BTT-44

3.2K 59 4
                                    

Dabi’s POV

Bumili kami ni rence ng makakain sa isang convenient store pagkatapos ay huminto na sa harapan ng condo ko. Hindi kami nag-usap dahil parang na-awkward na rin ako sa ginawa ko. Hindi ko siya dapat hinalikan.

“ thanks sa watermelon snow..” kaagad na akong pumasok sa condo ko at hindi ko na hinintay na may sabihin pa siya sa akin. Hindi na dapat kami magkita. Hindi ko na dapat siya hinahayaang pumasok sa buhay ko.

Bago pa man ako pumasok sa condo ko ay naalala ko na naman ang pakikipagtalo ko kila mommy noong nakaraang araw.

~* FLASHBACK*~

Pagpasok ko sa tinutuluyan ko ay tumambad sa akin si mommy at daddy na kanina pa naghihintay. Hindi ko lang pinapansin ang mga text messages nila. Ngayon pa lang kami mag-uusap, Ngayon ko pa lang lilinawin ang lahat.

“ dabi..” utas ni daddy. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso kagaya ni mommy.

“ totoo ba? “ Nakakainis! Hanggang ngayon hindi ko alam kung masasaktan pa ba ako sa sobrang pagka-immune ko na sa lalim ng sugat na binibigay ng mga taong nakapaligid sa akin. “ bakit kailangan niyo pa akong ilayo sakanya? Kung pwede naman na siya nalang ang lumayo.”

“ anak im sorry.” Naiiyak na sabi ni mommy. “ ginawa lang naman namin yun para sa ikakabuti mo. Ayaw lang namin na masaktan ka.”

“ tingin niyo? Sa ginawa niyong yan hindi ako nasaktan? Sana sinabi niyo nalang sa akin ng diretso na ayaw sa akin ni rence, na gusto niya akong burahin sa buhay niya. Hindi na kailangan ko pang iwanan ang buhay ko sa pilipinas para lang sa ganito.” Pesteng luha! Nagsisimula na namang tumulo. Hindi sila nagsasalita at mukhang nagulat sa sinabi ko. Kaagad naman silang nakarecover lumapit si mommy sa akin pero lumayo ako sakanya.

“ Hindi niyo manlang ba naisip na mahirap mawalan ng kaibigan? Sila belle at lizie? Si Denver.. Hindi niyo manlang ba naisip na maraming masasaktan sa ginawa niyo. Akala niyo ba hindi mahirap na gumawa ng panibagong buhay ha? at lalong hindi niyo ba naisip ang sakit na idudulot nito sa akin?” pinunasan ko ang luha ko at tumingala para piliting hindi na ako maiyak. Pagod na pagod na akong umiyak.

“ Anak.. pakinggan mo muna kami..” pakiusap ni mommy.

“ paano niyo nasikmurang makita na pinagdurusahan ko ng isang taon ang pagkamatay ng isang taong hindi naman pala namatay?! Nakita niyo kung gaano ako nasaktan at ano? Kaya ba pinapunta niyo dito si dustin? Ang selfish mo mommy! ginawa mo to para paglapitin mo kami ulit.”

“ dabi hindi yan totoo anak. Alam mong hindi yan totoo. Maniwala ka sa akin, wala kaming intensyong masama ng daddy mo. Gusto lang namin na mamuhay ka ng tahimik yung malayo sa gulo, yung hindi ka mapapahamak.”

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon