BTT-24

4.2K 69 8
                                    

Dabi’s POV

Kanina pa ako nakatunganga dito habang pinagmamasdan yung bakanteng upuan ni rence, last period na ngayong hapon a. bakit wala pa rin siya? May sakit kaya siya? E okay naman siya kagabi. Pakiramdam ko tuloy hanggang ngayon namumula pa rin ako sa sinabi niya.

Hindi naman kasi talaga ako aware! (>3<) galitin niyo nga ako!

“ Dismissed..”

Tumayo ako at lumapit kila kuya, hinila ko siya palabas ng classroom dahil hindi ako mapakali.. Bakit absent si rence? Kailangan kong malaman.

“ atat ka ng umuwi? Miss mo na si aby?”

“ Che!! Bakit absent si rence?”

“ bakit? Anong pakialam mo dun?” napakamot si kuya sa ulo niya na halatang naiirita. Kanina pa ito badtrip e.

“ para nagtatanong lang e! tss! I hate you!” irita kong sagot. “ wag kang sumabay sa akin ha?! wag talaga!”

“ sige mauna ka na , susunduin ko pa si amber e.”

“ kuya naman kasi, nasan ba si rence? Bakit absent siya?”

“ ssheez! Ang kulit mo naman dabi.. nasa Camiguin si rence ngayon, may problema yata sa pamilya niya..”

“ bakit daw?”

“ ang daming tanong! Dumating daw ang daddy niya.” Bigla akong kinabahan sa sinabi ni kuya,Ibig sabihin dumating yung isang mafia boss sa bansa. Ganun ba ang epekto niya para umabsent si rence?

“ sasabay na ako sayo, sunduin na natin si amber. Sabay na tayong umuwi lahat.” Hindi matanggal sa isip ko na mag-alala. Kamusta na kaya si rence?

Tumango si kuya, Naglakad kami palabas ng gate. Tumambad sa akin si Fire, David at Kevin kasama si Ate Cass.

“ Dabi..” niyakap ako ni ate cass, syempre nabigla din ako. Kaya pala marami pang mga estudyanteg nastranded dito sa gate, nandito kasi itong mga mahahanging pinsan ni rence.

“ ate cass, bakit nandito kayo?”

“ hinahanap kasi namin si rence at nag-aalala na ako sa kapatid ko dahil nagkasumbatan sila ni dad kagabi, hindi namin siya mahagilap. Baka kamo nakita mo lang siya..” sagot ni ate cass na mukhang malalim ang iniisip.

“ hi babe!” bati naman sakin ni Kevin, muntikan ko ng makalimutan na nandito pala si kuya kaya naman agad siyang kwinelyuhan ni kuya dahil itong haliparot na kevin na ito ay akmang yayakapin pa ako.

“ don’t dare.” Banta ni kuya kaya naman pinabitaw ko na sila bago pa magkaroon ng kung anong scene dito.

“ Ah oo nga pala, Si kuya dobi nga pala.Twin Brother ko..” Anong nangyari kay rence? Okay lang kaya siya? ;(

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon