BTT-30

4.4K 70 9
                                    

Dabi's POV

Today is Aby's talent day at kasalukuyang nandito na kami sa orphanage, naghanda kami ng isang malaking party para dito. Siguro malaking pasasalamat na rin kasi kung hindi dahil kay aby, hindi ako matututong magmahal at umunawa.

Hindi ko gustong mawalay kay aby. Weird pero totoo. She's like a little sister to us.

“ Kyo, pagkatapos nito bibisitahin ka namin ni tatay mo palagi ha? Pag may work na kami kukunin ka namin. Be a good boy, and behave.” mangiyak-ngiyak na si belle habang nagpapaalam kay kyo at binibihisan siya para sa hiphop dance na presentation nila. Sasayawin nila yung growl ng EXO na feel na feel ni kuya habang pinagmamasdan yung mag-ina *cough* niya..

“ baby,mamimiss kita.. pwede bang sa bahay ka nalang?” lungkot na lungkot si lizie habang minemake-up-an si sheen para sa hawaiian dance nila mamaya. Niyakap lang din siya nung baby pati si dennis yumakap din kaya ayun nasapak.

At ako? Nakatingin lang kay aby. Tulala! Ayokong umiyak promise..

“ e ako mommy? Hindi mo ako mamimiss? Wala na akong witch mommy pagkatapos nito?iiwan mo rin ba ako katulad ng mga magulang ko?” napabuntong hininga si aby habang inaayos mag-isa ang pink medyas niya.

Napakagat labi ako.

“ halika nga dito..” hinila ko siya papalapit sa akin at inayos din ang medyas niya. “ let me hug you witch baby..” sabay yakap ko sakanya ng mahigpit. Wala ng mangungulit sa akin sa tuwing darating ako sa bahay, wala ng dadagan sa akin tuwing gigising ng umaga, wala na akong kaaway. Mawawalan na ako ng baby.

“and now lets welcome our new performer, Kriky with Mr. Dustin Ford and Ms. Elsa Conrade.” nagpalakpakan ang mga tao habang pinapanood silang tumutugtog si Dustin sa Gitara at sa piano si Elsa habang kumakanta si Kriky ng What makes you beautiful ng One Direction.

Sumunod sila kuya dobi, Sila lizie tapos sila Rence kasama si Hachi sumayaw sila hachi at Milo habang tumutugtog si rence.

Ibig sabihin kami nalang dalawa ni Aby ang hindi pa nakakapagperform. Kill me! Isipin nalang natin na naaksidente ang daddy ni aby at namatay kaya dalawa lang kami ngayon.

“mommy! Natatakot ako, ayoko sa stage!”” sabi ni aby habang nagtatago sa likod ko.

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon