Chapter Seventeen

4.1K 78 1
                                    

VAYNE WARWICK'S P.O.V

Agad kong binuhat si Rylai at lumabas ng restaurant at dinala sa kotse ko si Rylai. Shit!

Pinaandar ko naman ang kotse at agad pumunta sa pinaka malapit na ospital, pagkadating namin sa ospital sinugod agad siya sa emergency room

"What happened sir?"

"SHE--- JUST!" Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang panic ko

Pinasok na nila si Rylai kaya naiwan lang ako dito sa labas. Ngayon na nga lang kami nagkita ganito pa ang nangyari!

Kahit na ilang taon na ang lumipas aaminin ko may pagtingin pa din ako sakaniya kaso hindi na ganun kalalim kumbaga pag hanga nalang

May mahal na kasi akong iba.

Mga ilang oras na ang lumilipas at wala pading doctor ang lumalabas, hindi ko na din tinawagan si Coby dahil kung talagang may paki siya kay Rylai dapat kanina niya pa napansin na wala si Rylai sa bahay nila.

Finill upan ko na ang papeles para sa operasyon ni Rylai yung mga hindi ko alam about sakaniya, ini-skip ko nalang

Mga alas-kwatro nang lumabas ang doktor, Imagine? Alas dose sinugod si Rylai dito, ngayon lang lumabas yung doktor

Ang lakas ng tibok ng puso ko, para akong nakipagkarerahan sa kabayo.

"Ano na pong nangyari doc?" Tanong ko

"Kayo po ba ang asawa ng pasyente?"

"Ah, hindi po. Kaibigan niya lang po ako"

"Ganun ba? Sorry to say this Sir but we did all our best pero hindi naka-survive ---------- Ang Sanggol"

I feel bad about the baby, hindi manlang alam ni coby na ang kalaguyo niya ang dahilan kung bakit nalaglag ang anak nila ni Rylai. Naiinis ako kay coby napaka walang kwenta niyang asawa  at ama ng bata

"How about Lissandra?" Tanong ko

"About Ms. Crestfall? She's okay now pero nagpapahinga pa siya pwede mo na siyang dalawin sa kwarto niya"

"Salamat doc"

Hindi ko alam kung tatawagan ko ba si coby para ipaalam ang nangyari or hindi, he deserve to know what happened to his wife and baby, but he doesn't deserve his wife. That asshole!

Pumunta ako sa nurse station at tinanong ko ang room number ni Rylai, sinabi naman agad ng nurse kaya umakyat na ako doon

Pagpasok ko ng kwarto nakita ko si Rylai nakaupo at nakasandal sa headboard ng hospital bed

"Rylai" lumingon siya sa akin at ngumiti pero may luhang tumakas sakaniyang mata.

Lumapit ako sakaniya at niyakap siya

"I'm sorry about your baby" i said and pat her back

"It's okay, i don't care at all. Naging pabor pa nga sa akin ang pagkawala ng bata" habang binabanggit niya iyon unti unting nababasag ang boses niya at umiiyak na siya

"O-okay lang kasi h-hindi ko naman g-ginusto a-ang batang yun" kahit naguguluhan ako sa mga sinasabi niya, kinomfort ko lang siya at hinayaan ko siyang umiyak

"Hindi ko matanggap na nagawa ni coby sa akin ang bagay na iyon, may kulang pa ba sa akin vayne? May hindi ba ako naibigay?" Umiiyak at piyok na tanong niya

"Shh, wala rylai you're perfect"

"I was perfect before, wealth, beauty, brain, drop dead gorgeous body. I have all of them pero bakit nagawa niya pa akong lokohin?"

Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon