BTT-35

3.9K 45 8
                                    

Dobi’s POV

Nagmamadali akong pumunta ng hospital dahil sa nangyari kay dabi, at wala akong balita kung napaano na ba siya o ano? basta ang alam ko ay nirush siya sa hospital dahil nalunod siya at nabagok ang ulo. Severe Haemorrhage daw. Pagkarating ko sa may hospital ay dumiretso kaagad ako sa emergency room. No one is allowed to see her, kahit na kami nila mommy. Napansin kong tulalang umiiyak si mommy habang si rence ay tumatakbong papalapit sa emergency room.

“ tita, kamusta po si dabi?” tanong niya. Biglang uminit ang ulo ko. Ang lalaking ito ang dahilan kung bakit nagkaganyan si dabi, siya ang dahilan ng pag-aagaw buhay niya.

“ Sinasabi ko na e, kaya ayokong lumapit siya sayo. Kaya nilalayo namin siya sayo dahil alam naming mapapahamak siya kapag ikaw ang kasama niya, hindi kami nagkamali. Alex, si dabi. Ayokong mamatay ang anak natin.” humagulgol si mommy, dumating naman sila tito karl at tita saira na nag-aalala.

“ ang kapal din ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng lahat ha? rence?” kwinelyuhan ko siya pero hindi niya ito pinansin. Naiinis ako. Mapapatay ko siya.

“ how is she? sophie? kamusta si dabi? anong nangyari?” tarantang sabi ni tita saira habang kaagad namang niyakap ni tito karl si mommy. Si daddy ay hindi mapakali, halatang nagpipigil siya kay rence.

“ Kuyaaa!” saway naman ni amber sa akin. “ please naman, huminahon na muna tayong lahat.” binitawan ko si rence nung makita kong papalabas ng emergency room ang doctor. Kinausap siya nila mommy ng hindi naming naririnig dahil medyo lumayo layo sila. Napatingin kami sa expression ni mommy at hindi maganda ang nakikita ko. Kaagad naman na tumakbo si rence papalapit kay mommy.

“ tita? kamusta po si dabi?”

“ she’s dead.” sabi ni daddy. para akong mamatay habang sinasabi niya yun. Tangina! hinila ko si rence papalabas ng  hospital. pareho kaming hindi makapaniwala sa nangyari, sakto namang dumating din sila dennis kasama ang mga pinsan ni rence.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sinuntok ko ng pagkalakas lakas si rence.

“ tangina mo! dinamay mo pa kapatid ko!” hindi siya pumalag sa halip ay mas lalo niya pang inipresenta ang sarili niya sa akin.

“ suntukin mo ako! bugbugin mo na ako dobi, patayin mo na rin ako kung gusto mo!” walang ganang sabi niya habang pinupunasan ang pumutok niyang labi na may dugo. Inawat kami ng mga kaibigan namin.

“ e gago ka pala e! kulang pa ang buhay mo sa buhay ng kapatid ko! tae!” sinugod ko ulit siya para suntukin, di naman siya umilag kaya tinamaan ulit ang mukha niya.

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon