Chapter Ten

4.7K 96 6
                                    

LISSANDRA's P.O.V

Two weeks na ang lumipas at tulog padin si Coby, he's in coma right now dahil natamaan ang ugat niya ng bala at nagkaroon ng komplikasyon.

Nung una nahirapan ako maka-cope up sa mga nangyayari, first nakidnapped ako, second narape at third na baril si Coby.

Yes ni-rape ako ni Scott, hindi ko matanggap na napakadumi ko nang babae kaya nang makauwi ako sa mansion halos di ako lumabas ng bahay maski ng kwarto di ako kumain dahil natatakot ako na baka nandiyan si Scott

Hindi ko akalain na makakaya niyang gawin yun. Ang babuyin ako, halos na-trauma ako sa nangyari pero agad akong natauhan nang marinig ko si Ashe na umiiyak dahil hindi na daw niya ako nakikita pati ang daddy niya

Natauhan ako na dapat akong magpakatatag para sa kambal lalo na't nasa ospital si Coby, kaya kahit diko pa kayang makisalamuha sa tao. Lumabas ako ng kwarto at hinarap ang kambal, kinausap nila ako at tinanung kung okay lang ako and they said I love you to me

Sa kambal ako humugot ng lakas upang makabawing muli, mula sa bangungot na nangyari sa akin.

Wala yung kambal ngayon nasa school kaya ako lang mag-isa sa ospital, lumabas din muna ako sa kwarto ni Coby. Nagulat ako ng makita kong may mga doctor na nagsipasukan sa kwarto ni Coby

Pumasok din ako sa loob at nakita kong nirerevive nila si Coby

"A-ano pong nangyayari?" Tanong ko

"Ma'am sa labas muna po kayo"

"Ayoko! Anong nangyayari sa asawa ko?!"

"Ma'am huminahon po kayo"

"The pulse is getting slower!" Narinig kong banggit ng Doctor

Please coby! Lumaban ka! Mahal na mahal kita! Papakasalan mo pa ako diba?

"BP is going down"

"20/80"

"CLEAR!"

"Coby lumaban ka!" Sigaw ko, i'm crying right now! Hindi ko kayang mawala pang ulit si Coby sakin, Not now please!

"Clear!"

"His body is getting weak, he can't take this anymore"

"Pull the machine!"

"40/60!"

"Coby please! I love you"

Nagdadasal ako na sana hindi bumigay si Coby, hindi ko kaya kapag nawala siya, mahal na mahal ko siya, ngayon na nga lang kami nabuo bilang pamilya mawawala pa siya? Ako nalang huwag si Coby.

Napatigil ang mundo ko at maski ang mga doctor ng marinig namin ang Flat Line

*peeeeeeeeep* Flat Line

"COBY!!!!!!!!!" Sigaw ko

----------
(After 3 Months)

"Hi, Kamusta? Ang tagal ko na palang di nakadalaw dito, may dala akong bulaklak. Miss na miss na kita hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin ngayon nalaman ko din pala na buntis ako noong nakaraang buwan pa, masakit sobrang sakit Haha sorry kung umiiyak ako ngayon dito, nagpapakatatag naman ako kaso hindi ko parin kayang hindi ipakita ang weak side ko, simula nang mangyari yun hindi ko alam kung kainino ako kukuha ng lakas buti nalang ng nandyan ang kambal kaso hindi ko aakalaing magbubunga ang pambababoy na ginawa sa akin ni Scott, pero ngayon medyo nakaka-recover na ako sa nangyari sana lagi kalang nandiyan upang bigyan ako ng lakas. Mahal na mahal kita" tumayo na ako at hinawakan ang lapida na nasa harapan ko.

Pinunasan ko ang aking luha at lumabas ng sementeryo tsaka sumakay sa kotse

"Naghihintay na sa akin ang kambal" saad ko at
Pinatakbo na ang kotse papuntang eskwelahan nila

Pagdating ko doon nakita ko naman ang kambal na nakaupo lang at tahimik na naghihintay

"Babies" tumingin sila sa akin at lumapit

"Hi mom" they said at pumasok sa loob ng kotse. I sigh, naging ganito sila simula ng araw na iyon. My babies

Pumasok ako sa kotse at tinanong ko sila kung may gusto silang puntahan pero walang tugon ang kambal kaya tinignan ko sila at nakita kong tahimik lang sila na nakatingin sa Binatana

Ayokong maging ganto ang kambal. Nawala yung sigla nila, nawala yung pagiging bibo nila

Umuwi kami ng bahay na parang wala lang. Ang tahimik ng bahay, walang maingay na tawanan, walang sigawan ng mga bata, at higit sa lahat walang sumisigaw ng daddy!

Umakyat na kami sa taas at binihisan ko silang dalawa tsaka ko pinaglaro. Ako naman uminom ng gamot medyo maselan kasi ang pagbubuntis ko

Nung una naisip ko ipalaglag ang bata kaso naawa ako sakaniya, wala siyang kamalay malay sa mundo tapos papatayin lang. Kaya sinisigurado ko na mamahalin ko ang bata katulad ng pagmamahal ko sa mga anak ko kahit na nagmula pa siya sa demonyong iyon.

Bumaba ako mula sa kwarto at nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng pintuan

"Coby" i said. Ngumiti siya at lumapit ako sakaniya at niyakap siya

"Mommy, daddy is here now!" Magiliw na saad ni Ashe

"Yes baby, wala nang business meeting si Daddy. Bakit ang tahimik ng bahay pagdating ko?" Tanong ni Coby at naupo kaming apat sa couch

"We're sad dad" nyx said.

"Why?" Tanong ni Coby

"Akala kasi nila matatagalan ka pa sa paguwi galing business trip, galing nga pala ako sa cemetery kanina dinalaw ko si Dad"

Si Dad ang isa sa kinukuhaan ko ng lakas ng loob, lalo na nung mga panahon na wala akong masasandalan dahil wala si Coby (six years ago, and until now si Dad padin ang tinatakbuhan ko)

Okay naman ako eh, ang hindi ko lang matanggap until now ang pagdadalangtao ko sa semilya ni Scott. Oo tanggap ko ang bata pero masakit padin kasi simula nang naging kami ulit ni Coby never na may nangyari sa amin tapos mabubuntis lang ako ng isang demonyo? Masakit. Sobra

Hindi ko lang masabi kay coby na nasasaktan ako sa nangyari dahil kung ako mismo nasaktan sa pangyayaring ito, alam ko na nasasaktan din siya

"Hmm, how about our baby inside your womb?" Tanong niya at hinimas ang tiyan ko at ngumiti

"I think baby is doing great" i said and smile.

Yes inaangkin niya ang bata na sakaniya daw iyon, kahit ang kambal alam nila na kapatid nila ito. Hindi nila alam na anak ko ito kay Scott at hindi nila alam na narape ako

Masyado pa silang bata para makaalam ng ganung bagay.

Pagkatapos ng kwentuhan ng maga-ama at bigayan ng pasalubong, kumain na kami at naligo tsaka pinatulog ang mga bata

Kami naman ni Coby pumasok na sa kwarto namin.

"Goodnight baby, i love you" coby whisper

"I love you too" hinalikan niya ako sa labi at nahiga na sa tabi ko at niyakap ako

Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon