First
Lia's POV
Naglalakad ako pabalik sa shop namin. Nagtitinda kasi kami ng mga bulaklak ni mama. Kakahatid ko lang sa isang lalaki na umorder kahapon ng isang dosena ng red roses.
May hawak pa akong isang rose na dapat ay tawad pero hindi niya tinanggap. Nasanay na kasi kami ni mama na kapag may bumili ngayon ng rose magbibigay ng tawad.
Inaayos ko ang rose na hawak ng biglang-- "LIA!!" may tumawag sa akin.
Lumingon ako sa kaliwa at kanan. Pati na rin sa likod para tingnan ang tumawag sa akin.
Wala naman ah. Sino ba yun?
"LIA! I'm here!" narinig ko nanamang sigaw. Pamilyar naman sa akin ang boses niya.
Tumingin ako sa mga dumadaang kotse sa kalsada dahil baka nandoon ang tumatawag sa akin. At tama nga ako! Si Ara?
Pinark ang kotse sa mag tabi para makababa si Ara. Naglakad siya papalapit sa akin tsaka ako hinila. At sa pag hila niya sakin ay nabitawan ko ang rosas.
"Tara dali!" Sabi niya tsaka kami pumasok sa kotse. Saan naman kaya kami pupunta? "Saan?" Tanong ko. Tiningnan niya ako at nginitian.
"Our House!" Sabi niya. Tumango ako at kinuha ang phone ko para itext si mama.
To: mama
Ma! Hindi po muna ako makakabalik sa shop. May pupuntahan pa po ako eh. Hihi.. text ko na lang po kayo pag pauwi na ako. Love you!
Hindi ko na hinintay ang reply ni mama. Nilagay ko ka agad ang phone ko sa bulsa ko ng makita kong papaliko na kami sa isang subdivision.
"Dito pala kayo nakatira no?" Sabi ko habang papabagal na ang andar ng kotse. Itinigil ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Ito na ata ang pinaka malaking bahay sa subdivision na to.
"Bahay niyo to?" Tanong ko at tiningnan si Ara. Ngumiti siya at-- "Yes!"
"Oh! By the way! This is my boyfriend. Andrew." Sabi niya kaya tiningnan ko ang nagdadrive kanina. Yun pala si Andrew.
"Lia" tipid kong sabi ng nakangiti. Tumango lang siya at humarap na kay Ara.
Bumaba na ako ng kotse at tiningnan ang bahay. Napalingon naman ako sa kanan ko dahil nandun si Ara at naka alis na ang kotse.
"Let's go?" Tanong niya na tinangunan ko naman. Nauna siyang maglakad papasok at nakasunod lang ako.
Binagbuksan kami ng guard ng gate tsaka kami pumasok. Nung makalapit na kami sa isang malaking pintuan ay agad niyang binuksan iyon at naglakad.
Ang ganda ng bahay nila! Maganda, malaki, malinis, at halata mong pang mayaman talaga.Natigilan ako sa paglalakad ng tumigil si Ara.
"OH... MY.. GOODNESS! Lia! Cover your eyes!" Irap niya tsaka siya lumakad pataas ng hagdan. Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko kung saan siya tumingin.
Agad ko namang iniwas ang tingin ko dahil si Zaider pala 'yun at ang girlfriend niya. Sumunod na ako kay Ara sa malaki nilang hagdan pero habang naakyat ako ay nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin silang dalawa sakin, pero nawala din nung may nag ring na phone.
Hindi ko alam kung kanino 'yun kaya hindi ko na lang pinansin.
Sinundan ko lang si Ara hanggang sa makarating kami sa isang puting pinto. Siguro kwarto niya to o kaya nila ni Aya.
Ang kakaiba ay ito lang ang pinto na kulay white. Sa mga nadaanan naming pinto at sa mga nakita ko ay kulay brown sila. Kaya sigurado akong sa kambal to.
BINABASA MO ANG
Lucky
Teen Fiction"What is luck?" Si Lia ay isang simpleng estudyante na may matinding pag hanga sa isang Model na si Zaider. With the help of his sisters, ang twins na si Lexie at Maxie, Is it enough for Lia to catch his heart? Kung kaya man, papayag kaya ang girlfr...