Chapter Six

5.6K 113 5
                                    

Lissandra's P.O.V

"Coby, meet Scott my ex boyfriend"

"Ex huh? Tapos nangungulit padin?" Saad ni coby habang nakatitig kay Scott na nasa harap namin ni Coby

"Ehem and Scott meet coby m-my ex boyfriend"

"Ex na din naman pala eh bakit kung makaasta parang asawa na?" Pasaring din ni Scott habang nakangiti

"So what? I'm courting her again!" Sigaw ni coby at akmang hihilain ang damit ni Scott ng inawat ko sila

Jusko! May balak ba silang magsuntukan?

"Stoooop!"

"Scott, diba sinabi ko sayo wala na tayo?"

"B-but hindi ako---"

"Wala naman na palang pag-asa nangungulit pa" simpleng pasaring ni Coby

"At ikaw coby, sabi mo liligawan mo ako kaya you still need to know your place too"

"Know your place daw, hindi yung kung maka-asta parang bossing" sabat ni Scott

"Nagpaparinig ka ba?" Galit na tanong ni Coby

"Bakit natamaan ka ba?" Sagot din naman ni Scott

"Gag----"

"Ano ba yan! Sige mag away kayo bahala kayo sa buhay niyo!" Galit na saad ko at lumabas ng library at pinuntahan ang kambal sa kusina na ngayon ay kumakain ng meryenda

"Hi mommy, i love you" salubong sa akin ni Ashe at Nyx

Nawala naman agad yung inis at stress ko sa dalawang lalaki dahil sa kambal kaya lumapit ako sakanila at naki-kain din

COBY'S P.O.V

"Ako ang nauna pare kaya umalis ka nalang" saad ko sa lalaking nasa harap ko

Ang lakas ng loob maghabol eh wala na nga daw sila!

"At ako naman ang nasa tabi niya nung panahong nasaktan siya dahil sayo!"

"Pero nakaraan nayun"

"Bakit? Nakaraan ka narin naman niya ah?"

"Maybe i'm her past pero sisiguraduhin kong ako ang present at future niya"

"Keep on dreaming dude!" Pang aalaska niya

"May the best man win" i said at tumayo at lumabas ng library

SCOTT'S P.O.V

I'm Scott Tryndamere, Kukunin ko si Lissansdra. Sa kahit anong paraan. I'm madly inlove with her

----

LISSANDRA'S P.O.V

"Dad, help me with my homework" lumapit si Nyx na naka pajama at may hawak na notebook tsaka lumapit kay coby

"What's that?" He ask

"Divide"

"What the hell? Kinder palang kayo divide na yung tinuturo?" Tanong ni Coby

"What the hell?" Tanong ni Nyx

"No no baby, that's bad!" Saway ko at tinignan ng masama si coby

"Hehe" coby said and scratch his hair

"Let me see" saad ni coby at kinuha ang notebook

Si Ashe naman nasa lap ko, nagdedede at dinuduyan ko siya gamit ang binti

Habang nagbabasa ako ng mga monthly reports

Nasa Kwarto kami ngayon, kwarto ko katabi ko si Coby rinequest kasi ni Nyx na dito daw matulog si coby at dito daw siya matulog sa kwarto ko.

Si Scott umalis na kanina pa dahil may emergency daw na nangyari

"Na gets mo na?" Narinig kong tanong ni Coby kay Nyx

"Yes dad, thank you. I love you" nyx said at umalis sa lap ni Coby at tumabi sa akin tsaka niya tinaas ang tuhod niya para patungan ng notebook

"Welcome, i love you too" coby said at hinalikan sa noo si Nyx

"Mom" napatingin ako kay nyx nang tawagin niya ako at nakita kong tinuro niya si Ashe kaya tinignan ko ito at nakita kong tulog na siya at nasa gilid na yung dede

"Let me" saad ni Coby at binuhat si Ashe tsaka yung bote nito

"Ikaw baby? Dika pa matutulog?" Tanong ko kay nyx

"Later mom" he said at nagpatuloy sa pagsagot sa homework nila

Tinabi ko ang mga hawak kong papel at tinulungan si Nyx sa pagsagot sakto naman pagtapos namin bumalik na si Coby, kaya nagpadala na din si Nyx kay coby papuntang kwarto nila

Makakatabi ko nanaman siyang matulog? Oh tuksooooo! Haha ehem ehem.

Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at pinatay ang ilaw at binuksan ang ilaw sa lampshade

Tsaka ako nahiga at nagtalukbong ng kumot, narinig ko naman ang pagbukas ng pinto

"Sa couch nalang ako" he said

Binaba ko ang talukbong ng kumot at nakita kong kumukuha siya ng tamang pwesto sa couch

"Dito ka na"

"Huwag na baka naiilang ka"

"Ah hindi naman, tsaka wala ka naman sigurong binabalak kaya dito kana"

"Salamat" he said at tumayo sa couch, naramdaman ko naman ang paglubog ng kanang bahagi ng kama

"Goodnight baby, I love you" he said

Hindi naman ako sumagot at mga ilang minuto narinig ko na ang malalalim na hinga ni Coby

"I love you too" i said at natulog na.

Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon