BTT-17

4.1K 61 9
                                    

Dabi’s POV

“dabi, baba ka na! kailangan na nating mauna sakanila. Para cute at mabait  ang mapili natin! >_< “atat na atat na sabi ni belle sabay baba sa van na sinakyan naming. Kasama naming ang buong klase.

“wag ka ngang magmukmok diyan. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa.” Bulong ni lizie sa akin at bumaba na rin sa sasakyan. Kaya ang resulta. Ako na lang ang natitira kasama si Denver na nakatingin lang din sa akin.

“ love hurts..” pang-aasar niya. “ pfft! Bakit kasi hindi pa ako ang niyaya mo. Payag naman akong maging kapartner mo. E kaso naunahan ka na ni Cath..”

“che! Hindi kita kailangan den!” pinakita ko sakanya ang kamao ko. “ kapag ikaw, di pa tumigil. Makakatikim ka na!”

“whoo. Nakakatakot naman!” sabi niya sabay umastang pinoprotektahan niya ang sarili niya at bumaba. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. “ tara na?”

Hindi ko pinansin ang kamay niya. Sa halip naglakad nalang ako papasok sa orphanage.

“ PMS.”

“ yah! Pia’s Menstrual Syndrome..” Pagkapasok pa lang sa orphanage ay ang ingay-ingay na. nakahilera na yung mga piling batang aampunin ng section naming. At halos lahat na sila nakapili na.

Agad na nakuha ng atensyon ko si belle na natutuwa habang kinakausap nila ni kuya dobi ang isang batang lalaki.

“ kyo pala ang pangalan mo? Ang cute! Kami nga pala yung mag-aalaga sayo. Ako si Ate Belle at siya naman si Kuya dobi mo. Kilala mo na siya diba?” ngumiti si belle at pinisil ang pisngi ni kyo.

“ opo. Kilala ko po.” Tumango yung bata. “ pwede po bang nanay at tatay na lang po yung itawag ko sa inyo? Kahit po ilang araw lang.” pakiusap ni kyo. Kaya naman halos humagalpak ako sa tawa. NANAY? TATAY?! Haha! Very unique. Very Pinoy!

“h-ha? Nanay at tatay talaga?” napangiwi si belle.

“ sure! Ako na ang  tatay dobi mo. At siya na ang nanay belle mo. Oh tara na? kain na muna tayo?”

Napapikit na lang ako. Ang corny nila kuya! -___-

“ oi dabi, hindi ka pa ba pipili ng aampunin mo?” napadilat ako nung Makita kong nasa harap ko na si dennis at may binubuhat na batang babae. Mga nasa 4 years old na.

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon