila, kahit outsiders ay pwedeng pumunta doon. Iba’t ibang booth ang nandoon. Mayroong Kiss Booth, Hunted Booth, Cameroid Booth, at lahat ng klase ng booth. Sa Kiss Booth na-assign si Trisha. Sina Daniel at Paul naman ay sa Cameroid Booth at si Alex naman ay sa mga booth na nagtitinda ng kung anu-anong snacks.

Gustong pagtripan ni Daniel si Alex dahil gusto niyang magpapansin dito. Kinontsaba niya ang mga kabarkada nila. Hindi niya pina-alam kay Paul ang balak dahil alam niyang kontra ito basta sa pantritrip.Ang plano? Ipapa-handcuff nila sina Alex at Daniel tsaka ipapasok sa Jail Booth. Dahil maingay noon at puro chicks ang inaatupag ng barkada ni Daniel,hindi rin sila nagkaintindihan. Ang rinig nila, “Kapag lumapit yung mga nanghuhuli, ibigay niyo si Alex at Paul. Tapos ihahandcuff ko sila.” Kaya ganito ang ginawa nila.

Ayan na. Naghuhulihan na. Kanya-kanya ng style ang mga kabarkada ni Daniel para ibigay sina Alex at Paul.Nahuli na nga sila. dahil sa taranta, sila na rin ang naghandcuff sa dalawa. Tulirong tuliro si Daniel dahil hindi naman ganoon ang dapat na mangyayari. Nang makapasok na sa Jail Booth ang dalawa, pinagbabatukan ni Daniel ang mga kabarkada niya. “Ano bang ginawa niyo?! Ang sabi ko, kapag lumapit na yung mga nanghuhuli, ibigay niyo si Alex. Wag niyong sasabihin kay Paul. Tapos ihahandcuff ko yung kamay naming dalawa.” Galit na galit na paliwanag ni Daniel. “Pare ang labo mo naman!” Iniwan siya ng mga kabarkada niya.Nagmukmok siya sa inggit dahil ang bestfriend niya ang kasama ng babaeng type niya sa Jail Booth. Silang dalawa lang ang nandoon.

“Okay ka lang?” Tanong ni Paul kay Alex. Nagulat kasi silang dalawa sa ginawa ng mga nanghuhuli sa kanila. Bigla silang hinandcuff at ikinulong sa booth. Hindi naman gawain noon na ihahandcuff na, ijajail pa.

“Okay naman ako. Ikaw ba?” sagot ni Alex. Nagkatinginan sila ng saglit at biglang binawi ito dahil na rin siguro naiilang sila. Ilang minute pa ang lumipas ng mag-usap ulit sila.

“Siguro sobrang nag-eenjoy si Bes kaya hindi man lang niya tayo matubos dito.” sabay silang nagtawa ni Paul. Marami pa silang mga nakakatuwang bagay na napag-usapan.Hindi nila namalayang isang oras na pala silang nakakulong doon.

“You know what,Alex? Ang sarap mo palang kausap. Hindi ko namalayang nasa jail tayo ngayon.”

“Eh hindi naman kasi ‘to jail. Jail Jail-an lang.” Pilosopong sagot ni Alex.

“Akala ko hindi mo ko kakausapin dahil alam naman nating lahat na man-hater ka. Maski noon naman hindi mo ko kinakausap e kahit na magkakasama tayo ni Trisha.”

“Akala ko rin Paul e. Akala ko hindi na ulit ako makakakausap ng boys. OA lang. Salamat Paul ha. Ang saya mo kasama.” Ito na ang huli nilang pag-uusap ng araw na ‘yon. Dumating na si Trisha at tinubos sila ni Paul.

“Babe, kanina pa ko hanap ng hanap sa’yo. Akala ko umuwi ka na or what. Nandito lang pala kayo. Sa dinami-dami naman ng mahahandcuff, kayo pang dalawa. Hahaha!” Pabirong bati niTrisha sa boyfriend niya.

Naka-uwi na si Paul pero hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari kanina sa Acad…sa jail booth…sa kanilang dalawa ni Alex. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman niya. Alam niyang kailangan niyang iwasan ang ganitong pakiramdam dahil may girlfriend na siya. Pinilit niyang kalimutan yon at ipagsa-walang bahala. Gusto niyang maging isang faithful and loyal boyfriend para kay Trisha.

Man Hater (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon