Hungry
Ara(Lexie)'s POV
*ring ring ring*
Nagising ako ng maaga dahil nag ring ang cellphone ko.
"Hello?"
"Hello Baby. Good morning." Bati ng boyfriend kong si Andrew mula sa telepono.
"Good morning." Bati ko naman
"Since wala namang pasok.... can we have dinner tonight?" Tanong nya.
"Ofcourse." Sagot ko ng matipid. Antok pa ako eh.
"Thanks baby! I love you. Bye." Sabi nya.
"Love you too. Bye." Sabi ko at tsaka sya nag end call.
Sabado ngayon at free naman ako kaya ako pumayag.
One year and a half na kaming mag jowa ni Andrew. He knows everything about me and my life. Pranka ako at mataray. At ganon ang type ng girl na gusto nya. So thats why I love him.
Nawala na ang antok ko kaya naman bumangon na ako. Nakita ko si Maxie sa kabilang kama, tulo laway pang natutulog. Lagi kaming parehas tanghaliin pero pag ako nagising, kahit maaga, mabilis mawala antok ko katulad ngayon.
"Maka ligo na nga."
.
.
.
.
.
Pagkatapos kong maligo, nag bihis na ako ng sleeveless top na light pink, skirt na white at nagsuot ng light pink na heels. Nag blower ako ng buhok at inayos, naglagay lang ng light make up and then Im ready to eat breakfast. But wait, I never ate breakfast alone.Lumabas ako ng dressing room namin ni Maxie at tinignan si Maxie kung tulog pa ba o nakabangon na. Nakita kong wala na sya sa kama at may mga splash akong naririnig sa banyo so I bet its her.
Lumabas sya ng banyo at nagbihis na din. Pagkalabas nya ng dressing room, nakaupo ako sa sofa dito sa room namin. Naka sweater syang cream, skinny jeans, at naka rubber shoes. Naka glasses sya as usual dahil nga malabo mata nya.
"Good morning!" Masaya niyang sabi. Ngumiti ako at tumayo para lapitan siya. Hinawakan ko ang braso niya tsaka ko siya hinila palabas ng room.
"Let's go! I'm starving!" Sabi ko habang nakahawak parin sa braso niya, "Okay, okay."
Pababa na sana kami ng hagdan ng may nakasalubong kaming bruha. Tumigil kami at humalukipkip. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Ang kaninang magandang umaga ko ay naging napakasamang umaga.
Uminit ang dugo ko ng nagtama ang tingin namin. Nakataas ang kilay ko sa kanya habang nakakunot ang noo ni Maxie. "Ohh.. good morning my FAVORITE twins!" Bati niya samin. Umirap ako at inayos naman ni Max ang salamin niya.
"Chelsea! Why are you here? Again. Wala ka na bang bahay?" Plastik kong tanong sa kanya. Ngumisi naman siya ng alam kong plastik.
"Long story girls. What do you want for breakfast?" Tanong ni Chelsea at laking gulat naman namin sa sinabi nya.
"What do you mean 'what do you want for breakfast'?" Tanong ni Maxie.
"Oh...I told yaya not to prepare any breakfast because I am the one to cook." Sabi nya ng may mukhang proud na proud.
"What!? Yaya!! You agreed with this!?" Sigaw ko kay yaya na nag wawalis lang sa may tabi.
"Uhmmm ma'am eh....."
"Kami ang mayari ng bahay dapat nag tanong ka muna sa amin!" Sabi ko kay yaya.
"Ma'am Ara....sabi po kasi ni sir Zaider....kung gaano daw po sya ka importante sa bahay na to, ganun din daw si miss chelsea." Sabi ni Yaya.
BINABASA MO ANG
Lucky
Teen Fiction"What is luck?" Si Lia ay isang simpleng estudyante na may matinding pag hanga sa isang Model na si Zaider. With the help of his sisters, ang twins na si Lexie at Maxie, Is it enough for Lia to catch his heart? Kung kaya man, papayag kaya ang girlfr...