Chapter 1

31 2 0
                                    

Twins

Lia's POV

First day of school ngayon. Second year college na ako. Kinakabahan nga ako eh. Wala kasi akong kilala dito, yung mga kaibigan ko sa ibang school nag aaral. Transferee kasi ako.

Lumilingon lingon ako sa mga estudyanteng nakakasalubong ko at nakakasabay kong maglakad dito sa hallway ng school.

Mga mukhang mayayaman sila at sosyalin.

Dahil sa paglingon lingon ko sa mga estudyanteng nakakasabay ko, hindi ko namalayan na may tipon tipon na palang mga estudyante sa may tapat ko.

Tumigil ako at nakitingin din, tiningnan ko ang tinitingnan nila. At narining ko naman ang mga bulong ng mga katabi kong babae.

"Nandyan na sila. Sana kasama ang kuya" girl 1
"Oo nga." Girl 2

Bumukas ang pinto ng kotse. Mamahalin din pati ang kotse. Lumabas ang dalawang babae na magkamukang magkamukha. Mag kaiba lang ng pananamit at pati kilos. Pamilyar....

"Sino sila?" Girl 3
"Hindi mo ba sila kilala?" Girl 4

Bulungan parin sila ng bulungan. Papalapit na rin ang dalawang babae. Umuusod narin ang mga tao para makadaan sila.

"Hindi. Sino ba talaga sila?" Girl 3. Ulit. Napalakas ata ang pagkakasabi niya nun kaya tumigil ang dalawa sa may tapat ko.

Nagkatingin sila at sabay nagsmirk.

"We're the Pamilac twins!" Sabay nilang sabi at humarap sa mukhang freshmens din. Ngumiti sila at napalunok naman ako dun. Nagtama kasi kami ng tingin nung isa.

Naka pastel pink dress siya na off shoulder. Kulay brown ang buhok niya, maputi, matangos ang ilong at matangkad.

Ang isa naman ay naka long sleeves, pantalon, stylish boots, at may salamin. Ang dalawa niyang kamay ay ibinalik niya sa likuran ng kanyang ulo. Kaya naman pala magkamukha. Twins!

Teka... Pamilac? Kaya pala pamilyar eh! Nakita ko na to sila! Sa isang poster. Kasama nila ang pamilya nila.

Sikat sila, dahil mayaman at magaganda at gwapo. Isa rin sila sa pinaka maraming lupain dito. Mayaman talaga. Business man ang tatay nila.

Bakit ko alam? Stalker ako eh. Simula nung nakita ko sila sa poster inistalk ko na sila. Ang ganda kasi nila at ang gwapo ng kapatid. Nalimutan ko lang talaga ang pangalan nila dahil matagal ko ng nakita ang poster na yun.

Lumakad na ulit sila. Pinagtitinginan na talaga sila ng halos lahat ng estudyante dito. Lalo na ng mga lalaki.

"Awwww wala yung kuya nila!?" Girl 1
"Oo nga eh! Crush ko kaya yun!" Girl 2

Ano nga pangalan nun sila? Wait.. may mga natatandaan ako. Ian, Ara, Aya. Sila ba yun? Ewan! Binalewala ko na lang sila at umalis na. Pumasok ako sa room. Buti naman at hindi ako nalate

Umupo na ako sa may pangalawang row. Dalawa palang kaming nakaupo dito sa row na to, at halos sa ibang row ay puno na. Walang nakaupo sa dalawang upuan sa tabi ko at wala rin sa kabilang dulo. Nasa may gitna kasi ako.

Lumingon ako sa pumasok ng room. Maputi, maganda ang katawan, matangkad, gwapo, at mukhang mabait. Uupo na sana siya sa tabi ko pero may pumigil sa kanyang mga babae sa may third row.

"Uhh.. sorry, may nakareserve na kasi jan, kung gusto mo sa second row, dun ka na lang sa kabilang dulo" sabi nung isa na nahihiya pa. Sino ba kasi nakaupo dito? Sayang. Makakalapit ko na ihh! Char!

Pagkaupo naman nung lalaki sa kabilang dulo, pumasok naman ang dalawang babae. Guess who? The Pamilac twins! Kaklase ko sila!

Umupo yung nakalong sleeve sa may tabi nung lalaki kanina at yung naka dress ay sa tabi ko. Pinagmasdan ko sila, mag kaiba ang kulay ng kanilang buhok. Parehas sila brown pero mas light yung dito sa naka dress.

LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon