BTT-46

3K 52 4
                                    

NOT EDITED

~~**

Hachi’s POV

“ kailangan ko pa bang magtanong kung anong nangyayari dito sayo sa America rence?” mahinahon kong sabi kay rence pagkatapos naming humiwalay na muna sakanila. Hindi siya makatingin sa akin pero ngumiti lang ako at pilit na tinatanggap ang totoong pakay ng tadhana kung bakit sila pinagtagpo dito. Malakas ang kutob ko na siya si dabi. Hindi ako pwedeng magkamali.

“ pwede ba na mamaya nalang tayo mag-usap hach?”

“ bakit? Kaya na naman nila Kevin na ientertain si Louie diba? Kailangan na nating mag-usap ngayon.” hinimas niya ang ulo niya at nagkasalubong ang tingin namin, bakit ganun? Pakiramdam ko niloloko lang ako ni rence. Ginagawa niya lang yata akong panakip butas.

“ please?” he pleaded.

“okay..” kahit hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon hinahayaan ko nalang. Ayokong mag-away kami ni rence, may tiwala ako sakanya at alam kong alam niya yun.

Bumalik kami sa may dining table, magkatabi kami ni rence habang nasa harap namin si dabi nasa gitna siya ni Kevin at David. Nagsimula akong kumain habang tinitignan si Kevin na naglalagay ng pagkain sa plato ni dabi. Ibinaling ko ang tingin ko kay rence na halatang wala na sa mood.

“ baby? Gusto mo pa ng chicken?” sabay lagay ko ng fried chicken sa plato ni rence at alam kong napansin yun ng lahat lalo na si dabi.

“ thanks.” Sabi niya sa akin at sinimulang kainin ang fried chicken.

“ Louie, sama ka sa amin mamaya? Ipapasyal ka namin ni david sa mga kilalang bar dito.” Utas ni Kevin na ngumunguya ng buong manok, parang patay gutom lang.

“ Syempre hindi kami mawawala nila ice at david diyan.” Dagdag pa ni fire.

“ Gusto mo juice?” alok ni david kay dabi pagkatapos ay kunwaring hindi niya sinadyang nainuman ang baso nito. “ ai sorry! Akala ko akin.”

Habang lahat sila ay abalang nakikipagkulitan kay dabi, napapansin ko namang kinukuyom na ni rence ang mga kamao niya.

“ okay lang. Hindi naman masamang mangarap ng indirect kiss.” Patawang sabi ni dabi. Kahit ako ay naiinis sa ginagawa niya. Masyado siyang mabait. Hindi bagay!

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon