Chapter Seven

5.7K 116 4
                                    

LISSANDRA'S P.O.V

Ilang araw pa ang nagdaan at si Coby halos araw araw sa amin na natutulog dahil sa request ni Nyx. Si Ashe napapalapit na din siya kay Coby at si Scott lagi pading nangungulit laging pumupunta sa office at dinadalhan ako ng kung ano ano

At ngayon naghahakot na si Coby ng gamit niya papunta dito dahil dito na siya titira, sabi kasi ni nyx at ashe kung mag-asawa daw kami dapat dito na daw nakatira si Coby kaya ayun napa lipat bahay siya ng di-oras

At sa araw araw nandito siya lalo naman akong nahuhulog sakaniya, katulad ng mga araw noong kami pa. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sakaniya at ngayon nga nadadagdagan pa

"Yeeeeeyyyy! Dito na si daddy titira!" Tili ni Ashe

Ngumiti naman si Coby at hinalikan si Ashe sa pisngi ganun din si nyx at ako.

Oo ganyan siya, sobrang sweet kung dati sweet siya? Ngayon extra super ultra mega sweet na, at sobrang caring at lagi niyang kinakantahan ang mga bata kapag matutulog, siya na din ang nagpapaligo at nagluluto ng pagkain ng kambal kahit may MGA KATULONG naman kami

Pero sabi niya kapag umagahan lang naman daw siya magluluto, nabawasan ang gawain ko at alalahanin ng dahil kay coby.

Pumapasok din naman siya sa office niya pero madalang kasi C.O.O lang naman daw siya

It's saturday today kaya walang pasok ang kambal at hindi din ako pumasok kasi sabi ni Coby family day daw namin, tuwang tuwa nga yung kambal nang malaman nilang may family day kaming apat

Masaya akong makita na masayang masaya ang kambal dahil kumpleto na kami.

"Mommy let's gooooo!" Napatingin ako sakanila at nakita kong paakyat na sila sa taas at hila hila ni coby yung dalawa niyang maleta at isang travel bag at isang bagpack

Lumapit ako at kinuha ang isang travel bag na hawak ni Coby

At umakyat na kami sa kwarto, tinulungan namin si Coby na ayusin ang mga gamit niya at isalansan sa cabinet

"Is this mommy? She's so pretty here!" Narinig kong komento ni Ashe

"Ashe look it's mom and dad, they look young here" saad naman ni Nyx kaya napatingin ako sakanila at lumapit

"What's that?" Tanong ko

Pinakita ni nyx yung picture na hawak niya ito yung nasa underwater kami

"How about you? Ashe" tinaas niya yung picture at inabot sa akin

Picture ko ito six years ago, nung 23rd birthday ko nakaupo ako sa table namin at nakangiti ako sa picture

Kinuha ni Ashe yung pic at inabot kay Coby.

"Maligo na kayo, let's go" saad ni coby ng maitago niya yung picture kinarga niya si Ashe at tumalon naman sa likod niya si Nyx

Kaya nakabuhat na sakaniya si Ashe nakapasan pa si Nyx.

"Hiyaaaaaa! Tigidigtigidig!"

Kinuha ko ang phone ko at pinicturan sila.
----
"Dad carry me!" Paglalambing ni ashe kay Coby binuhat naman siya ni Coby at kiniss pa sa cheeks

"Me too!" Saad ni Nyx kaya bumaba ako ng onti para ako ang magkarga sakaniya

"No, i want daddy" he said

"Pero di na kaya ni daddy"

"I can, baby" coby said at kinarga si Nyx

Habang naglalakad kami, naririnig ko ang bulung bulungan sa paligid

Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon