BTT-2

8.1K 92 8
                                    

Dabi’s POV

Inilapag ko ang bag ko sa may table, at umupo sa sala. I was about to turn on the tv nung sakto naman dumating si mommy galing sa trabaho.

“ oh dabi, ang kuya mo?”

“ pwede ba mommy, pwede bang ako muna ang kamustahin mo bago si kuya?!” I rolled my eyes. “ nawalan na ako ng ganang manood.” Tapos tumayo ako at umalis sa bahay. Maglalakad na lang muna ako.

“ dabi, saan ka pupunta?”

“ kay daddy.” Maiksing sagot ko. At umalis na sa bahay, sumakay ako sa sasakyan kasama yung driver namin. “ dalhin mo ako kahit saan kung ayaw mong matanggal sa trabaho..”

“saan niyo po ba gusto mam?”

Tumaas ang kilay ko, dahil unang beses pa lang na kinausap ako ng driver na ito. Akala ko pipi siya all this time.

“ akala ko pipi ka. Tao ka rin pala. “ nilabas ko ang phone ko at tinignan ito. 3 missed calls from dustin, that jerk. “ dalhin mo ako sa tahimik na lugar.” Ngumisi ako. “ ah alam ko na, dalhin mo ako sa lumang bahay namin.”

I miss our home. Kung bakit ba kasi lumipat pa kami.. tss.

Hindi rin nagtagal dumating kami sa harapan ng bahay.. ofcourse, may susi ako, after 2 years. Ngayon pa lang ako bibisita ulit.

Bubuksan ko  na sana yung gate kaso bukas pala. -____- kaya tumuloy na lang ako ulit, madilim ang bahay kaya naman medyo nag-alangan na akong pumasok. Gabi na kaya! Pero sige na lang..

Bubuksan ko na rin sana yung ilaw kaso may humigit sa akin dahilan para manigas ako sa takot habang kaharap ko siya, tinakpan din niya yung bibig ko. OH MY GOD!

Nagpumiglas ako pero wala akong magawa, masyado siyang malakas!

“ saan siya pumunta?!”

“nakita niyo ba?”

“hanapin niyo!”

Nagsialisan na yung mga lalaking naghahanap kanina, at unti-unti niya na rin akong binitawan at tinanggal niya na rin yung kamay niya sa bibig ko. I tried to composed myself and act naturaaly as if nothing happened. Tarantado to ah!

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon